0 com

@#$%^&*!

Yung badtrip na badtr ip lang ako kahapon kasi nadukutan ako ng cellphone! Yess! Hahahaha!
Nagteks pa nga ko sa number ko, sabi ko kahit yung sim card na lang ibalik niya, i really need that sim. :( Pero wala, asa naman ako noh e mandurugas nga yon. Tch.

Anyways, eto pang nakakabadtrip. Pwede ko naman kasing iparecover yung simcard ko. So nagpunta ko ng Globe, uhh. Pagdating dun, wala daw silang series ng simcard ko ek ek ganun. Nagsuggest pa yung huklubang staff na magpunta daw ako sa ibang branch. So i decided to go to another branch na malapit samin. Same result. T@#$%^& lang. Edi yon, nagpagod lang ako ng wala akong napala.

Anyways, yung phone e napablack list ko naman. Di ko sha totally napablock kasi na NTC Headquarters pa nagpapablock ng phone. Tch. So pinablack list ko lang sha, di niya magagamit temporary yung phone unless ipagawa niya. Okay na sakin yun! Atleast kung ipagawa man niya nagastusan na sha. HAHAHA!

So ayun, nadukutan ako. Bye long time number. I will miss you. :(
0 com

Hello 2012

Late? Late lang yung greet ko? February na. Hahaha!
Edi Happy Valentines Day na lang?

Really, hi 2012. 
Sabihin na nating, mukang di tayo close noh, 2012?
Mejo di maganda bungad mo sakin, why like that? Huhu.

January.
Ayun, nagkasakit ako. Trangkaso.
Si lola, naospital pa. 5days sa ICU? What the?! 
Si Nanay, ayun pumutok yung nerve sa mata. Malabo na mata niya.
Si Ate nagirregular menstruation niya. Puro pa sha test.

Why like this 2012? Huh?
Anyways, hi Feb. Mukang iniwan na namin lahat kay Jan yung mga sakit noh? *hopefully

Yesterday was Tatay's 65th birthday. 
Happy Birthday Tatay! Mahal ko po kayo.

Ayun, kakatapos lang din ng midterm exams kahapon, yey!
Grabe, namiss ko magblog. Wala akong new years resolution? 
Wala! Uproductive ako since last year. Huhu
This year, walang fix na plan, pero gusto ko magpart time uli.
Then habang wala, gusto ko gumawa ng kwento. Uhh short love story? O kaya tragic. Hahaha!
Basta. Kaso nasasabaw pa ko. Parang ngayon lang, sobrang random. Diba noh.


Masabi ko lang na naupdate ko to.
Miss ko kasi. :( Tapos ano pa, baka di ko na matuloy yung sinimulan kong story dito. Basta basta! 
Bahala na si batman beybe. 

Be good na ha, 2012. I'm still looking for next 10months. 

With love,
Em. <3