No questions asked: His place
SMALL WORLD. Small world talaga, though parang di naman niya ako natatandaan. Well, sino nga ba naman ako? Natapos yung period na yon, he's Red. Not literally color red. Red's his name. Red Miranda.Vacant period ang kasunod na one and a half hour, so ayun, tambay sa canteen. Manginginain. Excited pa sa kwentuhan, excited sa makikitang bago at madami pang budget, first day ba man. Pero ako eto, nagkapakpak na naman ang isip ko. May gusto kasi akong gawin, matulog. Suddenly, tinatamad nako. Yung feeling na pagbakasyon gusto mo ng pumasok, pag may pasok gusto mo ng magbakasyon? Tsk.
Nawala lang ako sa pagdedydream ko ng madinig ko silang nagtawanan (sila Taba), shempre nagtanong ako kung anong pinatatawanan nila at bongga, kinorek ako.
'Di kami nagtatawanan, kinikilig'
'Kanino?' shempre curious ako.
'Dun kay Red. Cute sha noh?'
'Ahh, ngayon ko lang nakita yon e. Kilala niyo agad?'
'Tange, shempre hindi den, nakilala lang kanina, transferee yun sigurado.'
'Siguro' nasabi ko na lang.'
Hanggang sa natapos ang vacant period, ayun hanggang sa natapos ang scheduled classes namin that day hindi ko na nakita ang anino niya.
Kinabukasan nakita ko sha sa may entrance gate, si Red. Mag-isa, pero agaw pansin. May katangkaran kasi sha, although simple lang naman yung suot niya nagmumuka shang bongga. Binilisan ko na lang yung lakad ko. Iba kasi yung subjects namin ngayong araw, madaming major subjects. Hayy. Regular classes na, nasa classroom na ako, andun na din ang dakilang barkada. Sa likod pa din kami nakapwesto. Pero wala ng bakante this time. Nagulat pa ko, after ng bell, pumasok si Red. Aba at classmate ko sha sa ibang major subjects?
'Sabi sayo e, transferee yan. Tignan mo irreg.' Sabi ni Taba.
'O e, ano naman? Tinatanong?' Nakangiti ako pero masungit. Ay ewan.
Hanggang sa natapos ang klase, all in all, classmate ko sha sa tatlong subjects.
Dumating ang prelims, petiks, feeling ko kapapasok ko pa lang. Eto at puro pang midterm exams na ang nadidinig ko, at ang dakilang mga professors nagpapaulan na ng projects.
English: Sppech Comm.
Mukang magpapaulan din ng project si Ma'am Haidz. Di ko mashadong iniintindi.
'Okay class, this is going to be a pair work, your seatmate is your partner. You have to make an interview to these people..' sabay turo nung mga nakasulat sa board. Nagexplain pa sha ng mga dapat gawin. Ako nagiisip na, pairwork? seatmate? Parang di ko maintindihan yung term. Napatingin lang ako dun sa seatmate ko. Hayy.
'Kelan mo gustong mainterview?' biglang tanong niya sakin.
'Huh? E kahit kelan, okay lang naman, wag lang siguro pala pag weekend' sagot ko. Sounds normal.
'Okay, so is it okay if we'll do this tomorrow?'
'E agad? Si..sige'
'Kayy, I'll see you then' ngumiti pa sha. at ayun umalis na.
Umuwi na din kami, at ako. TULALA! Hahaha!
Hanggang sa bahay tulala ako, hanggang sa may biglang pumasok sa isip ko.
Magkikita kami?! Bukas?! Pano?! Saan?! Oras?! Wala akong contact sa kanya!! Tsk. Anung gagawin ko.
Kinuha ko si laptop at nag-online ako. Yun ang naisip kong paraan, Facebook.
Hinanap kong pangalan niya, pero sa kasamaang palad-- wala. Hayy.
Nagcheck ako kung sinong online, online si Taba.
Junna08: Buzz!
princesszaii: yo!
Junna08: Uhh, ano, kumain kana?
princesszaii: hahahaha! ano yan?
Junna08: Tsk! Merry xmas tabs! :D
princesszaii: sinusumpong ka na naman! anyare?
Junna08: Problemado ako :(
Junna08: Help. Huhu!
princesszaii: anu yun?
Junna08: Yung sa speech, yung partner ko. :D
princesszaii: yieee si red my labs?:">
Junna08: Oo, si red your labs.
princesszaii: O anung problema?
Junna08: Magkikita daw kami bukas, sabi nya kanina, tas biglang umalis, wala akong number niya, di ko naman mahanap sa fb. Gagawin ko?
princesszaii: edi wala na! nahanap mo na e, tas wala, baka iba gamit na pangalan.
Junna08: Muka nga.. naku! wait! may natawag!
nagriring yung phone ko.. uhh. asan nga ba yon?
tingin sa bag. jackpot!
09271234567 calling...
sino to? sa isip isip ko. then sinagot ko na.
'Hello?' sabi ko.
'Hello Junn! Pasave ng new number ko, Jhe to.' sabi sa kabilang line. Si Jhe pala.
'ahh, hanep, tawag! akala ko kung sino. sige sige save ko'
'Hahaha! Unli e, sige save mo na lang ha, magtatawag muna ko. Babay!'
'Haha o sige, bye!' Si Jhe pala.
Balik sa laptop.
Junna08: Si Jhe man.
Junna08: Buzz!
princesszaii: w8! oo nga, tumawag din sakin hahaha!
Junna08: Sige na, matutulog muna ko.
princesszaii: sige balitaan moko tungkol kay papa red ha.
Junna08: Baliw!
princesszaii: hahaha!
Junna08: Sige sige, update na lang kita. :*
princesszaii: :* >:D<
Hayy.. Makatulog na lang muna nga, bahala na lang.
Kaso 30mins na ata akong nakahiga di pa din ako makatulog, tsk.
Pupunta sana ako ng kusina para kumuha ng snacks ng magring na naman ang phone ko.
09167654321 calling...
'sino na naman to?'
'Hello?' pagsagot ko.
'Hey.. Junna?' sabi sa kabilang line. Lalake.
'Speaking, who's this?'
'Red'
'Uyy, ikaw pala.' at wala na akong nasabe. Kahit pagtatanong kung pano niyang nalaman ang number ko hindi ko nasabe?
'Yes, I just wanna remind you about tomorrow, 9AM, 7/11 near school?'
'Uhh, okay.'
'Kayy, I'll see you tmr. then. Bye!'
'Uhh yeah, bye!'
Uhh? Ako ba yon? Pagkababa ko ng phone? Wala man lang akong matinong nasabe?
Ni hindi ako humindi? Oo lahat?! Anung nangyayare? O.O
Tuluyan na akong di nakatulog, so I texted my beloved tabs, si Zaila.
'Tabs my labs! Tinawagan ako ni Red'
'Waaaah! Anung sbe?'
'Ayun, kitakits daw tmr. I wonder thou kung san niya kinuhang number ko?'
'Baka type ka! Umeffort! hahahaha!'
'Baliw!'
'O san daw kayo magkikita?'
Di nako nagreply. Nakatulog na ako e. :D
Paggising ko, 8AM na! Sh*t. Malelate ako!
So ayun, balikwas, ligo, bihis, alis.
Around 9:15AM, dumating ako. Andun na sha. *Dugdug* Tsk bat kinakabahan ako.
'Hey you're late.' Bungad niya sakin.
'Sorry, I overslept' nakayuko, nahihiya din kasi ako, nang may naalala ako sa sinabi ko. Parang sinabi niya na din yon? Uhh?
'Okay lang' sabi niya, tas pagtingin ko sa kanya nakangiti na sha.
'E sorry talaga ha? San pala tayo pupunta? Sinong iinterviewhin?' sabi ko na lang. Wala talaga akong idea.
'My place, yung iinterviewhin? Basta' nakangiting sabi niya.
Wala akong nasagot. Sabi na lang niya 'Let's go!'
Huh?! His place?! Iinterviewhin-- Basta? Anu yon?!
'Hey Junna, I said let's go. Tulog ka pa ba?' Natatawang sabi niya, bago niya kinuha yung kamay ko sabay hila.
'Let's go..'
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Excess: Dahil birthday mo Zaii tabs my labs, eto ng chap. 2, Hahahaha! Dedicated to you. HAPPY BIRTHDAY FRIEND! LOVE YOU! :)
0 comments:
Post a Comment