No questions asked: Small world

June. Matatapos na ang summer, matatapos ng bakasyon. Magpapasukan na ulit.
Magiging third year na ko, hayy. Di ko alam kung matutuwa ako, wala naman kasi akong accomplishment for the last 2yrs ko sa college, tapos ngayon eto na naman ang bagong school year. Lame.




Ako pala si Junna Ray, pero Joey na lang, nickname ko. Ambaho ng pangalan ko noh? Ang hirap pang isulat pagcursive, tsk. Kaya lagi akong limbag magsulat. Incoming third year nako sa di mashadong prestihiyosong eskwelahan. Hindi naman ako matalino, pero di rin naman ako bobey, sakto lang. Yung tama lang. Tipikal na estudyante lang ako, minsan nag-aaral, minsan hindi, minsan masipag, minsan hindi, tipikal. Ganun ata pag tipikal? Hindi ko alam. Nako. Masaya naman ako. Walang mashadong problema, kahit walang boylet. Isa lang naman ang himutok ko sa mundo.Wala akong talent, ewan ko ba. Nung nagsabog ata ang diyos ng talent sa mundo tulog na tulog pako. Antukin din kasi ako. Maka'masa'-- Masandal, tulog. At lalong hindi ako maganda. Sabi nila pangit ako, though di ganung kaderecho, pero di nila ko sinasabihang maganda. E anong magagawa ko? Eto ko e.




Hindi ko alam bat sinasabi ko to, siguro kasi malungkot yung buhay ko pag tiningnan nila, kaya inexplain ko. Pero hindi naman e, masaya kami sa bahay. Close ako sa parents ko saka sa mga kapatid ko. Supportive sila, wala lang talaga akong talent na masusuportahan nila. Tsk.




Madalas nagdedaydream lang ako, kahit sa labas ng bahay minsan nagdedaydream ako, wala lang naman, may oras lang talaga na tinutubuan ng pakpak yung isip ko, ayun, lumilipad sha. Minsang nagdeday dream ako sa isang mall kasi bumili ako ng fave. kong shake, may nasagi ako. Yung mundo ko. :)


'Ay, sorry po'


'Okay lang, ingat lang, sige.'


'Sorry uli, sige'


Hmm. Ayun, nilagpasan ko na. Di ko mashadong natignan yung mukha niya, pero alam ko makinis yung mukha niya. Anyways, uuwi na ako. Magsusulit ako ng huling linggo ng bakasyon e.


Sa bahay wala naman akong masyadong ginagawa. Tamad din kasi talaga ako.
Natutulog lang ako madalas, pagkagising kakain, maliligo, manonood ng TV or DVD or net. Usually animes lang naman yung pinapanood ko. Oo, mahilig ako sa anime. Naimpluwenshahan ako nung kuya ko, ngayon mas adik na ako. Lumilipas ang oras ko sa bahay ng ganun lang, di ako pala-labas ng bahay. Sanctuary ko na ang bahay namin. 


Hmm. Pasukan na bukas. Natatamad ako, pero namimiss ko yung lima't kalahating mga kaibigan ko.
Bully daw ako, pero sa kanila lang naman. Di ko naman kasi mashadong kinikibo yung ibang classmates namin, kilala ko lang sila, pero di ko sila kaibigan. Nako, makatulog na nga.




'JOOOOOOOOO! gising na, tatanghaliin ka pag di ka pa bumangon, unang araw na unang araw e late ka' sabi ng nanay ko kinabukasan. 


Pasukan na pala. Tinatamad akong bumangon pero bumangon na rin ako, tinatamad ako kasi alam ko naman na wala akong makikitang bago sa school. Pag enrollment kasi nakikita ko yung mga classmate ko, at base sa mga nadidinig ko magkakasection lang naman kami uli. Sus. Pero dahil nakakamiss din naman yung lima't kalahati kong kaibigan e kumilos na din ako.
Pagkatapos kong kumain e naligo na ako, at nagready na para pumasok. 


'Ma! Alis na po ako!' sigaw ko kay Mama na nagdidilig sa garden. Di niya ata ko nadinig, kumuha na ko ng isang milkybar eclair sa ref. fave. ko yon, lagi akong nagdadala sa bulsa ko kahit san ako pumunta. Lumapit ako kay Mama.


'Alis na po ako' tapos nagkiss ako sa kanya.


Sa school. Sakto lang yung dating ko. Di sobrang maaga, di din late. Nakita agad ako ni Zaila, si taba. Chubby lang sha pero nakatuwaan ko na shang tawaging ganun, di naman sha nagagalit.


'Jooooo! Huuuy! Namiss kita! Kumusta ka?' 


'Okay lang, namiss din kita, mukang hiyang na hiyang ka sa bakashon ah, lalo kang--'


'Oo na alam ko na, wag mo ng ituloy' putol nya sa sinasabi ko pero nakangiti. Natawa na lang ako.


'Tara na sa room, andun na sila, wala daw flag ceremony ngayon kahit pers day, makulimlim kasi, umambon na kanina'


'Ahh' nasabi ko na lang at umakyat na kami.


'Uyy Jo! Akala namin malelate ka e first day!' bungad sakin ni Jhe, ang babaeng giraffe sa tangkad. Kasing haba ata ng San Juanico bridge yung legs ng babaeng to.


'Haha! Di ahh, naaatat nga akong pumasok, miss ko na kasi kayo'


'WEEEEHHHHHHHHHHHH?!!!!!!!!!!!' Sagot ni Zai at Jhe. Sabay pa. Mga ungas talaga, ayaw maniwala. 


'Mga sira, haha! teka, asan pala yung dalawa at kalahati?' 


'NagCR lang'


'E san tayo uupo?' tanong ko kasi andun na din yung iba naming classmates, grupo grupo din as usual.


'Sa likod tayo para maiba naman, lagi tayo sa harap e, tutal pagnagalphabetical sigurado harap din bagsak natin'


'Sige' sabi ko na lang.


Naupo kami dun sa likod, sa last row ika nga, dun ako sa pangalawa sa pinakasulok. Nagiwan ako ng bakanteng silya. Dumating na yung tatlo ko pang kaibigan, si Fritz, ang babaeng mahilig sa Manga, si Arna ang luka lukang sobrang reigious at si ilet, yung kalahati. Maliit kasi sha, 4'9 lang ata. Ay basta bubwit.
Nagkamustahan kami ng biglang magbell, time na, first subject-- SpeechLab.
Walang naupo dun sa isang tabi ko, so bakante yung dulo. Fine.


Dumating na si Ma'am Haidz, ang prof. namin sa lahat ata ng English subjects namin. Parang walang ibang nag-aapplu na prof. sa university na to. Sha at sha pa din. Tipikal na first day, introduction. Lagi naman e, kahit kilala na namin lahat. Hanggang sa bumukas yung pinto..


'Goodmorning, I'm sorry, I'm late' sabi ng bagong dating. Ganda ng accent. Di sadya, di aral, pero maganda.


'It's okay, why are you late anyway? Can I have your enrollment form to check if you belong to this class?' sabi ni Mam Haidz. Tahimik ang lahat. Kase ang lahat-- curious.


'I overslept' simpleng sagot niya. Damn honest.


Natawa si Mam, masayahin talaga tong si Mam. Nako. 


'Okay Mr. Miranda, here's your E form and you may seat wherever you like'


Luminga sha, napatingin ako sa kanya. Ewan ko pero parang ngumiti sha sakin, o imagination ko lang? hanggang sa lumapit sha--


'Miss, is this seat taken?'


'Uhh e' umiling lang ako. Naupo na sha.Sa tabi ko.


Speechless ako kase, 




Sha yung nabunggo ko sa mall. Small world.


To be cont..

0 comments: