0 com

PAG-IISIP

Andami kong iniisip. Di ko na alam kung anong uunahin ko.
Kelan lang nagapply nga ako ng trabaho, pumasa sa initial interview, exam at ngayon nakapasa sa final interview. Pero hindi ko alam kung itutuloy ko pa. Iniisip ko kung anung gagawin ko, panung school? Kakayanin ko ba?
Naisip ko din naman, nakaya nga ng ibang working student, bat ko di kakayanin? Kaso, nagaalangan ako. Sa schedule. Sa dates. Sa lahat.

Nagpaalam na ko sa buong pamilya regarding this, iisa lang sinabi nila sakin. Basta kaya ko, walang problema sa kanila, saka basta di ko pababayaan studies ko. Sa sarili ko, alam ko, yun talaga ang priority ko, ang mag-aral. Kaya lang iniisip ko. Kaya ko bang talaga?

Pinapagayos na ko ng requirements, NBI clearance, Police clearance, SSS, mga ganyan. Ngayon ko naisip, eto na talaga. Kaso hindi ko pa matimbang ang sarili ko, binabagabag ako ng isip ko. Pinakagumugulo lang naman kasi sakin talaga schedule. 6hrs/day kasi yung trabaho, though part time kakainin pa din nun ng malaki ang oras ko. Kaya ako bihira magupdate, magonline o anu pa man e dahil andami kong inayos. Pagu-wi antok na antok nako, di na kaya ng powers kong magonline.

Tapos parang mababaliw nako, papaandaran pa ko ng tatay ko. Aynako. Antanda tanda na ayaw pang alisin yung toyo sa ulo niya. Minsan nakakapuno din, minsan parang gusto ko na sabihin kahit kaninong makita ko ;oy 'oy palit tayo tatay' tas nagsisisi din naman ako bandang huli. Diba, parang loka lang.

Nabubuwisit pako sa sarili ko, pagandito lang ako sa bahay wala na akong ginawa kundi matulog at manood ang anime o koreanovela. Antamad tamad ko. Dahil nga nandito lang ako sa bahay kahit pagligo kinatatamadan ko. Aynako talaga. Malala nako.

Kahapon kausap ko yung isang friend kong asa malayo. Nagevaporate lahat ng stress ko, tawa ko ng tawa habang kausap ko sha, kahit thru chat lang kami magkausap. Nakikipagngitian talaga ako sa monitor, super halakhak. Nakakamiss. Napagusapan pa namin, wala pala akong krass whahaha. Naubos. Wala lang. Labo na. Labo labo na.

Ayun, tinuloy ko din, baka malapit nakong magtrabaho! Yes! Conratulations to me! Wala ng atrasan sana maganda sched. Sana wala ng maging problema. Sana sana sana. :DD
0 com

Realidad sa Pilipinas

Reality check lang, kauuwi ko lang kasi galing sa isang job fair. Hindi naman ako hikahos para magtrabaho na kahit di pa nakakatapos. Gusto ko lang. Gusto kong magtrabaho para kumita, gusto kong magtrabaho para hndi ako tumambay ngayong bakasyon. Okay. Kaya nagpunta ako ng jobfair dito lang sa Walter Dasma. Around 8AM, dumating kami dun, at eto-- kakauwi ko lang. Anung oras na 8PM. Niiice.

Naipasa ko na yung initial interview, naipasa ko na yung written exam, final interview na lang, 4PM na nito. Kailangan daw sa final interview ng nakamake-up, okay edi magmake-up. Hala, nakamake-up na't lahat wala pa yun magiinterview. Umalis pala. What the?! I was like -- :| *ano?! gaguhan to?!

So okay, reschedule na lang daw yung para sa final interview. *Sana sinabi agad diba.

So fine, malakas na yung kapit ko. Pero tinatamad na akong ituloy yon. Di ko naman kasi kailangang kailangan. Gusto ko lang.

Iniisip ko lang kanina, habang naghihintay ako. Grabe ang unemployment dito sa Pilipinas, tas walang maayos na sistema para sa mga gustong magkatrabaho. Kaya ba nauubos na ang mga pro dito?
Minsan parang kahit anong pagiging makabayan mo, kapag ganito ng ganito baka maubos tayo. Maubos ang Pilipino sa Pilipinas. Hindi malayo, kung hindi naman nga aasenso e. Pero pwede pa namang baguhin to. Kulang lang sa kusa at disiplina ang mga tao. 

Sa liit ground sa may entrance sa Walter Dasma., akalain mong umabot ng mahigit isang libong aplikante ang dumagsa don? na kung tutuusin, at susumahin ang kakasya lang don parang nasa mga 200 na tao lang. Grabe. Grabe yung pagod na inabot ko. Hindi ako makauwi uwi gawa ng sa mga kasama ko, hindi ko lang sila maiwan kaya ayun nagtyaga na din akong pumila at magapply. Pero sa totoo lang, AYOKO NA. Hahahahaha! Asar!

Grabe, pero sa ngayon, natatawa na lang ako paginiisip ko yung pinagdaanan kong inip at hirap sa pila kanina. Di ko akalaing tumagal ako. Praise God. Hahaha! 'Tong pagkabugnutin kong to tumagal at nagtiis sa gitna ng sikip at init kanina. Iboblowout ko nga sarili ko e. Hahahaha!

Ayun, wala na kong masabe, kailangan ko lang mailabas tong inis ko. Hahaha! Sumakit ba man ulo ko. Aynako. Keri na nga. Ciao!