Ewan ko sa inyo
Yung tatay ko wala ng nakikita kung di lahat ng mali ko. Pucha naman!Ipagluluto mo, pag natoasted ng konti yung prito magagalit sayo. Pag nagsigang ka napaasim ng konti magagalit sayo. Magluluto ko something special na para sayo lahat na lang ng pagkakamali sa luto mo yung papansinin niya. Ipaghahain mo bakit daw di ka man lang magtanong. San ako lulugar? Lahat na lang ng gagawin ko para iplease ka 'tay mali sa tingin mo. Magtatanong pa lang ako galit ka na. Magsasalita pa lang ako, mataas na boses niyo. Kung lagi ding ganyan e bat di niyo pa sabihin sa mukha ko na "Lumayas ka sa harap ko, di kita gustong makita o di kita gustong makausap o kaya bat di niyo na lang sabihin na di niyo ko gustong maging anak" Oo. Alam ko ang OA ko ngayon, pero nakakapuno na kasi e. Gusto kong sumagot pero lalabas na napakabastos ko. Gusto kong umalis pero lalabas na wala akong modo. Gusto mong sabihin sa iba pero lalabas na nakakahiya naman ang tatay ko. Mabait naman sha e. Pero feeling ko, sobrang naiirita sha sa pagmumukha ko.
Leche tong post na to. Asar araw din. Okay na e. okay na sana. Pero I love you pa din 'tay. Hayy nagtatampo lang.