Gubat Maitim
Alam mo ba ang Gubat Maitim? Ito ay isang Sitio sa Amadeo Cavite.Kakilakilabot na lugar pakinggan, pero medyo lang naman. Hahaha. No, hindi naman pala gaano. Basta.
Napadpad ako sa Gubat Maitim nitong nakaraang araw lang. Bakit?
Dahil birthday ng isang kaibigan, debut nya at sa kasamaang palad imbitado ako. At dun sila nakatira.
Hahaha. Anyways, masaya naman ang party, imperness nakadress ako kahit yukk talaga.
2nd day pa ng aking red flag. Okay, Saturday yon, 4PM pa ang out sa klase.
Ang unang plano, after class sabay sabay kaming pupunta kina Kimchie (ang debutante), sasabay ako sa kanila kasi ngayong sem ko lang naman naging klasmeyt si Kimchie, pero nagclick agad so okay, invited ako. Hindi ko alam ang papunta sa bahay nila at hindi ko din alam ang papunta sa location ng party. Wala, wasak ang unang plano, 4PM ang unang usapan, nagcutting na kami -- 1PM umalis na kami. Nice, Accounting subj. pa ang pinagcuttingan namin, 6units lang naman. Sarap ibagsak.
Okay, moving on, on the way na kami papuntang Amadeo, bale from General Trias - Amadeo ang byahe, malapit lang kung tutuusin kaso di ko gamay yung lugar.
Sumakay kami sa bus, ordinary bus, how nice, antigas ng buhok namin pagbaba. Mga trip nga naman.
Sa highway, bumaba kami sa 'Buho' isang lugar sa highway. Basta Cavite malamang.
Sumakay kami ng trike, amaze na amaze ako sa dinadaanan namin.
Ang ganda kasi, probinshang probinsha, malamig ang hangin kahit tanghaling tapat halos.
Lubak lubak nga lang ang daan, backride ako ng trike, sakit sa pwet haha.
Ang dinaanan namin, puro kape at pinya ang paligid. Presko ang hangin.
Pagbaba namin, sabi ko sa isang classmate ko 'anung tawag dito sa lugar nato?' sagot niya 'gubat maitim na, dito na tayo kina chie' i was like :O, anu nga uli?!
Okay, nagpalipas kami ng oras sa isang kwarto sa bahay nila kimchie, naglandian dahil 7PM pa naman ang start ng party. Hanggang sa dumating ang oras na kailangan na naming mag-ayos, may nagsalita, 'magsashower muna ko' sumagot ako, 'join ako jan, saka magpapalit nako e, baka magoverload ang ketchup' -- pumunta kaming banyo -- WALANG TUBEEEEEEEG!
P*ta. Panu ko magpapalit ng napkin at maghuhugas? Panu ko magtutooth brush? Panu ako? Panu kamee? Apat kaming redtide. Oha. Regla :)) Hahahahaha.
Natataranta si Irine, ang kasabay kong pumunta ng banyo hanggang sa may isang hulog ng langit na dumating at kinulbit kami sa balikat, 'Miss etong tubig, pag-iigib ko pa kayo' :) OMG si kuya! kakainlab na sana hipon lang ichura. HAHAHAHAHA. SALAMAT sa tubig kuya! :)
Sa party, waw bongga. Asa 18gifts ako belong kaya ayun, mejo easy easy lang. :D
Okay, bagot talaga ako sa ganung formal party, plus nakadress pako kaya di ako sanay.
Mas gusto ko yung mga wild party, maingay, magulo, masaya, hanggang sa may kumulbit na naman sa likod ko 'Miss, pinapaigay po nung nakawhite' sabay abot ng rose. 'Ah eh, thank you' yan lang ang nasabi ko. Nakakatawa pero ayokong makipagkilala, nagbingibingihan ako, tas binigay ko yung rose kay Jirah, sha yung katabi ko sa table na nakawhite dress -- sabi ko 'Jai bigay sayo nung lalaki oh' ewangko pero parang kinilig si Jai, natawa na lang ako. Kunyari ang pagkakarinig ko 'Miss pakibigay dun sa nakaputi' Whahahahaha.
Eto na, sa wakas natapos na ang formal party. Natapos na dahil naguwian na ang matatandang bisita, puro bagets ang natira, biglang naging disco ang ichura ng biglang may nagpahid ng icing ng cake sa mukha ko! Gantihan na! Habulan, kahit di magkakakilala, tawanan, sayawan, yeeeesh! Saya! Super enjoy na ko, nawala yung boredom ko, pagcheck ko ng oras 1AM na, ng may nagbuhos ng tubig! Hahahaha. Saya talaga, basaan, punasan ng icing. Super enjoy.
Antigas ng mga buhok namin, ng maalala ko ' WALANG TUBIG KINA KIMCHIE! ' 6AM pa daw magkakatubig. :O :O :O
Tawa pa din. Pero nung nakauwi na kami sa bahay nila, nangangati na ko, gusto ko ng maglinis ng katawan, buti na lang kahit madaling araw na nagigib si kuya. Hihi. :))
Bonding to the max na paguwi, kahit mga di kilala.
Pero nung asa bahay na, umidlip ako, ayoko kasing makipagkwentuhan sa iba, lalo na dun sa mga lalaki, andun kasi yung nagbigay ng rose. Hiya naman ako. Hahahaha.
Anyways, ang Gubat Maitim na kinashock ko ang pangalan ng Sitio ay nagkaron din naman ng magagandang experience. Nakakatuwang magovernight dun pero di nako uulet. 6am to 8am lang ba naman may tubig. :DD Tenggks talaga kay kuya na nagbibigay ng tubig. :D
Anyways by the way hey :))
Iisipin mo bang walang tubig kung ganito kagaganda ang makikita mo? :DD
Ehe, yung unang shot maganda, official photographer kasi ni Kimchaii ang kumuha. :))

Ang debutante :D Si Kimchie, nagtransform sa pagiging dalaga. :D

Sa mga ganitong okasyon mo mararamdaman ang feeling na masarap ang may boyprengg e, minsan parang gusto kong mangharbat ng lalaki bigla. :)) Si Kimchie at Dom. <3
HAHAHAHAHA! Happy 18 birthday Kimchie. :)) Labyo. :D <3
0 comments:
Post a Comment