0 com

Si Doraemon.

Si Doraemon at hindi si Spongebob o Patrick ang pangarap kong kaibigan.
Mabait silang tatlo, kyut at masayahin. Mga loyal na kaibigan. Pero at napakalaking PERO, boplaks si Patrick at Spongebob. Aminin mo, totoo.


Si Doraemon maaasahan, may isip na nagiisip at bulsang unique.
Sinasaway niya si Nobita pagsobra na. Kinukunsinti kung pwede pa.


Gusto ko ng Doraemon na friend.
Magpapakabait ako. Mag-aaral akong mabuti. Magiging mabuting mamamayan ako. Lord penge ng Doraemon na friend ha. Thank you! :)

Excess: Ang entry na ito ay hindi talaga tungkol sa prends. Ipagmamayabang ko lang ang grades ko sa Prelims. MATATAAS! Whahahahaha. Bow. Bawal ang epal. Thank you.
Midterms weyt por me :DD



0 com

Habang nagkakape :)

Habang nagkakape ako ngayong maulan na araw, namiss ko ang aking sikretong taguan kong maituturing. Sikreto pa din to basta di mababasa ng pamilya ko :))

Wala nga lang akong maisulat.
Magrereminisce na naman ako? :))

Birthday ko nung July 20, Happy Birthday saken! Hahaha, pero July 18 ako nagcelebrate.
Okay, sabi ng tito ko para daw akong si PGMA, kasi hilig daw ni PGMA na magadjust ng mga dates. Okay, a week before ang birthday ko, super maingat ako. Kung pwedeng di ako magpagabi di talaga, umuuwi ako ng maaga. Saka a week after ng birthday ko super napakamaingat ko din. Lapitin daw kasi ng disgrasya ang magbibirthday at ang mga araw ng nagbirthday. Ayoko pa madeads noh, ngayon pa!? Certified na di nako minor :)) Mag-aasawa pa ko HAHAHAHAHA!

Okay, ang sabi ko walang bonggang handaan ang mangyayari sa aking debut.
Hindi naman bongga ang nangyari, mejo lang. Di ko akalaing ganun kadami yung handa. >.<
Pero okay, so far, sa lahat naman ng inimbitahan ko siguro mga lima lang yung hindi nakadating.
Ayoko ng tanungin kung bat di sila nakadating basta okay lang. Masaya ko. Period.

July 18, maganda ang panahon ng umaga, tirik na tirik ang araw. Maganda lahat ng ngiti ng gumising ako. Kinantahan agad ako ng tatay ko. Sabi ko di ko pa naman birthday e. :D tuloy tuloy pa din sha. Okay. Trip ni tatay lakas. :))

Around 2pm. Biglang nagdilim. As in bigla. Alam mo yung ang ganda ganda ng panahon biglang dumilim, sinabayan na ng kulog at kidlat maya maya bumuhos na ang ulan. Hindi ambon. Hindi ulambon. Ulan.
Okay lang, masaya pa din ako. Nakangiti pa den, pero kinakabahan nako. Hindi ko alam kung may dadating. Mga 3pm, wala pa ding bisita. Puro kamag-anak ko lang. Parang gusto ko ng magkulong sa kwarto at umiyak. Hahahaha. Hanggang sa mag po-4pm na, unti unti ng dumating ang mga bisita ko. Unang dumating yung ibang classmates ko ng elem. Ansaya. Namiss ko sila. :)

Nagsunod-sunod ang dating ng bisita. Sumunod na dumating yung mga recent friends and classmates ko, tas yung unang university na pinasukan ko. Ansaya. Dumating din yung isa kong friend na nakilala ko sa forum. Nakakatuwa. Nakakatouch. Nakakaiyak. Nakakaoverwhelmed. Kasi akala ko talaga wala ng dadating. Hindi ko lang masabi sa nanay ko na wag na ituloy iluto yung ibang handa. Kasi baka walang pumunta. Hanggang sa naguwian na yung iba kong bisita. Huling dumating yung mga friends ko nung highschool, nakakatuwa. Kahit late na, kahit galing pa silang malayo, kahit umuulan. Pumunta sila. Masaya ko. Sobra.

Yung mga nagpunta nung 18, sobrang salamat. Di man nila mabasa to, atleast mababasa ko pagtanda ko. :)) Salamat sa effort, kahit umuulan, kahit hindi ko sila mashadong naentertain gawa ng nagsabay sabay ang dating sobrang nagpapasalamat ako. Sabi nga ng nanay ko sinubukan lang daw ang friendship namin, kaya nagbigay ng ulan. Blessing daw yon sabi ng iba. Wala nakong pakialam, subok na subok ang friendship, ulanin o hindi nagpunta sila. :) Sa mismong araw ng birthday ko di ko na inasahan na mag babati pa sakin. Pero hindi, bumaha ang greetings. Umagang umaga pinaiyak ako ni kuya, nagtext lang sha Happy birthday, love you :) Grabe iniyak ko. tas ginatungan pa ng tatay ko. Ayun kanda iyak ako. Alam ko naiiyak na din si nanay, pinipigil niya lang. Masaya ko dahil sila ang pamilya ko. Dahil sila ang mga friends ko. Ang swerte ko. Alam ko :)


Madami pang nangyari, pagkatapos ng birthday ko Prelims week namin. Masaya ko the whole week, kahit hell week yon. Nag-aral ako sa iba, nagopya ko sa iba pero masaya pa din ako. Salamat talaga.
Ngayon nakaraos ng Prelims, birthday naman ng nagiisa kong pamangkin. Ngayon ako nalulungkot, pero sabi nga nila wala naman daw term na 'malungkot' baka lang daw mas masaya ako kahapon kesa ngayon. Hmm. May point. Okay, birthday ng nagiisa kong pamangkin, wala ako sa tabi niya, ni hindi ko sha mahalikan at mayakap. Mababaw lang kaligayahan ko, pero ganyan wala sila dito ng ate ko e wala na kong magagawa. Malayo sila samen. Pero dahil sa nakikita ko na andun ang magandang opportunity para sa kanila, nakikita kong masaya ang pamangkin ko, okay nako. Masaya nako.

Nigam just turned 3 today. :)
Happy birthday young man! Tita misses you a whole lot, I love you so. :*
Take good care always. We'll see ech other soon. :) >:D<

Thanks bro! for everything. :) For giving me such caring and loving family, kind and true friends. Kitams! Isa na lang kulang bro! Whahahaha. Isa na lang. :) <3 <3 <3
1 com

Kaba. Saya. Sabik. Weirdo.

Hindi ko alam san ako mag-uumpisa. Ansakit ng ulo. :& :/
Pero andaming natakbo sa utak ko. Naiipon ang mga plano ko. Ambilis ng araw. Nauubos naman ang pera ko. Andami kong gastos. Andami kong lakad. Wala nakong pera-malapit na prelims-andaming inaayos para sa bday feeling. :/

Kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung papalpak mga plano ko. Optimistic naman ako kaso pag ganitong nagsasabaysabay di ko alam iisipin ko. Kinakabahan tuloy ako.
Ansaya ko kasi makikita ko na uli yung mga friends ko nung elem. As in tagal ko na silang di nakikita, kaya pandagdag pa sa kaba yon. Pano kung di pala sila makakadating? :/
Sabik? lol sa term. Excited kasi ako na frustrated? Ewan. Di ko na alam mararamdaman at iisipin ko. >.<

Worried din ako. Sa isang close friend. Depression kills. E yun sha ngayon, gusto ko shang tulungan. Di ko alam kung pano. So date kami, sa monday. Sana maging okay lahat, sana makatulong ako. :3 Lord, give her peace of mind. Kahit yun lang para marelax sha. Though pagod ang katawan niya hindi po sana ganun ang isip niya. Peace of mind lang. Tingin ko talaga yun ang kailangan nya, marerelax na sha after that. Fighter yun kahit patpatin. I know so. :)

Namimiss ko na pamangkin ko. Sagad hanggang lungs. Minsan naiiyak ako. Babaliw na ata ko. :)) Ganitong mga panahon yon, nung pinakanagbonding kami. July. Tas umalis sila ng July 19, kinabukasan bday ko. Walang rason para magcelebrate. :)) Ngayon, magsecelebrate ako kahit papano. Madami dami din akong inimbita. Hindi naman bongga pero gusto ko magsaya. :) Magbibirthday na din si Nigamm ang pamangkin ko this 25. Wala ako sa tabi niya, ni hindi ko sha mayayakap. Nalulungkot ako.Pero go pa din. :))

Nakooo. Wala lang akong magawa e. Dami kong sentiments sa katawan. Kailangan maglabas. Napakagulo ng walang kwentang enrty na to.

Anyway, let's go! FIGHTING! Hahahaha! :))
Go! Fight! Win! lol. KC peram ng line. >:)
1 com

Boyfriend Requirement List :))

Sabi nila first love never dies. Ang first love ko namatay na. Kamamatay lang. :))
Akala ko di ko makakalimutan yon, hindi nga. Hindi pansamantala. Antagal kong dinaga, madinig ko lang pangalan nya. Ugh na. Hahahaha. Bummer.

He's a flirt and I sucked. lol. :3 I was livid, everyday nadadagdagan ang inis ko. Inis ko sa sarili ko kasi ang tagal kong magmove-on. Nageexpect kasi ako. Pfft. Akala ko maaabot ng technology ang telepathy, kaso hindi. Then one day, nakipagdate ako with a lady friend, sa meeting place namin, I saw her right away, she was glowing and I missed glowing like that. Parang nabagok ako, nagkaamnesia then suddenly nabagok uli bumalik lahat sa akin. Nagising ako sa katotohanan, ang tanga ko. Hahahaha. Nakakatawa, kasi parang naghanap lang ako ng batong ipupukpok ko sa ulo ko. Araw araw nagiisip sa wala. Gaga. :))

I had been enlightened. Narealize kong mashado kong binibigyang pansin yung mga wala na. Lagi ko pang tinitignan kung ano yung tingin ng iba sakin, kung anong nararamdaman nila, nakakalimutan ko na sarili ko. Siguro dahil lumaki ako sa pamilyang sensitibo sa iba. Parati kong hinuhuli sa listahan ang sarili ko, minsan pala dapat maging selfish din, dang dami kasing abusado. :/

Pero kalakaran daw yon ng buhay. Minsan gusto ko na talagang maniwala na mabait ako, hahahaha! Kakabit daw kasi ng mabait ang tanga. E katanga ko. Bait ko siguro? :))))))

Ang simple simple, it took one flirt jerk who wanted something for me to make me realize what I had been doing wrong. I realized what I missed in is what my Nanay said, 'dapat masaya ka hindi yung napipilitan ka lang maging masaya'.

Ayoko na ng ako ng ako na lang ang magbibigay, ako na lang parati yung bibigyan ng excuse, ako na lang magaadjust parati sa friends o sa boyfriend man. I knew in time, someone would come along. In the right time. But for now, I would never fall in love, get attached, have a crush on someone who would hurt me, make me feel bad or make me doubt myself. Dahil alam ko na kung anong gusto ko.

I, Em, 18 this coming July 20 and going to be a successful businesswoman in the future, deserves a good man, that's why I would never ever take crap from any one ever again no matter how lonely I get.

My Next Boyfriend Requirement Updated List
(Non-Negotiable)

1. He must be crazy about me.
2. He must have an ambition (and doing something to get it).
3. He must never too busy to send me a simple text message.
4. He should never be the oh-iloveyou-iloveyou-ilove
you type of a guy in the hell world (i mean, i don't need too much words okay?)
5. He must love me (of course!)
6. He must be faithful (or at least, not have a history of fooling around)
7. He must be caring and understanding. :)
8. He must be nice to my friends.
9. He must respect me, my friends and my family.
10. He must take me seriously.
11. He must accept me for everything I am.
12. He must love Firehouse and WWE (or atleast, not find it boring).
13. He must be cute.
14: Show some effort. Effort that you care, stuffs like that. ;)

Signed,
Em. HAHAHAHAHAHA
!