Habang nagkakape :)

Habang nagkakape ako ngayong maulan na araw, namiss ko ang aking sikretong taguan kong maituturing. Sikreto pa din to basta di mababasa ng pamilya ko :))

Wala nga lang akong maisulat.
Magrereminisce na naman ako? :))

Birthday ko nung July 20, Happy Birthday saken! Hahaha, pero July 18 ako nagcelebrate.
Okay, sabi ng tito ko para daw akong si PGMA, kasi hilig daw ni PGMA na magadjust ng mga dates. Okay, a week before ang birthday ko, super maingat ako. Kung pwedeng di ako magpagabi di talaga, umuuwi ako ng maaga. Saka a week after ng birthday ko super napakamaingat ko din. Lapitin daw kasi ng disgrasya ang magbibirthday at ang mga araw ng nagbirthday. Ayoko pa madeads noh, ngayon pa!? Certified na di nako minor :)) Mag-aasawa pa ko HAHAHAHAHA!

Okay, ang sabi ko walang bonggang handaan ang mangyayari sa aking debut.
Hindi naman bongga ang nangyari, mejo lang. Di ko akalaing ganun kadami yung handa. >.<
Pero okay, so far, sa lahat naman ng inimbitahan ko siguro mga lima lang yung hindi nakadating.
Ayoko ng tanungin kung bat di sila nakadating basta okay lang. Masaya ko. Period.

July 18, maganda ang panahon ng umaga, tirik na tirik ang araw. Maganda lahat ng ngiti ng gumising ako. Kinantahan agad ako ng tatay ko. Sabi ko di ko pa naman birthday e. :D tuloy tuloy pa din sha. Okay. Trip ni tatay lakas. :))

Around 2pm. Biglang nagdilim. As in bigla. Alam mo yung ang ganda ganda ng panahon biglang dumilim, sinabayan na ng kulog at kidlat maya maya bumuhos na ang ulan. Hindi ambon. Hindi ulambon. Ulan.
Okay lang, masaya pa din ako. Nakangiti pa den, pero kinakabahan nako. Hindi ko alam kung may dadating. Mga 3pm, wala pa ding bisita. Puro kamag-anak ko lang. Parang gusto ko ng magkulong sa kwarto at umiyak. Hahahaha. Hanggang sa mag po-4pm na, unti unti ng dumating ang mga bisita ko. Unang dumating yung ibang classmates ko ng elem. Ansaya. Namiss ko sila. :)

Nagsunod-sunod ang dating ng bisita. Sumunod na dumating yung mga recent friends and classmates ko, tas yung unang university na pinasukan ko. Ansaya. Dumating din yung isa kong friend na nakilala ko sa forum. Nakakatuwa. Nakakatouch. Nakakaiyak. Nakakaoverwhelmed. Kasi akala ko talaga wala ng dadating. Hindi ko lang masabi sa nanay ko na wag na ituloy iluto yung ibang handa. Kasi baka walang pumunta. Hanggang sa naguwian na yung iba kong bisita. Huling dumating yung mga friends ko nung highschool, nakakatuwa. Kahit late na, kahit galing pa silang malayo, kahit umuulan. Pumunta sila. Masaya ko. Sobra.

Yung mga nagpunta nung 18, sobrang salamat. Di man nila mabasa to, atleast mababasa ko pagtanda ko. :)) Salamat sa effort, kahit umuulan, kahit hindi ko sila mashadong naentertain gawa ng nagsabay sabay ang dating sobrang nagpapasalamat ako. Sabi nga ng nanay ko sinubukan lang daw ang friendship namin, kaya nagbigay ng ulan. Blessing daw yon sabi ng iba. Wala nakong pakialam, subok na subok ang friendship, ulanin o hindi nagpunta sila. :) Sa mismong araw ng birthday ko di ko na inasahan na mag babati pa sakin. Pero hindi, bumaha ang greetings. Umagang umaga pinaiyak ako ni kuya, nagtext lang sha Happy birthday, love you :) Grabe iniyak ko. tas ginatungan pa ng tatay ko. Ayun kanda iyak ako. Alam ko naiiyak na din si nanay, pinipigil niya lang. Masaya ko dahil sila ang pamilya ko. Dahil sila ang mga friends ko. Ang swerte ko. Alam ko :)


Madami pang nangyari, pagkatapos ng birthday ko Prelims week namin. Masaya ko the whole week, kahit hell week yon. Nag-aral ako sa iba, nagopya ko sa iba pero masaya pa din ako. Salamat talaga.
Ngayon nakaraos ng Prelims, birthday naman ng nagiisa kong pamangkin. Ngayon ako nalulungkot, pero sabi nga nila wala naman daw term na 'malungkot' baka lang daw mas masaya ako kahapon kesa ngayon. Hmm. May point. Okay, birthday ng nagiisa kong pamangkin, wala ako sa tabi niya, ni hindi ko sha mahalikan at mayakap. Mababaw lang kaligayahan ko, pero ganyan wala sila dito ng ate ko e wala na kong magagawa. Malayo sila samen. Pero dahil sa nakikita ko na andun ang magandang opportunity para sa kanila, nakikita kong masaya ang pamangkin ko, okay nako. Masaya nako.

Nigam just turned 3 today. :)
Happy birthday young man! Tita misses you a whole lot, I love you so. :*
Take good care always. We'll see ech other soon. :) >:D<

Thanks bro! for everything. :) For giving me such caring and loving family, kind and true friends. Kitams! Isa na lang kulang bro! Whahahaha. Isa na lang. :) <3 <3 <3

0 comments: