Realidad sa Pilipinas
Reality check lang, kauuwi ko lang kasi galing sa isang job fair. Hindi naman ako hikahos para magtrabaho na kahit di pa nakakatapos. Gusto ko lang. Gusto kong magtrabaho para kumita, gusto kong magtrabaho para hndi ako tumambay ngayong bakasyon. Okay. Kaya nagpunta ako ng jobfair dito lang sa Walter Dasma. Around 8AM, dumating kami dun, at eto-- kakauwi ko lang. Anung oras na 8PM. Niiice.Naipasa ko na yung initial interview, naipasa ko na yung written exam, final interview na lang, 4PM na nito. Kailangan daw sa final interview ng nakamake-up, okay edi magmake-up. Hala, nakamake-up na't lahat wala pa yun magiinterview. Umalis pala. What the?! I was like -- :| *ano?! gaguhan to?!
So okay, reschedule na lang daw yung para sa final interview. *Sana sinabi agad diba.
So fine, malakas na yung kapit ko. Pero tinatamad na akong ituloy yon. Di ko naman kasi kailangang kailangan. Gusto ko lang.
Iniisip ko lang kanina, habang naghihintay ako. Grabe ang unemployment dito sa Pilipinas, tas walang maayos na sistema para sa mga gustong magkatrabaho. Kaya ba nauubos na ang mga pro dito?
Minsan parang kahit anong pagiging makabayan mo, kapag ganito ng ganito baka maubos tayo. Maubos ang Pilipino sa Pilipinas. Hindi malayo, kung hindi naman nga aasenso e. Pero pwede pa namang baguhin to. Kulang lang sa kusa at disiplina ang mga tao.
Sa liit ground sa may entrance sa Walter Dasma., akalain mong umabot ng mahigit isang libong aplikante ang dumagsa don? na kung tutuusin, at susumahin ang kakasya lang don parang nasa mga 200 na tao lang. Grabe. Grabe yung pagod na inabot ko. Hindi ako makauwi uwi gawa ng sa mga kasama ko, hindi ko lang sila maiwan kaya ayun nagtyaga na din akong pumila at magapply. Pero sa totoo lang, AYOKO NA. Hahahahaha! Asar!
Grabe, pero sa ngayon, natatawa na lang ako paginiisip ko yung pinagdaanan kong inip at hirap sa pila kanina. Di ko akalaing tumagal ako. Praise God. Hahaha! 'Tong pagkabugnutin kong to tumagal at nagtiis sa gitna ng sikip at init kanina. Iboblowout ko nga sarili ko e. Hahahaha!
Ayun, wala na kong masabe, kailangan ko lang mailabas tong inis ko. Hahaha! Sumakit ba man ulo ko. Aynako. Keri na nga. Ciao!
0 comments:
Post a Comment