0 com

No questions asked: His place

SMALL WORLD. Small world talaga, though parang di naman niya ako natatandaan. Well, sino nga ba naman ako? Natapos yung period na yon, he's Red. Not literally color red. Red's his name. Red Miranda.


Vacant period ang kasunod na one and a half hour, so ayun, tambay sa canteen. Manginginain. Excited pa sa kwentuhan, excited sa makikitang bago at madami pang budget, first day ba man. Pero ako eto, nagkapakpak na naman ang isip ko. May gusto kasi akong gawin, matulog. Suddenly, tinatamad nako. Yung feeling na pagbakasyon gusto mo ng pumasok, pag may pasok gusto mo ng magbakasyon? Tsk.


Nawala lang ako sa pagdedydream ko ng madinig ko silang nagtawanan (sila Taba), shempre nagtanong ako kung anong pinatatawanan nila at bongga, kinorek ako.


'Di kami nagtatawanan, kinikilig'


'Kanino?' shempre curious ako.


'Dun kay Red. Cute sha noh?'


'Ahh, ngayon ko lang nakita yon e. Kilala niyo agad?'


'Tange, shempre hindi den, nakilala lang kanina, transferee yun sigurado.'


'Siguro' nasabi ko na lang.'


Hanggang sa natapos ang vacant period, ayun hanggang sa natapos ang scheduled classes namin that day hindi ko na nakita ang anino niya.


Kinabukasan nakita ko sha sa may entrance gate, si Red. Mag-isa, pero agaw pansin. May katangkaran kasi sha, although simple lang naman yung suot niya nagmumuka shang bongga. Binilisan ko na lang yung lakad ko. Iba kasi yung subjects namin ngayong araw, madaming major subjects. Hayy. Regular classes na, nasa classroom na ako, andun na din ang dakilang barkada. Sa likod pa din kami nakapwesto. Pero wala ng bakante this time. Nagulat pa ko, after ng bell,  pumasok si Red. Aba at classmate ko sha sa ibang major subjects?


'Sabi sayo e, transferee yan. Tignan mo irreg.' Sabi ni Taba.


'O e, ano naman? Tinatanong?' Nakangiti ako pero masungit. Ay ewan.


Hanggang sa natapos ang klase, all in all, classmate ko sha sa tatlong subjects.
Dumating ang prelims, petiks, feeling ko kapapasok ko pa lang. Eto at puro pang midterm exams na ang nadidinig ko, at ang dakilang mga professors nagpapaulan na ng projects.


English: Sppech Comm.
Mukang magpapaulan din ng project si Ma'am Haidz. Di ko mashadong iniintindi.


'Okay class, this is going to be a pair work, your seatmate is your partner. You have to make an interview to these people..' sabay turo nung mga nakasulat sa board. Nagexplain pa sha ng mga dapat gawin. Ako nagiisip na, pairwork? seatmate? Parang di ko maintindihan yung term. Napatingin lang ako dun sa seatmate ko. Hayy.


'Kelan mo gustong mainterview?' biglang tanong niya sakin.


'Huh? E kahit kelan, okay lang naman, wag lang siguro pala pag weekend' sagot ko. Sounds normal.


'Okay, so is it okay if we'll do this tomorrow?'


'E agad? Si..sige'


'Kayy, I'll see you then' ngumiti pa sha. at ayun umalis na.


Umuwi na din kami, at ako. TULALA! Hahaha! 
Hanggang sa bahay tulala ako, hanggang sa may biglang pumasok sa isip ko.


Magkikita kami?! Bukas?! Pano?! Saan?! Oras?! Wala akong contact sa kanya!! Tsk. Anung gagawin ko.


Kinuha ko si laptop at nag-online ako. Yun ang naisip kong paraan, Facebook.
Hinanap kong pangalan niya, pero sa kasamaang palad-- wala. Hayy.
Nagcheck ako kung sinong online, online si Taba.


Junna08: Buzz!
princesszaii: yo!
Junna08: Uhh, ano, kumain kana?
princesszaii: hahahaha! ano yan?
Junna08: Tsk! Merry xmas tabs! :D
princesszaii: sinusumpong ka na naman! anyare?
Junna08: Problemado ako :(
Junna08:  Help. Huhu!
princesszaii: anu yun?
Junna08: Yung sa speech, yung partner ko. :D
princesszaii: yieee si red my labs?:">
Junna08: Oo, si red your labs. 
princesszaii: O anung problema?
Junna08: Magkikita daw kami bukas, sabi nya kanina, tas biglang umalis, wala akong number niya, di ko naman mahanap sa fb. Gagawin ko?
princesszaii: edi wala na! nahanap mo na e, tas wala, baka iba gamit na pangalan.
Junna08: Muka nga.. naku! wait! may natawag!


nagriring yung phone ko.. uhh. asan nga ba yon?
tingin sa bag. jackpot! 






09271234567 calling...








sino to? sa isip isip ko. then sinagot ko na.










'Hello?' sabi ko.


'Hello Junn! Pasave ng new number ko, Jhe to.' sabi sa kabilang line. Si Jhe pala.


'ahh, hanep, tawag! akala ko kung sino. sige sige save ko' 


'Hahaha! Unli e, sige save mo na lang ha, magtatawag muna ko. Babay!'


'Haha o sige, bye!' Si Jhe pala.


Balik sa laptop.


Junna08: Si Jhe man.
Junna08: Buzz!
princesszaii: w8! oo nga, tumawag din sakin hahaha!
Junna08: Sige na, matutulog muna ko. 
princesszaii: sige balitaan moko tungkol kay papa red ha.
Junna08: Baliw!
princesszaii: hahaha! 
Junna08: Sige sige, update na lang kita. :*
princesszaii: :* >:D<


Hayy.. Makatulog na lang muna nga, bahala na lang.
Kaso 30mins na ata akong nakahiga di pa din ako makatulog, tsk.
Pupunta sana ako ng kusina para kumuha ng snacks ng magring na naman ang phone ko.








09167654321 calling...


'sino na naman to?














'Hello?' pagsagot ko.


'Hey.. Junna?' sabi sa kabilang line. Lalake.


'Speaking, who's this?'


'Red'


'Uyy, ikaw pala.' at wala na akong nasabe. Kahit pagtatanong kung pano niyang nalaman ang number ko hindi ko nasabe?


'Yes, I just wanna remind you about tomorrow, 9AM, 7/11 near school?'


'Uhh, okay.'


'Kayy, I'll see you tmr. then. Bye!'


'Uhh yeah, bye!'


Uhh? Ako ba yon? Pagkababa ko ng phone? Wala man lang akong matinong nasabe?
Ni hindi ako humindi? Oo lahat?! Anung nangyayare? O.O


Tuluyan na akong di nakatulog, so I texted my beloved tabs, si Zaila.


'Tabs my labs! Tinawagan ako ni Red'


'Waaaah! Anung sbe?'


'Ayun, kitakits daw tmr. I wonder thou kung san niya kinuhang number ko?'


'Baka type ka! Umeffort! hahahaha!'


'Baliw!'


'O san daw kayo magkikita?'


Di nako nagreply. Nakatulog na ako e. :D


Paggising ko, 8AM na! Sh*t. Malelate ako!
So ayun, balikwas, ligo, bihis, alis.


Around 9:15AM, dumating ako. Andun na sha. *Dugdug* Tsk bat kinakabahan ako.


'Hey you're late.' Bungad niya sakin.


'Sorry, I overslept' nakayuko, nahihiya din kasi ako, nang may naalala ako sa sinabi ko. Parang sinabi niya na din yon? Uhh?


'Okay lang' sabi niya, tas pagtingin ko sa kanya nakangiti na sha. 


'E sorry talaga ha? San pala tayo pupunta? Sinong iinterviewhin?' sabi ko na lang. Wala talaga akong idea.


'My place, yung iinterviewhin? Basta' nakangiting sabi niya.
Wala akong nasagot. Sabi na lang niya 'Let's go!'


Huh?! His place?! Iinterviewhin-- Basta? Anu yon?!






'Hey Junna, I said let's go. Tulog ka pa ba?' Natatawang sabi niya, bago niya kinuha yung kamay ko sabay hila.




'Let's go..'




------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Excess: Dahil birthday mo Zaii tabs my labs, eto ng chap. 2, Hahahaha! Dedicated to you. HAPPY BIRTHDAY FRIEND! LOVE YOU! :)
0 com

No questions asked: Small world

June. Matatapos na ang summer, matatapos ng bakasyon. Magpapasukan na ulit.
Magiging third year na ko, hayy. Di ko alam kung matutuwa ako, wala naman kasi akong accomplishment for the last 2yrs ko sa college, tapos ngayon eto na naman ang bagong school year. Lame.




Ako pala si Junna Ray, pero Joey na lang, nickname ko. Ambaho ng pangalan ko noh? Ang hirap pang isulat pagcursive, tsk. Kaya lagi akong limbag magsulat. Incoming third year nako sa di mashadong prestihiyosong eskwelahan. Hindi naman ako matalino, pero di rin naman ako bobey, sakto lang. Yung tama lang. Tipikal na estudyante lang ako, minsan nag-aaral, minsan hindi, minsan masipag, minsan hindi, tipikal. Ganun ata pag tipikal? Hindi ko alam. Nako. Masaya naman ako. Walang mashadong problema, kahit walang boylet. Isa lang naman ang himutok ko sa mundo.Wala akong talent, ewan ko ba. Nung nagsabog ata ang diyos ng talent sa mundo tulog na tulog pako. Antukin din kasi ako. Maka'masa'-- Masandal, tulog. At lalong hindi ako maganda. Sabi nila pangit ako, though di ganung kaderecho, pero di nila ko sinasabihang maganda. E anong magagawa ko? Eto ko e.




Hindi ko alam bat sinasabi ko to, siguro kasi malungkot yung buhay ko pag tiningnan nila, kaya inexplain ko. Pero hindi naman e, masaya kami sa bahay. Close ako sa parents ko saka sa mga kapatid ko. Supportive sila, wala lang talaga akong talent na masusuportahan nila. Tsk.




Madalas nagdedaydream lang ako, kahit sa labas ng bahay minsan nagdedaydream ako, wala lang naman, may oras lang talaga na tinutubuan ng pakpak yung isip ko, ayun, lumilipad sha. Minsang nagdeday dream ako sa isang mall kasi bumili ako ng fave. kong shake, may nasagi ako. Yung mundo ko. :)


'Ay, sorry po'


'Okay lang, ingat lang, sige.'


'Sorry uli, sige'


Hmm. Ayun, nilagpasan ko na. Di ko mashadong natignan yung mukha niya, pero alam ko makinis yung mukha niya. Anyways, uuwi na ako. Magsusulit ako ng huling linggo ng bakasyon e.


Sa bahay wala naman akong masyadong ginagawa. Tamad din kasi talaga ako.
Natutulog lang ako madalas, pagkagising kakain, maliligo, manonood ng TV or DVD or net. Usually animes lang naman yung pinapanood ko. Oo, mahilig ako sa anime. Naimpluwenshahan ako nung kuya ko, ngayon mas adik na ako. Lumilipas ang oras ko sa bahay ng ganun lang, di ako pala-labas ng bahay. Sanctuary ko na ang bahay namin. 


Hmm. Pasukan na bukas. Natatamad ako, pero namimiss ko yung lima't kalahating mga kaibigan ko.
Bully daw ako, pero sa kanila lang naman. Di ko naman kasi mashadong kinikibo yung ibang classmates namin, kilala ko lang sila, pero di ko sila kaibigan. Nako, makatulog na nga.




'JOOOOOOOOO! gising na, tatanghaliin ka pag di ka pa bumangon, unang araw na unang araw e late ka' sabi ng nanay ko kinabukasan. 


Pasukan na pala. Tinatamad akong bumangon pero bumangon na rin ako, tinatamad ako kasi alam ko naman na wala akong makikitang bago sa school. Pag enrollment kasi nakikita ko yung mga classmate ko, at base sa mga nadidinig ko magkakasection lang naman kami uli. Sus. Pero dahil nakakamiss din naman yung lima't kalahati kong kaibigan e kumilos na din ako.
Pagkatapos kong kumain e naligo na ako, at nagready na para pumasok. 


'Ma! Alis na po ako!' sigaw ko kay Mama na nagdidilig sa garden. Di niya ata ko nadinig, kumuha na ko ng isang milkybar eclair sa ref. fave. ko yon, lagi akong nagdadala sa bulsa ko kahit san ako pumunta. Lumapit ako kay Mama.


'Alis na po ako' tapos nagkiss ako sa kanya.


Sa school. Sakto lang yung dating ko. Di sobrang maaga, di din late. Nakita agad ako ni Zaila, si taba. Chubby lang sha pero nakatuwaan ko na shang tawaging ganun, di naman sha nagagalit.


'Jooooo! Huuuy! Namiss kita! Kumusta ka?' 


'Okay lang, namiss din kita, mukang hiyang na hiyang ka sa bakashon ah, lalo kang--'


'Oo na alam ko na, wag mo ng ituloy' putol nya sa sinasabi ko pero nakangiti. Natawa na lang ako.


'Tara na sa room, andun na sila, wala daw flag ceremony ngayon kahit pers day, makulimlim kasi, umambon na kanina'


'Ahh' nasabi ko na lang at umakyat na kami.


'Uyy Jo! Akala namin malelate ka e first day!' bungad sakin ni Jhe, ang babaeng giraffe sa tangkad. Kasing haba ata ng San Juanico bridge yung legs ng babaeng to.


'Haha! Di ahh, naaatat nga akong pumasok, miss ko na kasi kayo'


'WEEEEHHHHHHHHHHHH?!!!!!!!!!!!' Sagot ni Zai at Jhe. Sabay pa. Mga ungas talaga, ayaw maniwala. 


'Mga sira, haha! teka, asan pala yung dalawa at kalahati?' 


'NagCR lang'


'E san tayo uupo?' tanong ko kasi andun na din yung iba naming classmates, grupo grupo din as usual.


'Sa likod tayo para maiba naman, lagi tayo sa harap e, tutal pagnagalphabetical sigurado harap din bagsak natin'


'Sige' sabi ko na lang.


Naupo kami dun sa likod, sa last row ika nga, dun ako sa pangalawa sa pinakasulok. Nagiwan ako ng bakanteng silya. Dumating na yung tatlo ko pang kaibigan, si Fritz, ang babaeng mahilig sa Manga, si Arna ang luka lukang sobrang reigious at si ilet, yung kalahati. Maliit kasi sha, 4'9 lang ata. Ay basta bubwit.
Nagkamustahan kami ng biglang magbell, time na, first subject-- SpeechLab.
Walang naupo dun sa isang tabi ko, so bakante yung dulo. Fine.


Dumating na si Ma'am Haidz, ang prof. namin sa lahat ata ng English subjects namin. Parang walang ibang nag-aapplu na prof. sa university na to. Sha at sha pa din. Tipikal na first day, introduction. Lagi naman e, kahit kilala na namin lahat. Hanggang sa bumukas yung pinto..


'Goodmorning, I'm sorry, I'm late' sabi ng bagong dating. Ganda ng accent. Di sadya, di aral, pero maganda.


'It's okay, why are you late anyway? Can I have your enrollment form to check if you belong to this class?' sabi ni Mam Haidz. Tahimik ang lahat. Kase ang lahat-- curious.


'I overslept' simpleng sagot niya. Damn honest.


Natawa si Mam, masayahin talaga tong si Mam. Nako. 


'Okay Mr. Miranda, here's your E form and you may seat wherever you like'


Luminga sha, napatingin ako sa kanya. Ewan ko pero parang ngumiti sha sakin, o imagination ko lang? hanggang sa lumapit sha--


'Miss, is this seat taken?'


'Uhh e' umiling lang ako. Naupo na sha.Sa tabi ko.


Speechless ako kase, 




Sha yung nabunggo ko sa mall. Small world.


To be cont..
0 com

PAG-IISIP

Andami kong iniisip. Di ko na alam kung anong uunahin ko.
Kelan lang nagapply nga ako ng trabaho, pumasa sa initial interview, exam at ngayon nakapasa sa final interview. Pero hindi ko alam kung itutuloy ko pa. Iniisip ko kung anung gagawin ko, panung school? Kakayanin ko ba?
Naisip ko din naman, nakaya nga ng ibang working student, bat ko di kakayanin? Kaso, nagaalangan ako. Sa schedule. Sa dates. Sa lahat.

Nagpaalam na ko sa buong pamilya regarding this, iisa lang sinabi nila sakin. Basta kaya ko, walang problema sa kanila, saka basta di ko pababayaan studies ko. Sa sarili ko, alam ko, yun talaga ang priority ko, ang mag-aral. Kaya lang iniisip ko. Kaya ko bang talaga?

Pinapagayos na ko ng requirements, NBI clearance, Police clearance, SSS, mga ganyan. Ngayon ko naisip, eto na talaga. Kaso hindi ko pa matimbang ang sarili ko, binabagabag ako ng isip ko. Pinakagumugulo lang naman kasi sakin talaga schedule. 6hrs/day kasi yung trabaho, though part time kakainin pa din nun ng malaki ang oras ko. Kaya ako bihira magupdate, magonline o anu pa man e dahil andami kong inayos. Pagu-wi antok na antok nako, di na kaya ng powers kong magonline.

Tapos parang mababaliw nako, papaandaran pa ko ng tatay ko. Aynako. Antanda tanda na ayaw pang alisin yung toyo sa ulo niya. Minsan nakakapuno din, minsan parang gusto ko na sabihin kahit kaninong makita ko ;oy 'oy palit tayo tatay' tas nagsisisi din naman ako bandang huli. Diba, parang loka lang.

Nabubuwisit pako sa sarili ko, pagandito lang ako sa bahay wala na akong ginawa kundi matulog at manood ang anime o koreanovela. Antamad tamad ko. Dahil nga nandito lang ako sa bahay kahit pagligo kinatatamadan ko. Aynako talaga. Malala nako.

Kahapon kausap ko yung isang friend kong asa malayo. Nagevaporate lahat ng stress ko, tawa ko ng tawa habang kausap ko sha, kahit thru chat lang kami magkausap. Nakikipagngitian talaga ako sa monitor, super halakhak. Nakakamiss. Napagusapan pa namin, wala pala akong krass whahaha. Naubos. Wala lang. Labo na. Labo labo na.

Ayun, tinuloy ko din, baka malapit nakong magtrabaho! Yes! Conratulations to me! Wala ng atrasan sana maganda sched. Sana wala ng maging problema. Sana sana sana. :DD
0 com

Realidad sa Pilipinas

Reality check lang, kauuwi ko lang kasi galing sa isang job fair. Hindi naman ako hikahos para magtrabaho na kahit di pa nakakatapos. Gusto ko lang. Gusto kong magtrabaho para kumita, gusto kong magtrabaho para hndi ako tumambay ngayong bakasyon. Okay. Kaya nagpunta ako ng jobfair dito lang sa Walter Dasma. Around 8AM, dumating kami dun, at eto-- kakauwi ko lang. Anung oras na 8PM. Niiice.

Naipasa ko na yung initial interview, naipasa ko na yung written exam, final interview na lang, 4PM na nito. Kailangan daw sa final interview ng nakamake-up, okay edi magmake-up. Hala, nakamake-up na't lahat wala pa yun magiinterview. Umalis pala. What the?! I was like -- :| *ano?! gaguhan to?!

So okay, reschedule na lang daw yung para sa final interview. *Sana sinabi agad diba.

So fine, malakas na yung kapit ko. Pero tinatamad na akong ituloy yon. Di ko naman kasi kailangang kailangan. Gusto ko lang.

Iniisip ko lang kanina, habang naghihintay ako. Grabe ang unemployment dito sa Pilipinas, tas walang maayos na sistema para sa mga gustong magkatrabaho. Kaya ba nauubos na ang mga pro dito?
Minsan parang kahit anong pagiging makabayan mo, kapag ganito ng ganito baka maubos tayo. Maubos ang Pilipino sa Pilipinas. Hindi malayo, kung hindi naman nga aasenso e. Pero pwede pa namang baguhin to. Kulang lang sa kusa at disiplina ang mga tao. 

Sa liit ground sa may entrance sa Walter Dasma., akalain mong umabot ng mahigit isang libong aplikante ang dumagsa don? na kung tutuusin, at susumahin ang kakasya lang don parang nasa mga 200 na tao lang. Grabe. Grabe yung pagod na inabot ko. Hindi ako makauwi uwi gawa ng sa mga kasama ko, hindi ko lang sila maiwan kaya ayun nagtyaga na din akong pumila at magapply. Pero sa totoo lang, AYOKO NA. Hahahahaha! Asar!

Grabe, pero sa ngayon, natatawa na lang ako paginiisip ko yung pinagdaanan kong inip at hirap sa pila kanina. Di ko akalaing tumagal ako. Praise God. Hahaha! 'Tong pagkabugnutin kong to tumagal at nagtiis sa gitna ng sikip at init kanina. Iboblowout ko nga sarili ko e. Hahahaha!

Ayun, wala na kong masabe, kailangan ko lang mailabas tong inis ko. Hahaha! Sumakit ba man ulo ko. Aynako. Keri na nga. Ciao!

0 com

Si Keso

Keso! Para sayo! :D I miss yow!








Kaso malayo ka, hindi ko maibigay sayo. Ayun, sa kasalukuyan ginagamit ko muna siya. Hahahaha! Ayun saka ano, pagbinaliktad mo siya mababasa mo siya as KEZO. KESO. Bow.





0 com

Badtrip!

Kase pinagalitan ako ng nanay ko. Galit pa sha. Sumagot kasi ako, bad ako. Tsk.
Kainis naman kasi. Basta ginalaw kasi niya gamit ko, may nawala. Nalaglag siguro. Naglinis kasi sha, di niya napansin. Nawala! BADTRIP! 


BADTRIP pa! Talo UST sa UAAP 73, first game. Ugh. 

0 com

Finally

Kaya ko ng sabihin sa sarili ko, hindi sa ibang tao kundi sa sarili ko na aminado na ko, finally, nakamove-on nako saking perslab. Jusme. Hahahahaha!




Kahit makita ko sa harapan, makasalubong sa daan, madisgrasyang mateks la na ko pake. YESSS! YES LORD THANK YOU LORD!




Ngayon ko napatunayan, mamanmanan ko sana sha, gamit ang facebook account ng isang kaibigan. Wala nakong gana. Nung umpisa lang, nung sumagi sa isip ko ang idea. Ngayon? Waley na. Yieeheee!


Ayown, walang masulat. Maginaw. Goodnight! =))
0 com

Bigla na lang

Bigla na lang sumagi sa isip ko, ang sarap ng itlog na maalat at kamatis sa isang plato ng mainit init na kanin na may kasamang bagong lutong tinapa at umuusok na kape. *lunok lunok*






Kainis! Naglihi ako bigla. :DD Sarap diba. *lunok* Magrerequest ako kay Nanay bukas. Hihi!


Excess: Parang kelan lang, antagal ko palang di nagblog :)) Ngayon uli, sinipag ako. Saya ko kasi. :"> :"> :"> HAHAHAHAHA!