sa isang kisapmata.
Ambilis talaga mangyari ng mga bagay bagay. Kanina lang tawa ko ng tawa ngayon naman worried na worried nako. Sa loob lang ng halos 1minuto -- napaparanoid nako. Andaming sabay sabay na nagsasalimbayan sa utak ko.Report sa Economics bukas, mga dapat iprepare sa July, namimiss na pamangkin, at nag-aalalang feeling. Ayoko ng ganitong feeling sa lahat. :S Yung kaba ko napupunta sa takot.
Si kuya kasi. Epal. :/
Umalis dinala yung baril e nakainom na. Caliber 45. Licensed naman kaso shempre nagaalala ko.
Sinabihan ko na sha "Kuya, gun ban pa din ngayon" ang sagot nya lang "tapos na" sabi ko, hindi pa, gawa ng hindi pa hanggang June 30 para sa panunumpa ni P-noy. "Hindee" at tawa lang ang sinagot nya sakin at alam ko, base dun sa kilos nya lasing na sha. :/
Lord, ingatan niyo po si kuya, at gabayan sa lahat ng gagawin nya, ngayon at kahit kailan. Amen.
Thanks Bro. :)
Hindi ako nagger sa kapatid ko. Pero maingay ako pagdating sa pagpapa-alala sa kanya na umuwi na lalo na pag late na. Close kami ni kuya. Proud ako sa kanya, pero sa ganitong pagkakataon naiinis ako. Natatakot kasi ako e. May phobia nako dahil sa aksidente nya last 2003. :(
Hindi ako nahihiyang sabihin ang I Love You Kuya sa harap nya, lagi kong sinasabing magiingat sha.
Hindi ako nahihiya kahit milya milya ang layo ng agawat namen. Oo, 13 yrs ang tanda nya sakin, pero never yung naging hassle para di kami maging close. Kahit sa parents ko, o kay lola, o sa kahit kanino, na sabihing mahal ko sila, lalo na sa kay tatay, nanay at lola.
Madami akong nakikilala at kilala na nahihiya silang i-voice out ang mga nanay nila, or mga tatay nila, or sabihin ng harapan sa mga parents nila or kapatid nila na mahal nila tong mga taong to.
Kasama ng pag-aalaga sa mga taong mahal ko, lagi kong sinasabi sa kanilang mahal ko sila, sabi nila words are not enough, yes, it's not enough, pero inaalagaan ko sila habang sinasabing mahal ko sila.
Ayokong mangyari sakin yung kapag wala na yung mga taong mahal ko at mga espesyal sakin saka ko lang sasabhin sa kanilang mahal ko sila. Saka ako magngangawa kapag ililibing na sila. Yes, hindi ako OA, nagsasabi langa ako ng totoo. Hindi din ako nagiging 'nega' sinasabi ko lang ang posibleng mangyari, o kahit di na sila ang mawala, kahit ako na lang, wala namang nakakapagsabi ng buhay, madaming nangyayari sa isang kisapmata lang. Alam ko, kung may mawawala saking mahal ko (thou wag naman sana), iiyak lang ako sa isang dahilan, mamimiss ko siya/sila. Pero wala akong pinagsisisihan, kase alam ko sa sarili ko habang buhay 'tong taong to pinakita at ipinadama ko sa kanya na mahal ko sha, importante sha sakin, espesyal sha sa buhay ko.
I'm still learning about life. Madaming dahilan para mabuhay.
Madaming dahilan para hindi mabugnot at mainip sa buhay. Appreciate life, appreciate people, appreciate even problems kase for me walan namang term na 'problem' pero merong 'concerns', problems are just crap concerns and this concerns will make you strong. Be part of this so called 'concerns' and you will know how to handle it and find answers to your so called 'problems'. :)
Madaming nangyayari sa isang kisapmata, tandaan mo lagi sana.
0 comments:
Post a Comment