Ang buhay ay weather weather lang.

Naniniwala ako sa kasabihan yan ni kuya kim na ang buhay e weather weather lang.
Kanya kanyang trip lang, iba ibang decision, kanya kanyang pagpapatakbo ng mga buhay.
Kaya ako, weather ko ngayon. Panahon ko. Gusto ko. Trip ko gumawa ng blog, kaya ko nagawa to. Sikretong taguan ko ng mga bagay bagay na ayokong mabasa o malaman ng mga taong kilala ko o kilala ako. Alam ko na ang lahat ng tao e may mapanghusgang mga mata -- at karamihan sa kanila, kilala ko ata. :/ ang yabang ko, mapanghusga din naman ako. :))

Nagsasawa nako sa mga networking sites. Facebook. Multiply. Twitter. Plurk. Pangalanan mo na, meron siguro ako nyan, napakadame. Kagaya ng lahat ng bagay, kahit napakamahal pa, kahit napakaganda pa, dumadating pa din sa puntong nakakasawa na. Diba.
Weather weather lang din. Sa una lang exciting. Kaya naisipan ko na ding gumawa ng blog, kase dito weather weather lang din. Pwedeng magblog ako pag gusto ko, pwede ding hindi kung ayaw ko. Walang makikialam. Walang karmang mababawasan. Walang itatag na kung ano-ano. Ako lang. Trip ko lang. Yung gusto ko lang. Masasabi ko pang gusto ko. Kahit ano.

Sige. Sikreto lang 'to ha? Kung sakaling matuklasan mong tungkol dito, wag kang maingay. :*


0 comments: