My first Casino experience :D
Nagswimming kami kanina, buong pamilya bilang celebration sa birthday ni Cedrick makulit. Napakakulit nya, kaya medyo di ko sha type na bata. Pero shempre di alam ng pinsan ko na nanay nya na ayaw ko sa anak nya noh. May pagkamaldita ko sa makulit na bata kase >:) Anyways, habang nagkkwentuhan ang mga matatanda sa cottage, nilalantakan ko lang yung inihaw na hotdogs sa gilid. Nakikinig. Natatawa minsan sa mga pinaguusapan nila. Napagusapan nila ang lola kong adik. Adik sa casino. :))Way back two-three years ago, graduating ako ng HS, dun pako nakatira kay lola, dati pa adik na sha magcasino, kaso nga tumatanda na sha kaya di na sha pinapayagang umalis mag-isa, 79 na si lola ngayon edi 76-77 sha nung mga panahong yon. Mga June 2007, bakashon pa, ilang weeks na lang din bago magpasukan, nakatambay lang ako sa bahay at nanunuod ng T.V, feel na feel kong buong bahay ng lola dahil malamig ang panahon, may bagyo ng mga panahong yon, umuulan ng malakas sa labas. Minsan bumubugso ang hangin. Masarap sa loob ng bahay, manuod ng T.V at matulog ng mangati ang paa ng lola ko. Gustong gumala. Gustong umalis. Jusme 'tong matandang to sa isip isip ko. >:)
Nanunuod nga ako ng T.V, tumabi si lola sakin sa sofa 'Em, magbihis ka, samahan moko sa tagaytay' natawa naman ako at nasabi ko na lang 'La, sersyoso kayo?' at tumango sha sabay ngiti. Ako naman tong si mabait na apo e naligo na at nagbihis, heelow alangang pabayaan kong umalis yung matanda magisa 8) hihihi
Around 9am na non, nagiisip si lola kung magddrive daw sha ng owner, para di na kami magcommute. Sabi ko magbyahe na lang kame kasi madulas ang daan, mahihirapan lang magdrive si lola. Yess, nagddrive pa si lola kahit hanggang ngayon. Bagets na bagets kaya lola ko. :> Okay, ayun na nga, nagbyahe na kami dahil maluwag ang kalsada dahil may bagyo e bihira ang nagbyahe e mga around 10:00 - 10:30 am nasa Casino Filipino Tagaytay na kame. ang 2hrs na byahe e umikli.
Tagaytay. Grabee ang LAMEG! Ambaba ng fogs, yung 10am parang magseseven na ng gabi. Okay, nakarating na kame sa Casino, ilang beses na din naman akong nakapunta dun kaya lang hanggang lobby lang, dahil nga minor e di makapasok sa gaming area. Uyy eksayted ako. Hihi.
Edi ayun na, pumasok na kami sa lobby, umakyat sa bonggang hagdan at hinarang ng mga guards papunta ng gaming area para icheck ang aking bag. Shoulder bag, yukk girl na girl ako, sabi kasi ni lola para daw magmuka akong dalaga. :)) Okay chineck ang bag at biglang sinabi ni lady guard 'Miss pwede bang macheck yung cellphone niyo?' ayy oo, nasa bulsa kasi ng jeans ko ang fone ko at nilabas ko nga -- tinakpan ng packing tape yung camera? :O Ganun pala dun. Nagsusumigaw ang isip ko. IGNORANTE! :)) HAHAHAHAHA!
Gaming area -- woot! angganda! sushal na sushal. :)) Gusto kong tumakbo sa loob! pero shempre di ko ginawa, naisip ko sarap magpicture picture dito, kaso yung camera ng fone ko tinakpan. Hmp! Okay, anlamig sa loob lalo dahil sa lakas ng aircon tas yung singaw pa ng lamig galing sa labas. Brr. Tapos ako nakasleeveless bongga. Pero pinangatawanan ko na. Hihi. At nagpapalit na ng panlaro si lola ako naman e nagC.R. hmm. Ang banyo bongga! Woot! Namamango ang C.R, hindi amoy banyo, at ang salamin sinlaki ng dingding :)) sa gilid ng washing area ng banyo may J&J powder, Jergens lotion, baby cologne, alcohol at candies (maxx, mentos at fox) suuuushal ng banyo! Yiee gusto ko magpicture kase asa banyo naman wala naman sigurong CCTV cam dun. Pero di ko na ginawa, takot ako e :))
Lumabas nako ng C.R, tuloy sa gaming area at hinanap si lola -- ayun si lola! Asa table ng nagpopoker, hindi ko naman maintindihan. Nagikot ikot ako, dun ako napadpad sa may mga slot machine, wink madami tao dun. Maya maya nakita ko si lola pupunta na din dun. Hmm. Adik talaga si lola tsk tsk. Ayun, lumipas ang oras nawili naman ako magtingin tingin, hindi ako makalayo kay lola kasi binilinan ako nung guard na wag lalayo kay lola, nahalatang bagets ako. :))
Nagpunta ko dun sa parang bar sa loob-- charr! sushaal! Gugutom ako e, bibili sana ko buti sinundan ako ni lola, may lumapit na waiter - pinapili ako ni lola ng gusto ko, may pinakita si lolang i.d, may pinirmahan sha at boom! ayun na ang order, di naman credit card yung nilabas ni lola simpleng i.d lang pero payn kakain nako. at ayun, naglaro na si lola at ng magsawa e kami'y umuwi na. :)
Nakakatawa lang yung line ni lola habang nasa bus kami pauwi 'Em, kung di kita kasama baka naglulupasay nako, tatakot ako umuwi' nabagyo nga kasi, dang lakas ng ulan halos di magkakitaan sa kalsada. Jusko maglulupasay? sa tanda nyong yan la? hihi. Sa isip ko lang ;)
Masaya balikan ang pagkaignorante ko sa aking first time sa casino. Lumuwa ang mata ko sa mga poging naglalaro dun na bagets. Mga young businessman daw. Charr.
Excess: Happy birthday Ced (today) at Bon (tmr) Kahit makulit kayo, ILOVEYOUBOTH. Pakabait! :*
aaaat YUNG EPAL SA FORMSPRING HAHAHAHAHA! PATIWAKAL KA NA! :))
0 comments:
Post a Comment