Kaba. Saya. Sabik. Weirdo.
Hindi ko alam san ako mag-uumpisa. Ansakit ng ulo. :& :/Pero andaming natakbo sa utak ko. Naiipon ang mga plano ko. Ambilis ng araw. Nauubos naman ang pera ko. Andami kong gastos. Andami kong lakad. Wala nakong pera-malapit na prelims-andaming inaayos para sa bday feeling. :/
Kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung papalpak mga plano ko. Optimistic naman ako kaso pag ganitong nagsasabaysabay di ko alam iisipin ko. Kinakabahan tuloy ako.
Ansaya ko kasi makikita ko na uli yung mga friends ko nung elem. As in tagal ko na silang di nakikita, kaya pandagdag pa sa kaba yon. Pano kung di pala sila makakadating? :/
Sabik? lol sa term. Excited kasi ako na frustrated? Ewan. Di ko na alam mararamdaman at iisipin ko. >.<
Worried din ako. Sa isang close friend. Depression kills. E yun sha ngayon, gusto ko shang tulungan. Di ko alam kung pano. So date kami, sa monday. Sana maging okay lahat, sana makatulong ako. :3 Lord, give her peace of mind. Kahit yun lang para marelax sha. Though pagod ang katawan niya hindi po sana ganun ang isip niya. Peace of mind lang. Tingin ko talaga yun ang kailangan nya, marerelax na sha after that. Fighter yun kahit patpatin. I know so. :)
Namimiss ko na pamangkin ko. Sagad hanggang lungs. Minsan naiiyak ako. Babaliw na ata ko. :)) Ganitong mga panahon yon, nung pinakanagbonding kami. July. Tas umalis sila ng July 19, kinabukasan bday ko. Walang rason para magcelebrate. :)) Ngayon, magsecelebrate ako kahit papano. Madami dami din akong inimbita. Hindi naman bongga pero gusto ko magsaya. :) Magbibirthday na din si Nigamm ang pamangkin ko this 25. Wala ako sa tabi niya, ni hindi ko sha mayayakap. Nalulungkot ako.Pero go pa din. :))
Nakooo. Wala lang akong magawa e. Dami kong sentiments sa katawan. Kailangan maglabas. Napakagulo ng walang kwentang enrty na to.
Anyway, let's go! FIGHTING! Hahahaha! :))
Go! Fight! Win! lol. KC peram ng line. >:)
1 comments:
fighter khit patpatin! hahahah, natawa ako bigla. haha!
Post a Comment