Ano ba si Doraemon?
Diba nasabi ko na na peborit ko si Doraemon? Kaya lang kahapon, habang kausap ang isang kaibigan, napaisip ako -- ano nga ba talagang klase ng hayop si Doraemon?Ayon sa Wikipedia:
"Dora" is from "dora neko" (stray cat), and is a corruption of nora (stray). "Emon" is a component of male given names, such as Goemon, though no longer as popular as in the past "Dora" is not from dora meaning gong.
Wag nang pakaintindihin pa, basta sa PUSA daw diba.
Pero si Doraemon ay takot sa daga. Meron bang pusang takot sa daga? At meron din bang pusang may bulsa sa tiyan? :D
PANSININ! Hawig siya sa isang Penguin.
KAYA I THEREFORE CONCLUDE THAT DORAEMON IS NOT A CAT! HINDI SHA PUSA!
ISA SHANG PUPENGROOPIN!
HAHAHAHA! Oo, PUPENGROOPIN. Sabi ko nung una Kangaroo sha. Napagtanto kong mali pala. TAMA! Sha ay isang PUPENGROOPIN (bigkasin: PU-PENG-ROO-PIN) [komposisyon: 1/4 pusa; 1/4 penguin; 1/4 kangaroo at 1/4 dolphin]
Npagtanto ko base sa mga litratong aking nakalap na si Doraemon ay isang PUPENGROOPIN.
Isang Pupengroopin si Doraemon na takot sa daga at mahilig sa Hopia. :))
Okay. Thank you. Bow. :D
Excess: Ngayon isa na lang ang katanungan sa isip ko. Ano ang mas malaki? Ang bulsa ni Doraemon o ang bag ni Dora? :D
0 comments:
Post a Comment