Mahirap magtago sa isang maskara, lalo na kung yung maskarang ginagamit mo e iisa.
Isa lang tas lagi pang nakatawa. Nakatawang personality, nakatawang pagkatao pero sa totoo lang di naman pala. Genyan ata ako, laging nakatawa, laging nagpapatawa. Minsan iniisip ko na nga kung masokista ata ko. Hahahaha. Dee joke lang. :))
Bakit? Bakit ko nasabing genyan ako?
Lagi akong nakatawa at nagpapatawa sa harap ng iba. Bakit? Kase yun yung the best na gawin.
Di ko naman feel maginarte sa harap nila. Kase problemado na sila, dadagdag pa ko. Ako ang clown, at ang make-up ang aking mask. Make-up na nakasmile, make-up ang aking maskara.
Sa likod ng maskara ko ay seryosong pagkatao na minsan lang lumabas. Iyaking babae sa loob ng kwarto pag punong puno na isip ko. Hindi ako naghahanap ng atenshon ng iba, minsan nga ayoko na ng atensyong binibigay nila, isang tao lang ang solve nako. Madalas nakikita ko yung taong yon sa parents ko, minsan sa piling mga kaibigan, minsan sa prof. :)) minsan kahit sa taong di ko kilala.
Minsan naisip ko na mas masarap pa magopen-up sa taong di mo kilala. Kase pwede kang magbago ng maskara, hindi ka nila kilala bilang si "palatawa" kase ang ipapakita mo pwedeng si "paiba-iba". Pag di mo kilala hindi ka obligadong pasayahin sila, walang problema, walang pagpapanggap na naganap.
Eto ko, ang seryosong pagkatao ko, lumabas ngayon dahil sa araw ko wala pang mashadong nangyaring positibo. Bihira kong tanggalin ang make-up/maskara ko, mahirap kasi magpakita ng biglaang pagbabago, tama na siguro yung gento. :)
Excess:
Anyway, wala namang mangyayari kung papakadown ako. Hahahaha. Naginarte lang. Woot July na bukas. :))
Congrats pala kay P-Noy at V-Nay. lol. :)) Cheers! God Bless the Philippines :)
Ambilis talaga mangyari ng mga bagay bagay. Kanina lang tawa ko ng tawa ngayon naman worried na worried nako. Sa loob lang ng halos 1minuto -- napaparanoid nako. Andaming sabay sabay na nagsasalimbayan sa utak ko.
Report sa Economics bukas, mga dapat iprepare sa July, namimiss na pamangkin, at nag-aalalang feeling. Ayoko ng ganitong feeling sa lahat. :S Yung kaba ko napupunta sa takot.
Si kuya kasi. Epal. :/
Umalis dinala yung baril e nakainom na. Caliber 45. Licensed naman kaso shempre nagaalala ko.
Sinabihan ko na sha "Kuya, gun ban pa din ngayon" ang sagot nya lang "tapos na" sabi ko, hindi pa, gawa ng hindi pa hanggang June 30 para sa panunumpa ni P-noy. "Hindee" at tawa lang ang sinagot nya sakin at alam ko, base dun sa kilos nya lasing na sha. :/
Lord, ingatan niyo po si kuya, at gabayan sa lahat ng gagawin nya, ngayon at kahit kailan. Amen.
Thanks Bro. :)
Hindi ako nagger sa kapatid ko. Pero maingay ako pagdating sa pagpapa-alala sa kanya na umuwi na lalo na pag late na. Close kami ni kuya. Proud ako sa kanya, pero sa ganitong pagkakataon naiinis ako. Natatakot kasi ako e. May phobia nako dahil sa aksidente nya last 2003. :(
Hindi ako nahihiyang sabihin ang I Love You Kuya sa harap nya, lagi kong sinasabing magiingat sha.
Hindi ako nahihiya kahit milya milya ang layo ng agawat namen. Oo, 13 yrs ang tanda nya sakin, pero never yung naging hassle para di kami maging close. Kahit sa parents ko, o kay lola, o sa kahit kanino, na sabihing mahal ko sila, lalo na sa kay tatay, nanay at lola.
Madami akong nakikilala at kilala na nahihiya silang i-voice out ang mga nanay nila, or mga tatay nila, or sabihin ng harapan sa mga parents nila or kapatid nila na mahal nila tong mga taong to.
Kasama ng pag-aalaga sa mga taong mahal ko, lagi kong sinasabi sa kanilang mahal ko sila, sabi nila words are not enough, yes, it's not enough, pero inaalagaan ko sila habang sinasabing mahal ko sila.
Ayokong mangyari sakin yung kapag wala na yung mga taong mahal ko at mga espesyal sakin saka ko lang sasabhin sa kanilang mahal ko sila. Saka ako magngangawa kapag ililibing na sila. Yes, hindi ako OA, nagsasabi langa ako ng totoo. Hindi din ako nagiging 'nega' sinasabi ko lang ang posibleng mangyari, o kahit di na sila ang mawala, kahit ako na lang, wala namang nakakapagsabi ng buhay, madaming nangyayari sa isang kisapmata lang. Alam ko, kung may mawawala saking mahal ko (thou wag naman sana), iiyak lang ako sa isang dahilan, mamimiss ko siya/sila. Pero wala akong pinagsisisihan, kase alam ko sa sarili ko habang buhay 'tong taong to pinakita at ipinadama ko sa kanya na mahal ko sha, importante sha sakin, espesyal sha sa buhay ko.
I'm still learning about life. Madaming dahilan para mabuhay.
Madaming dahilan para hindi mabugnot at mainip sa buhay. Appreciate life, appreciate people, appreciate even problems kase for me walan namang term na 'problem' pero merong 'concerns', problems are just crap concerns and this concerns will make you strong. Be part of this so called 'concerns' and you will know how to handle it and find answers to your so called 'problems'. :)
Madaming nangyayari sa isang kisapmata, tandaan mo lagi sana.
Labing dalawang araw ng mabilis na kalakaran ng buhay. Lalim pukanenang yan.
Napakaraming nangyari, kahit ako di ko mapaniwalaang nalagpasan ko lahat yon potpot.
June 9, kumusta nagbablog pako.
June 10, maghapon akong wala sa bahay.
June 11 (Fri) - around 5AM, nagring ang fone ni nanay. Tumawag pinsan ko si lola dadalin daw ng hospital!
Naligo nako, while nagbibihis sinabihan ako ni nanay "magdala ka na ng extrang damit, baka mapaconfine lola mo bantay ka muna ha". Walang pagdadalawang isip akong nagempake ng dadaling damit. First time ko kung sakali.
Same day, nandun na kami sa bahay ni lola -- nanghihina na sha. Tinanong kong mga pinsan ko kung anung nangyari at sinabi nila "Maghapon kahapon na wala sa mood si lola, naghiga lang maghapon, tas kagabi nilagnat sha, nagLBM tas nagsusuka pa" *worried.
Tumawag sila nanay ng ambulansha. After 1hr and 45mins wala pa din si ambulansha, naguumpisa ng uminit ang ulo ng nanay at mga tita ko. :| Nagpasya ng isakay na sa sasakyan ng isa kong pinsan si lola ng dumating ang ambulansha. Bullsh*t. Itinakbo sa ospital si lola at napaconfine nga sha. Okay bantay ako.
June 12 (Sat) - dumating ang halos buong pamilya para dalawin si lola, inakala kong makakauwi nako at papalitan na nila kami ng isang pinsan ko sa pagbabantay -- pero hindi. Nung hatinggabi nilagnat pang maigi si lola -- hindi man lang makaidlip si em kahit saglit :( pero okay lang.
June 13 (Sun) - 2nd official night sa ospital. Scheduled date na sasalinan ng dugo si lola -- around 8pm, nagpipilit si lolang tumayo at magbanyo. Sinabihan na namin sha na sa pampers na lang magwiwi at lilinisan na lang namin. Ayaw niya, nagpilit - kumuha ako ng wheelchair para hindi na sha maglakad at baka mahilo pa sha. Pagkaupo namin sa kanya sa wheelchair, habang inaayos ko yung dextrose nya bigla na lang shang nanigas, nanginig at tumirik ang mata nya pasandal sakin. Natakot ako. Pero mabilis naman ang responses ko "Cousin, tumawag ka ng nurse dali!" nasabi ko sa pinsan ko at mabilis naman shang tumawag. Split seconds lang halos -- bumagsak lalo ang hemoglobin ni lola kaya parang inatake sha. :/
Natatakot nako. Nangmahimasmasan sha, inihiga na namin sha uli sa kama. Nilalagnat na sha. Mataas. Inasikaso naman kami ng mga nurse at ng doctor. Nung nakita ko shang nakatulog na at bumaba ng konti ung lagnat nya, saka pa lang ako parang nakahinga.
Ganun pala yung feeling, yung feeling na sinasabi nilang tumigil sa pag-ikot nang mundo mo. Yung feeling na naunang pang hindi huminga yung puso mo. Mahirap. Nakakaiyak. Nung nakatitig ako kay lola habang tulog sha saka lumabas yung luha ko, grabe ata iniyak ko nung gabing yon.
Around 11PM, same day -- sinalinan na ng isang bag na dugo si lola, thanks lord hindi na sha nilagnat.
June 14 (Mon) - 3rd day namin sa ospital, 2days nakong walang tulog. Salamat. LolJk. Ayun, bathroom restricted si lola sabi ni doc. Dahil baka sha mahilo uli at magcollapse. Btw, Monday na, may pasok na kinabukasan - wala pa din akong tulog, wala pa din akong kapalit - yung isang pinsan ko napalitan na dahil anemic sha, kailangang kalingan nya na magpahinga, ako straight pa din.
Eto na, dumating ang nanay at tatay ko -- maayos na si lola, isang bag na dugo na lang isasalin sa kanya sa go signal ng doctor. Pagdating ng nanay at tatay ko kinausap nila ko "Uwi ka na muna Em, pahinga ka, may pasok ka na bukas, ikaw lang mag-isa sa bahay, okay lang ba sayo?" Walang kaso sakin. Sabi ko. At umuwi na nga ako.
Same day - around 5PM, nakauwi nako ng Cavite from Quezon City. Nagcommute lang. Pahirap sa katawan. Akala ko di ako makakauwi. :(( Dumaan muna ko sa bahay ng kuya ko bago umuwi, pagkauwi ko naligo ako (bongga, bangenge dahil walang tulog tapos naligo hahahaha! maloloka nako) pagkaligo ko natulog nako, nagising ako around 9PM, nagugutom ako, pagpunta ko ng kitchen andun si kuya, matatapos ng magluto - pinaghain pa ako -- *touched* ang swerte ko. Naiiyak ako. HAHAHAHA! Eff. ang arte ko. "Kumain kana, uuwi nako ha, i-lock mo lang mga pinto saka yung gate paglabas ko tas mo kumain pahinga kana" sabi niya. Napasmile ako, Thanks kuya. Nasabi ko.
June 15 (tues) - 11:30AM ang pasok ko, maaga ako nagising, siguro dahil worried pa din ang isip ko. Nagteks ako kay nanay kung kumusta na si lola -- ganda ng reply ni nanay "Baka makauwi na kami bukas. Sabi ni doc. ganda daw ng improvement ni lola, napaliguan na namin sha. malakas lakas na uli sha kumain" Praise God. :)
Same day, pumasok nako, 2subjs. lang ako that day. Walang Prof. pareho. Crap. :|
June 16 (Wed.)- Nagiisip akong magnet. Kaso tinamad ako dahil nung pauwi napakainit, pagdating ng bahay nakatulog agad ako. Parang ngayon lumalabas lahat ng pagod ko sa katawan. Exhausted much.
Same day, around 8pm, dumating na sila lola. Sa bahay muna sha magstay habang nagpapagaling sha ng mabuti. Dahil malaki yung kwarto ko, dun sha. Di naman sha pedeng iwan magisa sa vacant room dahil di pa sha pwedeng magkikilos ng sobra.
June 17 (Thurs) - Bahay-HW's at kay lola naubos ang oras at buong araw at gabi ko.
June 18 (Fri) - School-Bahay-HW's. at kay lola pa dn naubos ang oras at araw ko, pero di kagaya nung una di na sha gaanong alagain ngayon. :)
June 19 (Sat)- Absent ako. Nice. Dapat sa UST ang punta ko for a certain seminar. Kaso out of the blue naging sa Makati na. Tsk. 7AM-6PM ang seminar. Haba pota. >:|
8AM, Ayos nasa pancake house pa kami, breakfast?!. Eff. Super late na noh?
9:30AM ng dumating kami venue. Wow. Center of attraction pssh. Dahil late lahat sila nakatingin nung pagbukas ng door. Ang nakakatamad na seminar sa wakas natapos ng 7PM. Bullsh*t. Di kami marunong magcommute pabalik ng Cavite from Makati.
Nagtanong kami. How nice. Andameng nagturo samen, paiba-iba ng sinabe. I was like ginagago nyo ba kame?! >:| HAHAHAHA! Hinatid kasi kami nung papunta ng venue, sad to say hindi kami masusundo so walang choice kundi magcommute ng biglang bumuhos ang ulan. Okay. Naguumpisa ng uminit ang ulo ko di dahil sa situation kundi sa nagiisang kasama ko putrages! ang arte arte! :|
Walang ibang sinabi kundi "Ayoko ng ganito-ayokong magMRT-magtaxi na lang tayo" Magtaxi?! Makati to Cavite?! Fine, basta ikaw magbabayad. 8) Tameme si gaga. Ayaw magMRT kasi pipila pa daw kesho ganito ganyan. E sabi nung nagturo samin magMRT na daw kami para makaiwas ng traffic. Pota ayaw pa den. Sabi ko na lang "Iiwanan kita, ano?!" kainis.
Thanks Bro, baha. HAHAHAHA! Epal e, ayun nakarating kami ng MOA. Sa terminal dun nakasakay kami pauwi. Nice baha sa Talaba, Zapote. Super traffic. Umiikot na mata ko sa kasama ko. LOLJK.
June 20 (Sunday) - Father's day. How crap, paders day na paders day nilagnat naman si erpat. Okay, nagluto na lang ako for him. Di kami makalabas for a date kasi nga may sakit sha, ayos nadagdagan pashente ko sa bahay.
Same day, 6PM, pumunta ko kay kuya para maghatid ng niluto ko para matikman nya, shit. May lagnat din si kuya. :|
Today, okay okay na si kuya.
Buti na lang strong ako! HAHAHAHAH. Kering keri ko pa! :))
Pinoy ka ba? 100%? Edi alam mo na ding naiproklama na ang ating 15th President kasama ang bago ding Bise. :D Okay, wala lang nasabi ko lang. Congratumalations sa kanila.
Eto talaga, buryong na buryong ako kanina, pagsushal bored owver owver. 8)
Pero nawala ang boredom ko bigla, at dahil nga bakashon, nangalawang ang utak ko, e ngayon nalagyan ng langis ang kalawang, gumana ang utak ko! WOOOOOO! Natagpuan ko to.
Grabe, super owver napaka nageffort akong sagutan to. REMEDYUHAN ANG UTAK NA KINAKALAWANG!
(click mo) Sagutan mo! HAHAHAHA! 22/60 lang score ko potpot. Nakakahiya mang aminin lagpak na lagpak. HAHAHAHAHA! >:)
Nakakatuwa yung mga laro. Check mo pa DITO. Madame pa. Enjoy! :)
Wala kong magawa. Makapagblog na nga lang.
Anyways, yang Tumblr na yan ang patok na patok ngayon huh? Nung di pa uso yan, gumawa ako nyan. First time. Ayun, awa ng tatay ko e hindi ko naintindihan kaya ayun nicancel account ko na hihi. Di ko naintindihan kung panu gamitin, di ko naintindihan pano pagandahin, di ko naintidihan kung para san, in short di ko gets ang purpose ng site na yan dati! Kung katangahan yon, at kung nangangagat ng tanga yon nako wala na ako ngayon. HAHAHAHA! Ngayon, gets ko na purpose kaso ayokong gumawa. Mahirap magmanage ng madaming accounts, saka nakokornihan ako sa way ng pagbblog dun. >:) KORNI! MAIS NA MAIS! lels. Bakit? Here:
Okay, eto na naman ako, manlalait HAHAHAHA! Ayoko don, para sakin ang Tumblr ngayon e takbuhan ng mga taong gustong maki-'in', nakikiuso, tas wala namang ibang gagawin kundi magreblog? :)) =))
Sows. 8) Hmm, kaya naman para sakin e takbuhan sha ng mga taong gustong makiuso e dahil ngayong unti unti ng kinasasawaan ang Facebook, at ang Tumblr e pwedeng iconfigure sa FB ayun sumikat! Woot! Ngayon may makikipagchat sayo, Follow mo po Tumblr ko. Shiiiiiit! Naghang ako dahil lang nagpapafollow ka? Paslangin kana! HAHAHAHA! Asar e. Mga taong 'to, walang kakuntentuhan. Imperness bilib din naman ako sa galing nilang magupdate sa dami ata ng accounts nila e mahilo-hilo ako. Minsang may nag-aya saking magtumblr, naku ayun, magalang ko namang tinanggihan charot! :))
Okay, nangialam lang ako ulet, paki ko ba e trip niyo yon noh? Trip ko lang din to. >:)
Geh magtumblr lang kayo, iniisip ko lang kung anung susunod sa tumblr. :))
Excess no. 2: Hahaha. Landi ko may excess pang nalalaman, ayun, one week na lang pasukan na! Yesssh! =))
Nagswimming kami kanina, buong pamilya bilang celebration sa birthday ni Cedrick makulit. Napakakulit nya, kaya medyo di ko sha type na bata. Pero shempre di alam ng pinsan ko na nanay nya na ayaw ko sa anak nya noh. May pagkamaldita ko sa makulit na bata kase >:) Anyways, habang nagkkwentuhan ang mga matatanda sa cottage, nilalantakan ko lang yung inihaw na hotdogs sa gilid. Nakikinig. Natatawa minsan sa mga pinaguusapan nila. Napagusapan nila ang lola kong adik. Adik sa casino. :))
Way back two-three years ago, graduating ako ng HS, dun pako nakatira kay lola, dati pa adik na sha magcasino, kaso nga tumatanda na sha kaya di na sha pinapayagang umalis mag-isa, 79 na si lola ngayon edi 76-77 sha nung mga panahong yon. Mga June 2007, bakashon pa, ilang weeks na lang din bago magpasukan, nakatambay lang ako sa bahay at nanunuod ng T.V, feel na feel kong buong bahay ng lola dahil malamig ang panahon, may bagyo ng mga panahong yon, umuulan ng malakas sa labas. Minsan bumubugso ang hangin. Masarap sa loob ng bahay, manuod ng T.V at matulog ng mangati ang paa ng lola ko. Gustong gumala. Gustong umalis. Jusme 'tong matandang to sa isip isip ko. >:)
Nanunuod nga ako ng T.V, tumabi si lola sakin sa sofa 'Em, magbihis ka, samahan moko sa tagaytay' natawa naman ako at nasabi ko na lang 'La, sersyoso kayo?' at tumango sha sabay ngiti. Ako naman tong si mabait na apo e naligo na at nagbihis, heelow alangang pabayaan kong umalis yung matanda magisa 8) hihihi
Around 9am na non, nagiisip si lola kung magddrive daw sha ng owner, para di na kami magcommute. Sabi ko magbyahe na lang kame kasi madulas ang daan, mahihirapan lang magdrive si lola. Yess, nagddrive pa si lola kahit hanggang ngayon. Bagets na bagets kaya lola ko. :> Okay, ayun na nga, nagbyahe na kami dahil maluwag ang kalsada dahil may bagyo e bihira ang nagbyahe e mga around 10:00 - 10:30 am nasa Casino Filipino Tagaytay na kame. ang 2hrs na byahe e umikli.
Tagaytay. Grabee ang LAMEG! Ambaba ng fogs, yung 10am parang magseseven na ng gabi. Okay, nakarating na kame sa Casino, ilang beses na din naman akong nakapunta dun kaya lang hanggang lobby lang, dahil nga minor e di makapasok sa gaming area. Uyy eksayted ako. Hihi.
Edi ayun na, pumasok na kami sa lobby, umakyat sa bonggang hagdan at hinarang ng mga guards papunta ng gaming area para icheck ang aking bag. Shoulder bag, yukk girl na girl ako, sabi kasi ni lola para daw magmuka akong dalaga. :)) Okay chineck ang bag at biglang sinabi ni lady guard 'Miss pwede bang macheck yung cellphone niyo?' ayy oo, nasa bulsa kasi ng jeans ko ang fone ko at nilabas ko nga -- tinakpan ng packing tape yung camera? :O Ganun pala dun. Nagsusumigaw ang isip ko. IGNORANTE! :)) HAHAHAHAHA!
Gaming area -- woot! angganda! sushal na sushal. :)) Gusto kong tumakbo sa loob! pero shempre di ko ginawa, naisip ko sarap magpicture picture dito, kaso yung camera ng fone ko tinakpan. Hmp! Okay, anlamig sa loob lalo dahil sa lakas ng aircon tas yung singaw pa ng lamig galing sa labas. Brr. Tapos ako nakasleeveless bongga. Pero pinangatawanan ko na. Hihi. At nagpapalit na ng panlaro si lola ako naman e nagC.R. hmm. Ang banyo bongga! Woot! Namamango ang C.R, hindi amoy banyo, at ang salamin sinlaki ng dingding :)) sa gilid ng washing area ng banyo may J&J powder, Jergens lotion, baby cologne, alcohol at candies (maxx, mentos at fox) suuuushal ng banyo! Yiee gusto ko magpicture kase asa banyo naman wala naman sigurong CCTV cam dun. Pero di ko na ginawa, takot ako e :))
Lumabas nako ng C.R, tuloy sa gaming area at hinanap si lola -- ayun si lola! Asa table ng nagpopoker, hindi ko naman maintindihan. Nagikot ikot ako, dun ako napadpad sa may mga slot machine, wink madami tao dun. Maya maya nakita ko si lola pupunta na din dun. Hmm. Adik talaga si lola tsk tsk. Ayun, lumipas ang oras nawili naman ako magtingin tingin, hindi ako makalayo kay lola kasi binilinan ako nung guard na wag lalayo kay lola, nahalatang bagets ako. :))
Nagpunta ko dun sa parang bar sa loob-- charr! sushaal! Gugutom ako e, bibili sana ko buti sinundan ako ni lola, may lumapit na waiter - pinapili ako ni lola ng gusto ko, may pinakita si lolang i.d, may pinirmahan sha at boom! ayun na ang order, di naman credit card yung nilabas ni lola simpleng i.d lang pero payn kakain nako. at ayun, naglaro na si lola at ng magsawa e kami'y umuwi na. :)
Nakakatawa lang yung line ni lola habang nasa bus kami pauwi 'Em, kung di kita kasama baka naglulupasay nako, tatakot ako umuwi' nabagyo nga kasi, dang lakas ng ulan halos di magkakitaan sa kalsada. Jusko maglulupasay? sa tanda nyong yan la? hihi. Sa isip ko lang ;)
Masaya balikan ang pagkaignorante ko sa aking first time sa casino. Lumuwa ang mata ko sa mga poging naglalaro dun na bagets. Mga young businessman daw. Charr.
Excess: Happy birthday Ced (today) at Bon (tmr) Kahit makulit kayo, ILOVEYOUBOTH. Pakabait! :*
aaaat YUNG EPAL SA FORMSPRING HAHAHAHAHA! PATIWAKAL KA NA! :))
Kailangan ko ng mag-ingat, dumadami na ata nakakaalam ng blog ko.
Di na muna ko magpaparamdam sa mga tao tao na ugh o.O
Si tyanak, van, kyle at xiao pa lang ang literally'ng nakakaalam nento. Mukang may nakakaalam na ding iba >:|
Magtatago na kooo! Whahahahaha. Deleted na lahat ng connected dito, KUNG SINO KA MANG NAGTANONG SA FORMSPRING KO! BWAHAHAHAHA PAG NABASA MO TO. TENGENE MO! MAGPAKILALA KA! WAG KANG ANO, ANO KA E, PAKILALA KA! HAHAHAHAHAHAHA!
Ako nga ang batang ambisyosa. Oo, bata pa ko. :D
Okay, dahil nga ambishosa ko e pangarap ko talagang makatapos na, maghanap ng trabaho, magpayaman at maglagalag kung san san sa mundo. Simple lang naman ang pangarap ko diba? Baliw sa mababaw. Kung ganyan lang sana ang buhay pagpinlano mo tas magawa mo agad. Wala sigurong mahirap sa Pilipinas. :D Kaso hindi ganyan e. Okay.
Ang aga gumana ng kagagahan ko, pagkagising kasi bago ko bumangon e ugali kong magdaydream muna. Nagiimagine ng kung ano ano, minsan pag yung deydrim ko e naguusap na tao feeling ko nadidinig ko talaga yung pinaguusapan nila. Abnormal much? Hihi, pero genyan talaga e. Bago matulog at pagkagising daydream muna. Ikaw, nagdedaydream ka din ba? :D
Sa pagdedaydream ko kanina, andaming paikot ikot sa utak ko. Hindi ko alam kung nasang lugar ako pero maganda yung lugar, hmm. May naalala tuloy ako kanina, yung pangarap ko nung 5yrs old pa lang ako, yung ko pangarap talaga dati e makapunta ng Australia at makita yung sinasabi nilang Aurora.(click mo) Diba ang ganda, eto pang isang view ng aurora. (click ulit)
Diba diba, ambishosa ko pero madali akong maamaze, gusto ko talaga yang makita kaso ngayon hindi na. Sa polusyon ng mundo e bihira na daw iyan makita, kung anu anung gas kasi ang bumubuo jan. :(
Pero hindi naman natapos don ang pangarap ko, madami akong gustong gawin, kahit di muna ko makarating ng ibang bansa basta malibot ko ang Pinas, solve na! Yung mga liblib na lugar ng Pinas na may tinatagong angking ganda, naks. Ayun gusto ko marating yon, maekpiryens ng bonggang bongga ang mother nature. Nature lover ako di mo naitatanong, dahil siguro sa hilig sa paghahalaman ng mga aking peyrents e namana ko yon. Ayun, ung daydream ko e humaba na ng dahil sa naalalang pangarap. Hihihi :D
Woot! June na! :DD 14 days to go, papasok na naman ako. Kahit pangit ang schedule ko at di ko gusto mga classmates ko e masaya pa din namang isipin na papasok na naman ako. :D
Looking forward pa din naman ako sa mga positive aspects ng buhay ko ngayong dadating na pasukan, gagana na naman ang utak ko, gagabihin na naman ako ng uwi, magkacram na naman, may makikilala din namang bago at higit sa lahat magiging productive nako! :)) Napakaunproductive nga kase ng summer ko hihi. Uyy, pers taym ko magsesecond year yesssh! Dapat kasi third year nako, okay saka ko na ichichikka. :P
Basta ansaya saya. Naeeksayt ako. :)
At natutuwa din ako, imperness naman noh? Updated blog ko since nung ginawa ko. Masaya ko dito. Masaya ko sa ginagawa ko. Masaya ko na may babasahin ako pagfeel kong magmoment. Oyess! Masaya talaga. :DD
Hello June! I'm looking forward to have the bestest days with youu okay? :D
May ganun bang term? Bestest? Mas best pa sa best. Bastaa yown! Haha! :D