Maskara
Mahirap magtago sa isang maskara, lalo na kung yung maskarang ginagamit mo e iisa.Isa lang tas lagi pang nakatawa. Nakatawang personality, nakatawang pagkatao pero sa totoo lang di naman pala. Genyan ata ako, laging nakatawa, laging nagpapatawa. Minsan iniisip ko na nga kung masokista ata ko. Hahahaha. Dee joke lang. :))
Bakit? Bakit ko nasabing genyan ako?
Lagi akong nakatawa at nagpapatawa sa harap ng iba. Bakit? Kase yun yung the best na gawin.
Di ko naman feel maginarte sa harap nila. Kase problemado na sila, dadagdag pa ko. Ako ang clown, at ang make-up ang aking mask. Make-up na nakasmile, make-up ang aking maskara.
Sa likod ng maskara ko ay seryosong pagkatao na minsan lang lumabas. Iyaking babae sa loob ng kwarto pag punong puno na isip ko. Hindi ako naghahanap ng atenshon ng iba, minsan nga ayoko na ng atensyong binibigay nila, isang tao lang ang solve nako. Madalas nakikita ko yung taong yon sa parents ko, minsan sa piling mga kaibigan, minsan sa prof. :)) minsan kahit sa taong di ko kilala.
Minsan naisip ko na mas masarap pa magopen-up sa taong di mo kilala. Kase pwede kang magbago ng maskara, hindi ka nila kilala bilang si "palatawa" kase ang ipapakita mo pwedeng si "paiba-iba". Pag di mo kilala hindi ka obligadong pasayahin sila, walang problema, walang pagpapanggap na naganap.
Eto ko, ang seryosong pagkatao ko, lumabas ngayon dahil sa araw ko wala pang mashadong nangyaring positibo. Bihira kong tanggalin ang make-up/maskara ko, mahirap kasi magpakita ng biglaang pagbabago, tama na siguro yung gento. :)
Excess:
Anyway, wala namang mangyayari kung papakadown ako. Hahahaha. Naginarte lang. Woot July na bukas. :))
Congrats pala kay P-Noy at V-Nay. lol. :)) Cheers! God Bless the Philippines :)
1 comments:
gusto ko tong post na to. :)
Post a Comment