0 com

KAKABA-KABA :S

Bukas na pala ang distribution of grades. Ngayon ko lang napansin yung araw.
At sa totoo lang kinakabahan ako. Accounting! Huhu! :(

Ayun, kinakabahan lang.
Wasted post eeee :|




GOODLUCK EM! :S
0 com

Para kanino ka bumabangon?

Para kanino ka bumabangon? Naisip ko lang kanina, habang nanonood ng TV, naiwan sa isip ko yung tanong sa Nescafe.

Kailan lang, magkachat kami ng isa kong kaibigan. Naging topic namin 'to. Naitanong niya sa'kin ng maalala niya 'tong commercial. Ambilis ng sagot ko -- para sa sarili ko, yan ang sabi ko.
Kanina habang napanuod ko na naman yang commercial na yan, tumining sa utak ko. Paulit-ulit kong inisip. Para kanino nga ba?

Oo, ngayon sigurado na. Para sa sarili ko. Malaking porsyento ng pagbangon ko ay para sa sarili ko. Napaka self-centered mang pakinggan pero yun ang totoo. Bakit? San ba dapat magsimula? Ang lahat naman ng malaki ay sa maliit nagsimula, maliit na bagay na sisimulan ko sa sarili ko. Pag nagtagumpay ako saka ko tutulong, ano bang magagawa ko para sa iba sa ngayon? Wala pa. Wala pa naman kasing napapatunayan sa sarili ko. Love, care, understanding, patience yan lang ang kaya ko, sa ngayon. Pero di naman lahat ng tao kailangan yan galing saken.

Sabi pa sa commercial, pagtinulungan mo ang isang tao para mo na ding tinulungan ang buong bayan. Why not? Tutulong ako hanggang kaya ko. Walang masama. Walang mawawala. Kung ang pagod at hirap ang pagtulong sa iba, e ano? Di naman bumubukol yon. Hangga't kaya ko diba?

Sabi pa sa commercial, 'para di ka lang basta gumigising, bumabangon ka ng may dahilan'.
Ikaw, para kanino ka bumabangon?



Ano bang sense nentong post na 'to? Wala! Oo, wala. Trip ko lang. Ini-endorse ko lang yung kape :))
0 com

SUMISIGAW AKO! HAHAHAHAHAHA!

WHAHAHAHAHAHA! HELLO SEMBREAK. :)

O BLOG NAMISS KITA. MULI TAYO'Y MAGKAKASAMA NA.
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!


ACCOUNTING MAIPASA LAMANG KITA, AKO'Y MASAYA NA.
TRES AKO'Y KUNTENTO NA, WAG LAMANG KITANG MULING MAKITA.
LALO NA SI PERLA. HAHAHAHAHAHAHAHAHA!

AKO'Y MAGPAPAKASAYA DAHIL BUKAS AY HINDI NA BIBISITA EKSWELA.


HAHAHAHAHAHHAHAHA!
AY EWAN.


0 com

Ano ba si Doraemon?

Diba nasabi ko na na peborit ko si Doraemon? Kaya lang kahapon, habang kausap ang isang kaibigan, napaisip ako -- ano nga ba talagang klase ng hayop si Doraemon?


Ayon sa Wikipedia:

"Dora" is from "dora neko" (stray cat), and is a corruption of nora (stray). "Emon" is a component of male given names, such as Goemon, though no longer as popular as in the past "Dora" is not from dora meaning gong.

Wag nang pakaintindihin pa, basta sa PUSA daw diba.
Pero si Doraemon ay takot sa daga. Meron bang pusang takot sa daga? At meron din bang pusang may bulsa sa tiyan? :D

PANSININ! Hawig siya sa isang Penguin.



Hawig din sha sa isang Dolphin:


Pero pinakakatangian niya, sha ay may bulsa. Kaya hawig din sa isang Kangaroo:



KAYA I THEREFORE CONCLUDE THAT DORAEMON IS NOT A CAT! HINDI SHA PUSA!
ISA SHANG
PUPENGROOPIN!

HAHAHAHA! Oo,
PUPENGROOPIN. Sabi ko nung una Kangaroo sha. Napagtanto kong mali pala. TAMA! Sha ay isang PUPENGROOPIN (bigkasin: PU-PENG-ROO-PIN) [komposisyon: 1/4 pusa; 1/4 penguin; 1/4 kangaroo at 1/4 dolphin]

Npagtanto ko base sa mga litratong aking nakalap na si Doraemon ay isang PUPENGROOPIN.

Isang Pupengroopin si Doraemon na takot sa daga at mahilig sa Hopia. :))

Okay. Thank you. Bow. :D


Excess: Ngayon isa na lang ang katanungan sa isip ko. Ano ang mas malaki? Ang bulsa ni Doraemon o ang bag ni Dora? :D


0 com

Ang KAIBIGAN :))
















Malalaman mo kung totoo kapag:




























Kahit may boypren/gerlpren na sha, hindi sha nagbago. :D
Now, totoo ba ang mga kaibigan mo?
*palakpakan!* WHAHAHAHAHA! Sabaw na sabaw ako. Walang magawa. Potpot. :D
0 com

I love you. :)

Naaksidente ako! How cool is that huh?
Kanina, bumangga yung sinasakyan kong jeep sa isang truck.
Nice, naumpog lang ako.

Kanina, takot na takot ako. Akala ko mamamatay nako, then I prayed.
Sabi ko, 'Lord wag muna, di pako gumagradweyt oh! Di ko man lang ba mayayakap pamilya ko? Sasabihin ko pa sa kanilang mahal ko sila'

Okay, ligtas ako. Thank you po!
Ngayon, promise ko, sasabihin ko sa kanila kahit araw araw pa kung gano ko sila kamahal.
Ngayon mas naaappreciate ko ang buhay ko.
Isang kisap mata lang yung nangyari kanina, kawawa yung kasabay kong buntis.
Sana ligtas sha at yung baby niya.

Pagkauwi ko, nayakap ko si kuya. Naiyak ako. Nayakap ko si Nanay. Naiyak ako. Aftermath, masaya lang ako kasi makakasama ko pa sila. Yung outburst ng nararamdaman kong takot kanina, lumabas lahat nung nakita ko sila.

Ngayon di ko lang basta sasabihin, ipaparamdam ko kung gano ko kamahal lahat ng nasa paligid ko.
Kahit konting bagay mamahalin ko. Maikli lang ang buhay. Yan ang napatunayan ko ngayon.

Thank you po, sa pagprotect sakin. Sa pamilya at mga kaibigan ko. :)
Salamat po talaga. :)
0 com

Hey Jirah! Happy Birthday! :)

Jirah's birthday was last Sept. 15 pa thou she celebrated her birthday just yesterday.
Di ko na pahahabain pa, 'eto yung surprise ko sa kanya. :DD
Her one big crush in school. Martin. Manny. Wtvr. HAHA!!



Pasensha na, di ako magaling magedit. Madalian pa. Puyat pa! May hinihintay kasi akong texts tsk tsk. So yeah, surprise yan e, nasurprise kaya si Jai? Parang yung mga classmates lang namin at ako, ang kinilig e. HAHA!

Anyway, after the formal party ng debut niya e nagpool party kami. As in kami. Kami kami lang kase. Mga friends/classmates from Lyceum at 4 guys na friends at Ex ni Jai. HAHAHA! Sino nga ba yung "Ex" daw ni Jai dun. Anyway, masaya naman (I'm talking about the guys, they're not bastards thou, mukha lang lels. :3) Ayun, so Nagpool party na. Naglubluban na.

Naglubluban na. NANG! nagyakag maginom. Okay, wag na itanong.
The Bar at Matador. How's that huh?

So yeah, naubos na si The Bar, si Matador naman. Okay nagisip ng game, Truth or Dare daw, Spin the bottle. Nung una, I was like 'duhh! inisip ba yon? obviouly pag may inumang bagets ganun naman talaga' Hee :D Diba.

Angganda, nung una nasusunod yung rules. Truth and Dare - Yan ang rules ng game diba, basta sumunod. Nakaw! Sa umpisa lang, ang sumunod puro 'Shot and Body shot na'. Nako naman.

Salt? Yukk! Cheap huh, Icing ang pambody shot. Lels. :3
Anyways, may usapang walang lalabas ang anumang meron non.
So ako, eto, nagaupload ng pics sa facebook -- lahat lang ng pwede. Pwedeng ibulgar. HAHAHA! At lahat ng confidential dito kay dear blog.
At eto na yon.

Btw, si Onang at Lalaking nakawhite :DD
(malabo e, pero kita pa din naman si Babaeng nakagreen at Lalaking nakawhite)

Title: Ang cute niya kasi e ;)




HAHAHAHAHA! Puro tili. :D

Ang mga confidential pics. Ayaw magupload! Grr!
Click mo na lang 'to. --> CONFIDENTIAL PICS. Oha oha! Yan na! :))














0 com

Wala! Walang title.

Si Blessie Mae, kaibigan ko. Uhh, parang isa sa bestfriend ngayon college. NAGTATAMPO!
WHAHAHAHA! Nagtatampo saken, wala lang. Natatawa lang ako.
Sinasadya ko naman talaga di magparamdam sa kanya. Naiinis kasi ako.
Wala shang bukambibig kundi yung lalake niya. Boyfriend nya. Potpot.
Naririndi ako e. Puro katalandian ba naman.
Anyways, wala akong balak ikwento kung bat naging talandi sha.
Gusto ko lang di makalimutan 'tong mga ganitong panahon na nagtatampo sha.
HAHAHAHA! Nagvoice out sha sakin na nagtatampo sha. Countless times, in person man o sa text. Kahit sa chat. Di ko na pinalagpas yung chat. WHAHAHAHAHA!


Ayan, sha si Blessie Mae, yung katabi niya yung boypren niya. Okay?
Wala lang. Bitter daw ako sa kanya kasi di ko daw sha pinagpapapansin. Kasi nakakainis.
Basta. Parang gento, isa sa mga nakakainis. -- Tinitipid niya yung sarili niya, sa pagkain, sa luho tas pagdating dyan sa boypren nyang yan lumalabas ang pera niya. Imagine ginastusan niyang maigi yung regalo niya para dyan nung nagbirthday yang lalaking yan. Nakakainis. Antanga-tanga niya e iniwan na sha nyan once. Diba?! Bastard. Anyways, di ko naman sinasabi sa kanya yan - na naiinis ako. Kasi masasaktan din sha alam ko, kaya nga iniiwasan ko na lang muna sha para di ko sha masaktan. Baka kasi makapagsalita ako sa kanya.

Magbibirthday na yang si Blessie Mae, isusurprise ko na lang sha sa birthday niya noh? Pupunta ko tas regalo. :D Parang peace offering kahit di kami nag-away. Kahit andun yung boypren niya. E ano. Basta sasabihan ko na lang sa sha pag okay na kami uli na pag magkasama kami wag na lang muna niyang babanggitin yung boypren niya noh? Hihi.

Ayun! Thanks Lord sa accounting. Pasado! :DD


0 com

Breathe.

September. Yea, start na ng 'ber' months. At tapos na ang midterms namin, time to breathe. As in breeeathe. Andami kong plans, andami din kasing invitations. Go naman ako. :)

BUT, kinakabahan ako. Sa results ng mga exams. No, ng exam lang pala.
Isang exam lang -- Fundamentals of Accounting lang.
E may misyon pa naman ako, to get much higher grades this sem.
To never get a grade of 5.0, to forget 3.0, to get rid of 2.75, to stop getting 2.5, to get not just 2.25, to go beyond 2.0, to aim more than 1.5 and to get 1.0, and now I called this mission - Mission Impossible. Hahahaha. Kagago noh? Isang subj. lang, confident ako sa ibang subjects. Sa accounting lang talaga. Know what? WALANG KWENTA ANG PROF. KO. Swear.
Hindi ko sasabihin ang ganyan kung magaling sha at kung ako lang ang nagrereklamo, kaso the whole class's complaining, pati ibang section na yun din ang Prof. Kainis! The fcuk, i mean fact na pinagmalaki niya pa nung first day ng klase na CPA sha. My ass. :/

Ngayon gusto kong isigaw sa kanya ' So what kung CPA ka?! E dapat maging TEACHER ka!' Grr.

Anyways, wala na kong magagawa. Sabi nga count the blessings. Atleast ngayon, tas ng midterms. Isang tinik na lang. Finals. Kaya ko 'to. Kaya namin 'to.

September, way back 5years ago. September inoperahan si Nanay. Tinanggal yung right breast niya, yeaapp. Tinanggal. As in. Tinanggal ng buo. Why? Breast Cancer. No, hindi pa pala - pero dun din ang punta. Suspicious malignancy. She survived that, see? Pamilya kami ng mga matatapang na babae. Fighter. Sumpa ba yon o pagpapala? Haha.

September, hmm. Nagsisimula ng mag-amoy pasko ang hangin. :)
Let's breathe. Breathe easy and see things positively.


0 com

Baby we can make it if we're heart to heart. :)

Magstart ng hell week namin. Midterms. Oyeah. Magsusunog ng kilay na ako simula bukas.
So, nagexplore muna ako today sa malawak na mundo ng internet malamang. Di ako lumabas ng bahay. :)) Sa pageexplore ko, natalisod ako sa dalawang 'to, luma na pero cute. Natalisod naman nila ang pagiging hopeless romantic ko. :">




Let 'em say we're cray,
I don't care 'bout that
Put your hand in my hand baby, don't ever look back :)

Let the world around us,
just fall apart, baby we can make it if we're heart to heart :)


-


and if this world runs out of lovers
we'll still have each other
nothing's gonna stop us now :)


Awwwwww. Sweet noh? :)
at ngayon ko lang napansin, ang cute ni Simon. Hahaha.


Sa midterm exams, paghahandaan kita. Lyceans and LaSallians Gambatte! :)
0 com

Sweet trivia. :)

Sweet trivia para sa mga hopeless romantic na katulad ko. Natalisod ko sa Youtube at boom! Natuwa lang ang mababaw na ako. Simple lang to. Try mo. ;)





Hee :D
2 com

The Expendables

The Expendables - hindi ko alam ang meaning ng expendables, di ko din ginugel at wala akong planong isearch yan. Tinatamad ako. Thank youu.

Expendables for me? -- ASTIG. BITIN. Ayan, astig sha. Kaso bitin ako. Okay. Proof?
Here:

Kung kilala mo si Jason Statham, pakisabi I love him. :)
Kung di mo sha kilala, kilalanin mo. Pero akin na sha. Thank you.

Okay, nanood lang ako ng movie with this particular brokenhearted girl. Karole Dayne. :)

Okay, di sha halatang brokenhearted noh? But believe me, she is. :DD

Btw, eto si Papa Jason ko. <3

Sweet namin noh? :">
One more :))
Yieee :"> HAHAHA!

Karole Dayne at ako :))



Twice? Thrice? or once lang 'ata kami magkita, still, our friendship remains. :)
Hindi kasi sha nakakalimot magteks, o ako. O magmsg. basta gets mo?
Anyway, dapat may talking-bonding yung date namin, kaso late na din kami nagkita nawala na yung 'talking' part. Di bale, yung date namin Part II e dun na siguro yung talking part. :D

Basta. Nauubusan ako ng words, andami ko kasing naaalala. Tsk. ;)


AAAAAAAAAAAAAT! Ang babaing si Karole e brokenhearted - pero kanya na daw si Jet Li. Period.
Ciao!
2 com

Wala lang


NAGTATAMPO LANG NAMAN AKO E :(
Ano namang magagawa ng pagtatampo ko diba?
Nakakainis lang, nayayamot ako.

Kasi namimiss ko na sila.
Pero sa kanila, wala lang.

Busy sila e. Fine.
Mahirap magteks. Kahit isa.
Mahirap magpost sa fb.
Mahirap magmsg. Okay.

:(


0 com

It's













































































































Friday the 13th! Wala lang, HAHAHAHAHAHA.
Makapang-gagong post lang. :))

0 com

Nako!

Nako! Nako! Nako!
Nako naiisip ko pa lang nauumay nako. >:)

Paghindi na nagparamdam ang isang tao sa internet world, isipin mo naman na may totoong mundong ginagalawan yung tao. Hindi lang sa mundo ng cyberworld naikot ang mundo niya, may totoong mundo din. Totoong taong nakakausap, nahahawakang kamay, nadidinig na boses at nayayakap na katawan.

May kaibigan sha sa totoong mundo, hindi kagaya mong nagtatago sa likod ng computer mo. Okay.
Hinga. Hinga. Hingang malalim, naiinis ako hahahaha.

Nako sa mga taong naaalala ka lang pag may kailangan sila sayo. Nako talaga. 8|

Nako sa mga taong namimiss ka daw. Mahal ka daw. P*ta, lahat naman ng ginagawa kabaligtaran ng sinasabi. Tsk.

Nako talaga naman. :))

Pero nakakatawang 'nako' din naman talaga 'tong lola ko e.
Nanay at Lola ko nag-uusap, ako naghuhugas ng pinggan.

Lola: Panu kaya kung 'tong si Em-Em e makapag-asawa, panu kung sa abroad mapatira o porener ang mapapangasawa. Panu na lang tayo? Edi tayo na lang nila Peping (tatay ko) dito.

Nanay: E wala tayong magagawa kung yun ang kapalaran ng anak ko e. Kung san sila mapapaige.

Lola: Oo nga, kaso kakapanglaw naman.

Ako(sumabat): Lola matagal pa yon. :D

Nanay: Asawa kayo ng asawa e wala pa ngang boypreng maiuwi yan.

Ako: :O :O :O WHAHAHAHAHAHA

Nako 'tong pamilya namen. :)) :)) Nako 'tong Lola ko. :))





0 com

Gubat Maitim

Alam mo ba ang Gubat Maitim? Ito ay isang Sitio sa Amadeo Cavite.
Kakilakilabot na lugar pakinggan, pero medyo lang naman. Hahaha. No, hindi naman pala gaano. Basta.

Napadpad ako sa Gubat Maitim nitong nakaraang araw lang. Bakit?
Dahil birthday ng isang kaibigan, debut nya at sa kasamaang palad imbitado ako. At dun sila nakatira.
Hahaha. Anyways, masaya naman ang party, imperness nakadress ako kahit yukk talaga.
2nd day pa ng aking red flag. Okay, Saturday yon, 4PM pa ang out sa klase.
Ang unang plano, after class sabay sabay kaming pupunta kina Kimchie (ang debutante), sasabay ako sa kanila kasi ngayong sem ko lang naman naging klasmeyt si Kimchie, pero nagclick agad so okay, invited ako. Hindi ko alam ang papunta sa bahay nila at hindi ko din alam ang papunta sa location ng party. Wala, wasak ang unang plano, 4PM ang unang usapan, nagcutting na kami -- 1PM umalis na kami. Nice, Accounting subj. pa ang pinagcuttingan namin, 6units lang naman. Sarap ibagsak.

Okay, moving on, on the way na kami papuntang Amadeo, bale from General Trias - Amadeo ang byahe, malapit lang kung tutuusin kaso di ko gamay yung lugar.
Sumakay kami sa bus, ordinary bus, how nice, antigas ng buhok namin pagbaba. Mga trip nga naman.
Sa highway, bumaba kami sa 'Buho' isang lugar sa highway. Basta Cavite malamang.
Sumakay kami ng trike, amaze na amaze ako sa dinadaanan namin.
Ang ganda kasi, probinshang probinsha, malamig ang hangin kahit tanghaling tapat halos.
Lubak lubak nga lang ang daan, backride ako ng trike, sakit sa pwet haha.

Ang dinaanan namin, puro kape at pinya ang paligid. Presko ang hangin.
Pagbaba namin, sabi ko sa isang classmate ko 'anung tawag dito sa lugar nato?' sagot niya 'gubat maitim na, dito na tayo kina chie' i was like :O, anu nga uli?!

Okay, nagpalipas kami ng oras sa isang kwarto sa bahay nila kimchie, naglandian dahil 7PM pa naman ang start ng party. Hanggang sa dumating ang oras na kailangan na naming mag-ayos, may nagsalita, 'magsashower muna ko' sumagot ako, 'join ako jan, saka magpapalit nako e, baka magoverload ang ketchup' -- pumunta kaming banyo -- WALANG TUBEEEEEEEG!

P*ta. Panu ko magpapalit ng napkin at maghuhugas? Panu ko magtutooth brush? Panu ako? Panu kamee? Apat kaming redtide. Oha. Regla :)) Hahahahaha.
Natataranta si Irine, ang kasabay kong pumunta ng banyo hanggang sa may isang hulog ng langit na dumating at kinulbit kami sa balikat, 'Miss etong tubig, pag-iigib ko pa kayo' :) OMG si kuya! kakainlab na sana hipon lang ichura. HAHAHAHAHA. SALAMAT sa tubig kuya! :)

Sa party, waw bongga. Asa 18gifts ako belong kaya ayun, mejo easy easy lang. :D
Okay, bagot talaga ako sa ganung formal party, plus nakadress pako kaya di ako sanay.
Mas gusto ko yung mga wild party, maingay, magulo, masaya, hanggang sa may kumulbit na naman sa likod ko 'Miss, pinapaigay po nung nakawhite' sabay abot ng rose. 'Ah eh, thank you' yan lang ang nasabi ko. Nakakatawa pero ayokong makipagkilala, nagbingibingihan ako, tas binigay ko yung rose kay Jirah, sha yung katabi ko sa table na nakawhite dress -- sabi ko 'Jai bigay sayo nung lalaki oh' ewangko pero parang kinilig si Jai, natawa na lang ako. Kunyari ang pagkakarinig ko 'Miss pakibigay dun sa nakaputi' Whahahahaha.

Eto na, sa wakas natapos na ang formal party. Natapos na dahil naguwian na ang matatandang bisita, puro bagets ang natira, biglang naging disco ang ichura ng biglang may nagpahid ng icing ng cake sa mukha ko! Gantihan na! Habulan, kahit di magkakakilala, tawanan, sayawan, yeeeesh! Saya! Super enjoy na ko, nawala yung boredom ko, pagcheck ko ng oras 1AM na, ng may nagbuhos ng tubig! Hahahaha. Saya talaga, basaan, punasan ng icing. Super enjoy.

Antigas ng mga buhok namin, ng maalala ko ' WALANG TUBIG KINA KIMCHIE! ' 6AM pa daw magkakatubig. :O :O :O
Tawa pa din. Pero nung nakauwi na kami sa bahay nila, nangangati na ko, gusto ko ng maglinis ng katawan, buti na lang kahit madaling araw na nagigib si kuya. Hihi. :))

Bonding to the max na paguwi, kahit mga di kilala.
Pero nung asa bahay na, umidlip ako, ayoko kasing makipagkwentuhan sa iba, lalo na dun sa mga lalaki, andun kasi yung nagbigay ng rose. Hiya naman ako. Hahahaha.


Anyways, ang Gubat Maitim na kinashock ko ang pangalan ng Sitio ay nagkaron din naman ng magagandang experience. Nakakatuwang magovernight dun pero di nako uulet. 6am to 8am lang ba naman may tubig. :DD Tenggks talaga kay kuya na nagbibigay ng tubig. :D

Anyways by the way hey :))
Iisipin mo bang walang tubig kung ganito kagaganda ang makikita mo? :DD
Ehe, yung unang shot maganda, official photographer kasi ni Kimchaii ang kumuha. :))


Ang debutante :D Si Kimchie, nagtransform sa pagiging dalaga. :D


Sa mga ganitong okasyon mo mararamdaman ang feeling na masarap ang may boyprengg e, minsan parang gusto kong mangharbat ng lalaki bigla. :)) Si Kimchie at Dom. <3



HAHAHAHAHA! Happy 18 birthday Kimchie. :)) Labyo. :D <3
0 com

Red days =))

Bakit?! Napakalaking BAKIT para sa akin ang REGLA. Pero ngayon alam ko na.Oo.
Bakit nireregla ang babae. Madaming maarte, nag-iinarte at nagaarti-artihan pag nakakarinig ang term na REGLA. E anong itatawag ko sa dugong yan? Ketchup? Tomato Sauce? Aysows.

May lalakeng pagnakarinig ng 'regla' nandidiri. Okay, mapapalagpas ko pa.
Pero pag may babaeng, pag nakarinig ng 'regla' nandidiri den?! Pota. Nakakapaginit ng ulo.
Di ka nireregla te? Menopause? Eh? Eh?

Natatawa lang ako. Sa tagalog REGLA naman talaga diba? Pagsimpleng babae, 'meron' daw sha. Pagnagiinarts - mens. Mens?! Plural ng Man? Ohh mensss!. Whahahahaha. Tengene, Men pala.
Wala lang, makapang-gago lang. Masaya nako, meron ako e. Simple lang ako. Chos. May regla ko, at mimya konti iinom ang ng malamig na malamig na beer. Para lumakas at lumabas ang lahat ng aking mens. Whahahahaha. =)) =)) =))


0 com

Si Doraemon.

Si Doraemon at hindi si Spongebob o Patrick ang pangarap kong kaibigan.
Mabait silang tatlo, kyut at masayahin. Mga loyal na kaibigan. Pero at napakalaking PERO, boplaks si Patrick at Spongebob. Aminin mo, totoo.


Si Doraemon maaasahan, may isip na nagiisip at bulsang unique.
Sinasaway niya si Nobita pagsobra na. Kinukunsinti kung pwede pa.


Gusto ko ng Doraemon na friend.
Magpapakabait ako. Mag-aaral akong mabuti. Magiging mabuting mamamayan ako. Lord penge ng Doraemon na friend ha. Thank you! :)

Excess: Ang entry na ito ay hindi talaga tungkol sa prends. Ipagmamayabang ko lang ang grades ko sa Prelims. MATATAAS! Whahahahaha. Bow. Bawal ang epal. Thank you.
Midterms weyt por me :DD



0 com

Habang nagkakape :)

Habang nagkakape ako ngayong maulan na araw, namiss ko ang aking sikretong taguan kong maituturing. Sikreto pa din to basta di mababasa ng pamilya ko :))

Wala nga lang akong maisulat.
Magrereminisce na naman ako? :))

Birthday ko nung July 20, Happy Birthday saken! Hahaha, pero July 18 ako nagcelebrate.
Okay, sabi ng tito ko para daw akong si PGMA, kasi hilig daw ni PGMA na magadjust ng mga dates. Okay, a week before ang birthday ko, super maingat ako. Kung pwedeng di ako magpagabi di talaga, umuuwi ako ng maaga. Saka a week after ng birthday ko super napakamaingat ko din. Lapitin daw kasi ng disgrasya ang magbibirthday at ang mga araw ng nagbirthday. Ayoko pa madeads noh, ngayon pa!? Certified na di nako minor :)) Mag-aasawa pa ko HAHAHAHAHA!

Okay, ang sabi ko walang bonggang handaan ang mangyayari sa aking debut.
Hindi naman bongga ang nangyari, mejo lang. Di ko akalaing ganun kadami yung handa. >.<
Pero okay, so far, sa lahat naman ng inimbitahan ko siguro mga lima lang yung hindi nakadating.
Ayoko ng tanungin kung bat di sila nakadating basta okay lang. Masaya ko. Period.

July 18, maganda ang panahon ng umaga, tirik na tirik ang araw. Maganda lahat ng ngiti ng gumising ako. Kinantahan agad ako ng tatay ko. Sabi ko di ko pa naman birthday e. :D tuloy tuloy pa din sha. Okay. Trip ni tatay lakas. :))

Around 2pm. Biglang nagdilim. As in bigla. Alam mo yung ang ganda ganda ng panahon biglang dumilim, sinabayan na ng kulog at kidlat maya maya bumuhos na ang ulan. Hindi ambon. Hindi ulambon. Ulan.
Okay lang, masaya pa din ako. Nakangiti pa den, pero kinakabahan nako. Hindi ko alam kung may dadating. Mga 3pm, wala pa ding bisita. Puro kamag-anak ko lang. Parang gusto ko ng magkulong sa kwarto at umiyak. Hahahaha. Hanggang sa mag po-4pm na, unti unti ng dumating ang mga bisita ko. Unang dumating yung ibang classmates ko ng elem. Ansaya. Namiss ko sila. :)

Nagsunod-sunod ang dating ng bisita. Sumunod na dumating yung mga recent friends and classmates ko, tas yung unang university na pinasukan ko. Ansaya. Dumating din yung isa kong friend na nakilala ko sa forum. Nakakatuwa. Nakakatouch. Nakakaiyak. Nakakaoverwhelmed. Kasi akala ko talaga wala ng dadating. Hindi ko lang masabi sa nanay ko na wag na ituloy iluto yung ibang handa. Kasi baka walang pumunta. Hanggang sa naguwian na yung iba kong bisita. Huling dumating yung mga friends ko nung highschool, nakakatuwa. Kahit late na, kahit galing pa silang malayo, kahit umuulan. Pumunta sila. Masaya ko. Sobra.

Yung mga nagpunta nung 18, sobrang salamat. Di man nila mabasa to, atleast mababasa ko pagtanda ko. :)) Salamat sa effort, kahit umuulan, kahit hindi ko sila mashadong naentertain gawa ng nagsabay sabay ang dating sobrang nagpapasalamat ako. Sabi nga ng nanay ko sinubukan lang daw ang friendship namin, kaya nagbigay ng ulan. Blessing daw yon sabi ng iba. Wala nakong pakialam, subok na subok ang friendship, ulanin o hindi nagpunta sila. :) Sa mismong araw ng birthday ko di ko na inasahan na mag babati pa sakin. Pero hindi, bumaha ang greetings. Umagang umaga pinaiyak ako ni kuya, nagtext lang sha Happy birthday, love you :) Grabe iniyak ko. tas ginatungan pa ng tatay ko. Ayun kanda iyak ako. Alam ko naiiyak na din si nanay, pinipigil niya lang. Masaya ko dahil sila ang pamilya ko. Dahil sila ang mga friends ko. Ang swerte ko. Alam ko :)


Madami pang nangyari, pagkatapos ng birthday ko Prelims week namin. Masaya ko the whole week, kahit hell week yon. Nag-aral ako sa iba, nagopya ko sa iba pero masaya pa din ako. Salamat talaga.
Ngayon nakaraos ng Prelims, birthday naman ng nagiisa kong pamangkin. Ngayon ako nalulungkot, pero sabi nga nila wala naman daw term na 'malungkot' baka lang daw mas masaya ako kahapon kesa ngayon. Hmm. May point. Okay, birthday ng nagiisa kong pamangkin, wala ako sa tabi niya, ni hindi ko sha mahalikan at mayakap. Mababaw lang kaligayahan ko, pero ganyan wala sila dito ng ate ko e wala na kong magagawa. Malayo sila samen. Pero dahil sa nakikita ko na andun ang magandang opportunity para sa kanila, nakikita kong masaya ang pamangkin ko, okay nako. Masaya nako.

Nigam just turned 3 today. :)
Happy birthday young man! Tita misses you a whole lot, I love you so. :*
Take good care always. We'll see ech other soon. :) >:D<

Thanks bro! for everything. :) For giving me such caring and loving family, kind and true friends. Kitams! Isa na lang kulang bro! Whahahaha. Isa na lang. :) <3 <3 <3
1 com

Kaba. Saya. Sabik. Weirdo.

Hindi ko alam san ako mag-uumpisa. Ansakit ng ulo. :& :/
Pero andaming natakbo sa utak ko. Naiipon ang mga plano ko. Ambilis ng araw. Nauubos naman ang pera ko. Andami kong gastos. Andami kong lakad. Wala nakong pera-malapit na prelims-andaming inaayos para sa bday feeling. :/

Kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung papalpak mga plano ko. Optimistic naman ako kaso pag ganitong nagsasabaysabay di ko alam iisipin ko. Kinakabahan tuloy ako.
Ansaya ko kasi makikita ko na uli yung mga friends ko nung elem. As in tagal ko na silang di nakikita, kaya pandagdag pa sa kaba yon. Pano kung di pala sila makakadating? :/
Sabik? lol sa term. Excited kasi ako na frustrated? Ewan. Di ko na alam mararamdaman at iisipin ko. >.<

Worried din ako. Sa isang close friend. Depression kills. E yun sha ngayon, gusto ko shang tulungan. Di ko alam kung pano. So date kami, sa monday. Sana maging okay lahat, sana makatulong ako. :3 Lord, give her peace of mind. Kahit yun lang para marelax sha. Though pagod ang katawan niya hindi po sana ganun ang isip niya. Peace of mind lang. Tingin ko talaga yun ang kailangan nya, marerelax na sha after that. Fighter yun kahit patpatin. I know so. :)

Namimiss ko na pamangkin ko. Sagad hanggang lungs. Minsan naiiyak ako. Babaliw na ata ko. :)) Ganitong mga panahon yon, nung pinakanagbonding kami. July. Tas umalis sila ng July 19, kinabukasan bday ko. Walang rason para magcelebrate. :)) Ngayon, magsecelebrate ako kahit papano. Madami dami din akong inimbita. Hindi naman bongga pero gusto ko magsaya. :) Magbibirthday na din si Nigamm ang pamangkin ko this 25. Wala ako sa tabi niya, ni hindi ko sha mayayakap. Nalulungkot ako.Pero go pa din. :))

Nakooo. Wala lang akong magawa e. Dami kong sentiments sa katawan. Kailangan maglabas. Napakagulo ng walang kwentang enrty na to.

Anyway, let's go! FIGHTING! Hahahaha! :))
Go! Fight! Win! lol. KC peram ng line. >:)
1 com

Boyfriend Requirement List :))

Sabi nila first love never dies. Ang first love ko namatay na. Kamamatay lang. :))
Akala ko di ko makakalimutan yon, hindi nga. Hindi pansamantala. Antagal kong dinaga, madinig ko lang pangalan nya. Ugh na. Hahahaha. Bummer.

He's a flirt and I sucked. lol. :3 I was livid, everyday nadadagdagan ang inis ko. Inis ko sa sarili ko kasi ang tagal kong magmove-on. Nageexpect kasi ako. Pfft. Akala ko maaabot ng technology ang telepathy, kaso hindi. Then one day, nakipagdate ako with a lady friend, sa meeting place namin, I saw her right away, she was glowing and I missed glowing like that. Parang nabagok ako, nagkaamnesia then suddenly nabagok uli bumalik lahat sa akin. Nagising ako sa katotohanan, ang tanga ko. Hahahaha. Nakakatawa, kasi parang naghanap lang ako ng batong ipupukpok ko sa ulo ko. Araw araw nagiisip sa wala. Gaga. :))

I had been enlightened. Narealize kong mashado kong binibigyang pansin yung mga wala na. Lagi ko pang tinitignan kung ano yung tingin ng iba sakin, kung anong nararamdaman nila, nakakalimutan ko na sarili ko. Siguro dahil lumaki ako sa pamilyang sensitibo sa iba. Parati kong hinuhuli sa listahan ang sarili ko, minsan pala dapat maging selfish din, dang dami kasing abusado. :/

Pero kalakaran daw yon ng buhay. Minsan gusto ko na talagang maniwala na mabait ako, hahahaha! Kakabit daw kasi ng mabait ang tanga. E katanga ko. Bait ko siguro? :))))))

Ang simple simple, it took one flirt jerk who wanted something for me to make me realize what I had been doing wrong. I realized what I missed in is what my Nanay said, 'dapat masaya ka hindi yung napipilitan ka lang maging masaya'.

Ayoko na ng ako ng ako na lang ang magbibigay, ako na lang parati yung bibigyan ng excuse, ako na lang magaadjust parati sa friends o sa boyfriend man. I knew in time, someone would come along. In the right time. But for now, I would never fall in love, get attached, have a crush on someone who would hurt me, make me feel bad or make me doubt myself. Dahil alam ko na kung anong gusto ko.

I, Em, 18 this coming July 20 and going to be a successful businesswoman in the future, deserves a good man, that's why I would never ever take crap from any one ever again no matter how lonely I get.

My Next Boyfriend Requirement Updated List
(Non-Negotiable)

1. He must be crazy about me.
2. He must have an ambition (and doing something to get it).
3. He must never too busy to send me a simple text message.
4. He should never be the oh-iloveyou-iloveyou-ilove
you type of a guy in the hell world (i mean, i don't need too much words okay?)
5. He must love me (of course!)
6. He must be faithful (or at least, not have a history of fooling around)
7. He must be caring and understanding. :)
8. He must be nice to my friends.
9. He must respect me, my friends and my family.
10. He must take me seriously.
11. He must accept me for everything I am.
12. He must love Firehouse and WWE (or atleast, not find it boring).
13. He must be cute.
14: Show some effort. Effort that you care, stuffs like that. ;)

Signed,
Em. HAHAHAHAHAHA
!



1 com

Maskara

Mahirap magtago sa isang maskara, lalo na kung yung maskarang ginagamit mo e iisa.
Isa lang tas lagi pang nakatawa. Nakatawang personality, nakatawang pagkatao pero sa totoo lang di naman pala. Genyan ata ako, laging nakatawa, laging nagpapatawa. Minsan iniisip ko na nga kung masokista ata ko. Hahahaha. Dee joke lang. :))

Bakit? Bakit ko nasabing genyan ako?
Lagi akong nakatawa at nagpapatawa sa harap ng iba. Bakit? Kase yun yung the best na gawin.
Di ko naman feel maginarte sa harap nila. Kase problemado na sila, dadagdag pa ko. Ako ang clown, at ang make-up ang aking mask. Make-up na nakasmile, make-up ang aking maskara.

Sa likod ng maskara ko ay seryosong pagkatao na minsan lang lumabas. Iyaking babae sa loob ng kwarto pag punong puno na isip ko. Hindi ako naghahanap ng atenshon ng iba, minsan nga ayoko na ng atensyong binibigay nila, isang tao lang ang solve nako. Madalas nakikita ko yung taong yon sa parents ko, minsan sa piling mga kaibigan, minsan sa prof. :)) minsan kahit sa taong di ko kilala.

Minsan naisip ko na mas masarap pa magopen-up sa taong di mo kilala. Kase pwede kang magbago ng maskara, hindi ka nila kilala bilang si "palatawa" kase ang ipapakita mo pwedeng si "paiba-iba". Pag di mo kilala hindi ka obligadong pasayahin sila, walang problema, walang pagpapanggap na naganap.

Eto ko, ang seryosong pagkatao ko, lumabas ngayon dahil sa araw ko wala pang mashadong nangyaring positibo. Bihira kong tanggalin ang make-up/maskara ko, mahirap kasi magpakita ng biglaang pagbabago, tama na siguro yung gento. :)

Excess:
Anyway, wala namang mangyayari kung papakadown ako. Hahahaha. Naginarte lang. Woot July na bukas. :))

Congrats pala kay P-Noy at V-Nay. lol. :)) Cheers! God Bless the Philippines :)
0 com

sa isang kisapmata.

Ambilis talaga mangyari ng mga bagay bagay. Kanina lang tawa ko ng tawa ngayon naman worried na worried nako. Sa loob lang ng halos 1minuto -- napaparanoid nako. Andaming sabay sabay na nagsasalimbayan sa utak ko.

Report sa Economics bukas, mga dapat iprepare sa July, namimiss na pamangkin, at nag-aalalang feeling. Ayoko ng ganitong feeling sa lahat. :S Yung kaba ko napupunta sa takot.

Si kuya kasi. Epal. :/
Umalis dinala yung baril e nakainom na. Caliber 45. Licensed naman kaso shempre nagaalala ko.
Sinabihan ko na sha "Kuya, gun ban pa din ngayon" ang sagot nya lang "tapos na" sabi ko, hindi pa, gawa ng hindi pa hanggang June 30 para sa panunumpa ni P-noy. "Hindee" at tawa lang ang sinagot nya sakin at alam ko, base dun sa kilos nya lasing na sha. :/

Lord, ingatan niyo po si kuya, at gabayan sa lahat ng gagawin nya, ngayon at kahit kailan. Amen.
Thanks Bro. :)

Hindi ako nagger sa kapatid ko. Pero maingay ako pagdating sa pagpapa-alala sa kanya na umuwi na lalo na pag late na. Close kami ni kuya. Proud ako sa kanya, pero sa ganitong pagkakataon naiinis ako. Natatakot kasi ako e. May phobia nako dahil sa aksidente nya last 2003. :(

Hindi ako nahihiyang sabihin ang I Love You Kuya sa harap nya, lagi kong sinasabing magiingat sha.
Hindi ako nahihiya kahit milya milya ang layo ng agawat namen. Oo, 13 yrs ang tanda nya sakin, pero never yung naging hassle para di kami maging close. Kahit sa parents ko, o kay lola, o sa kahit kanino, na sabihing mahal ko sila, lalo na sa kay tatay, nanay at lola.

Madami akong nakikilala at kilala na nahihiya silang i-voice out ang mga nanay nila, or mga tatay nila, or sabihin ng harapan sa mga parents nila or kapatid nila na mahal nila tong mga taong to.
Kasama ng pag-aalaga sa mga taong mahal ko, lagi kong sinasabi sa kanilang mahal ko sila, sabi nila words are not enough, yes, it's not enough, pero inaalagaan ko sila habang sinasabing mahal ko sila.

Ayokong mangyari sakin yung kapag wala na yung mga taong mahal ko at mga espesyal sakin saka ko lang sasabhin sa kanilang mahal ko sila. Saka ako magngangawa kapag ililibing na sila. Yes, hindi ako OA, nagsasabi langa ako ng totoo. Hindi din ako nagiging 'nega' sinasabi ko lang ang posibleng mangyari, o kahit di na sila ang mawala, kahit ako na lang, wala namang nakakapagsabi ng buhay, madaming nangyayari sa isang kisapmata lang. Alam ko, kung may mawawala saking mahal ko (thou wag naman sana), iiyak lang ako sa isang dahilan, mamimiss ko siya/sila. Pero wala akong pinagsisisihan, kase alam ko sa sarili ko habang buhay 'tong taong to pinakita at ipinadama ko sa kanya na mahal ko sha, importante sha sakin, espesyal sha sa buhay ko.
I'm still learning about life. Madaming dahilan para mabuhay.
Madaming dahilan para hindi mabugnot at mainip sa buhay. Appreciate life, appreciate people, appreciate even problems kase for me walan namang term na 'problem' pero merong 'concerns', problems are just crap concerns and this concerns will make you strong. Be part of this so called 'concerns' and you will know how to handle it and find answers to your so called 'problems'. :)

Madaming nangyayari sa isang kisapmata, tandaan mo lagi sana.
0 com

12 days. Etcetera etcetera.

Labing dalawang araw ng mabilis na kalakaran ng buhay. Lalim pukanenang yan.
Napakaraming nangyari, kahit ako di ko mapaniwalaang nalagpasan ko lahat yon potpot.

June 9, kumusta nagbablog pako.

June 10, maghapon akong wala sa bahay.

June 11 (Fri) - around 5AM, nagring ang fone ni nanay. Tumawag pinsan ko si lola dadalin daw ng hospital!
Naligo nako, while nagbibihis sinabihan ako ni nanay "magdala ka na ng extrang damit, baka mapaconfine lola mo bantay ka muna ha". Walang pagdadalawang isip akong nagempake ng dadaling damit. First time ko kung sakali.

Same day, nandun na kami sa bahay ni lola -- nanghihina na sha. Tinanong kong mga pinsan ko kung anung nangyari at sinabi nila "Maghapon kahapon na wala sa mood si lola, naghiga lang maghapon, tas kagabi nilagnat sha, nagLBM tas nagsusuka pa" *worried.

Tumawag sila nanay ng ambulansha. After 1hr and 45mins wala pa din si ambulansha, naguumpisa ng uminit ang ulo ng nanay at mga tita ko. :| Nagpasya ng isakay na sa sasakyan ng isa kong pinsan si lola ng dumating ang ambulansha. Bullsh*t. Itinakbo sa ospital si lola at napaconfine nga sha. Okay bantay ako.

June 12 (Sat) - dumating ang halos buong pamilya para dalawin si lola, inakala kong makakauwi nako at papalitan na nila kami ng isang pinsan ko sa pagbabantay -- pero hindi. Nung hatinggabi nilagnat pang maigi si lola -- hindi man lang makaidlip si em kahit saglit :( pero okay lang.

June 13 (Sun) - 2nd official night sa ospital. Scheduled date na sasalinan ng dugo si lola -- around 8pm, nagpipilit si lolang tumayo at magbanyo. Sinabihan na namin sha na sa pampers na lang magwiwi at lilinisan na lang namin. Ayaw niya, nagpilit - kumuha ako ng wheelchair para hindi na sha maglakad at baka mahilo pa sha. Pagkaupo namin sa kanya sa wheelchair, habang inaayos ko yung dextrose nya bigla na lang shang nanigas, nanginig at tumirik ang mata nya pasandal sakin. Natakot ako. Pero mabilis naman ang responses ko "Cousin, tumawag ka ng nurse dali!" nasabi ko sa pinsan ko at mabilis naman shang tumawag. Split seconds lang halos -- bumagsak lalo ang hemoglobin ni lola kaya parang inatake sha. :/

Natatakot nako. Nangmahimasmasan sha, inihiga na namin sha uli sa kama. Nilalagnat na sha. Mataas. Inasikaso naman kami ng mga nurse at ng doctor. Nung nakita ko shang nakatulog na at bumaba ng konti ung lagnat nya, saka pa lang ako parang nakahinga.

Ganun pala yung feeling, yung feeling na sinasabi nilang tumigil sa pag-ikot nang mundo mo. Yung feeling na naunang pang hindi huminga yung puso mo. Mahirap. Nakakaiyak. Nung nakatitig ako kay lola habang tulog sha saka lumabas yung luha ko, grabe ata iniyak ko nung gabing yon.

Around 11PM, same day -- sinalinan na ng isang bag na dugo si lola, thanks lord hindi na sha nilagnat.

June 14 (Mon) - 3rd day namin sa ospital, 2days nakong walang tulog. Salamat. LolJk. Ayun, bathroom restricted si lola sabi ni doc. Dahil baka sha mahilo uli at magcollapse. Btw, Monday na, may pasok na kinabukasan - wala pa din akong tulog, wala pa din akong kapalit - yung isang pinsan ko napalitan na dahil anemic sha, kailangang kalingan nya na magpahinga, ako straight pa din.
Eto na, dumating ang nanay at tatay ko -- maayos na si lola, isang bag na dugo na lang isasalin sa kanya sa go signal ng doctor. Pagdating ng nanay at tatay ko kinausap nila ko "Uwi ka na muna Em, pahinga ka, may pasok ka na bukas, ikaw lang mag-isa sa bahay, okay lang ba sayo?" Walang kaso sakin. Sabi ko. At umuwi na nga ako.

Same day - around 5PM, nakauwi nako ng Cavite from Quezon City. Nagcommute lang. Pahirap sa katawan. Akala ko di ako makakauwi. :(( Dumaan muna ko sa bahay ng kuya ko bago umuwi, pagkauwi ko naligo ako (bongga, bangenge dahil walang tulog tapos naligo hahahaha! maloloka nako) pagkaligo ko natulog nako, nagising ako around 9PM, nagugutom ako, pagpunta ko ng kitchen andun si kuya, matatapos ng magluto - pinaghain pa ako -- *touched* ang swerte ko. Naiiyak ako. HAHAHAHA! Eff. ang arte ko. "Kumain kana, uuwi nako ha, i-lock mo lang mga pinto saka yung gate paglabas ko tas mo kumain pahinga kana" sabi niya. Napasmile ako, Thanks kuya. Nasabi ko.

June 15 (tues) - 11:30AM ang pasok ko, maaga ako nagising, siguro dahil worried pa din ang isip ko. Nagteks ako kay nanay kung kumusta na si lola -- ganda ng reply ni nanay "Baka makauwi na kami bukas. Sabi ni doc. ganda daw ng improvement ni lola, napaliguan na namin sha. malakas lakas na uli sha kumain" Praise God. :)

Same day, pumasok nako, 2subjs. lang ako that day. Walang Prof. pareho. Crap. :|

June 16 (Wed.)- Nagiisip akong magnet. Kaso tinamad ako dahil nung pauwi napakainit, pagdating ng bahay nakatulog agad ako. Parang ngayon lumalabas lahat ng pagod ko sa katawan. Exhausted much.

Same day, around 8pm, dumating na sila lola. Sa bahay muna sha magstay habang nagpapagaling sha ng mabuti. Dahil malaki yung kwarto ko, dun sha. Di naman sha pedeng iwan magisa sa vacant room dahil di pa sha pwedeng magkikilos ng sobra.

June 17 (Thurs) - Bahay-HW's at kay lola naubos ang oras at buong araw at gabi ko.

June 18 (Fri) - School-Bahay-HW's. at kay lola pa dn naubos ang oras at araw ko, pero di kagaya nung una di na sha gaanong alagain ngayon. :)

June 19 (Sat)- Absent ako. Nice. Dapat sa UST ang punta ko for a certain seminar. Kaso out of the blue naging sa Makati na. Tsk. 7AM-6PM ang seminar. Haba pota. >:|

8AM, Ayos nasa pancake house pa kami, breakfast?!. Eff. Super late na noh?

9:30AM ng dumating kami venue. Wow. Center of attraction pssh. Dahil late lahat sila nakatingin nung pagbukas ng door. Ang nakakatamad na seminar sa wakas natapos ng 7PM. Bullsh*t. Di kami marunong magcommute pabalik ng Cavite from Makati.

Nagtanong kami. How nice. Andameng nagturo samen, paiba-iba ng sinabe. I was like ginagago nyo ba kame?! >:| HAHAHAHA! Hinatid kasi kami nung papunta ng venue, sad to say hindi kami masusundo so walang choice kundi magcommute ng biglang bumuhos ang ulan. Okay. Naguumpisa ng uminit ang ulo ko di dahil sa situation kundi sa nagiisang kasama ko putrages! ang arte arte! :|

Walang ibang sinabi kundi "Ayoko ng ganito-ayokong magMRT-magtaxi na lang tayo" Magtaxi?! Makati to Cavite?! Fine, basta ikaw magbabayad. 8) Tameme si gaga. Ayaw magMRT kasi pipila pa daw kesho ganito ganyan. E sabi nung nagturo samin magMRT na daw kami para makaiwas ng traffic. Pota ayaw pa den. Sabi ko na lang "Iiwanan kita, ano?!" kainis.

Thanks Bro, baha. HAHAHAHA! Epal e, ayun nakarating kami ng MOA. Sa terminal dun nakasakay kami pauwi. Nice baha sa Talaba, Zapote. Super traffic. Umiikot na mata ko sa kasama ko. LOLJK.

June 20 (Sunday) - Father's day. How crap, paders day na paders day nilagnat naman si erpat. Okay, nagluto na lang ako for him. Di kami makalabas for a date kasi nga may sakit sha, ayos nadagdagan pashente ko sa bahay.

Same day, 6PM, pumunta ko kay kuya para maghatid ng niluto ko para matikman nya, shit. May lagnat din si kuya. :|

Today, okay okay na si kuya.
Buti na lang strong ako! HAHAHAHAH. Kering keri ko pa! :))
0 com

Pilipino kaba?

Pinoy ka ba? 100%? Edi alam mo na ding naiproklama na ang ating 15th President kasama ang bago ding Bise. :D Okay, wala lang nasabi ko lang. Congratumalations sa kanila.

Eto talaga, buryong na buryong ako kanina, pagsushal bored owver owver. 8)
Pero nawala ang boredom ko bigla, at dahil nga bakashon, nangalawang ang utak ko, e ngayon nalagyan ng langis ang kalawang, gumana ang utak ko! WOOOOOO! Natagpuan ko to.
Grabe, super owver napaka nageffort akong sagutan to. REMEDYUHAN ANG UTAK NA KINAKALAWANG!
(click mo) Sagutan mo! HAHAHAHA! 22/60 lang score ko potpot. Nakakahiya mang aminin lagpak na lagpak. HAHAHAHAHA! >:)

Nakakatuwa yung mga laro. Check mo pa DITO. Madame pa. Enjoy! :)


0 com

Tumblr :3

Wala kong magawa. Makapagblog na nga lang.
Anyways, yang Tumblr na yan ang patok na patok ngayon huh? Nung di pa uso yan, gumawa ako nyan. First time. Ayun, awa ng tatay ko e hindi ko naintindihan kaya ayun nicancel account ko na hihi. Di ko naintindihan kung panu gamitin, di ko naintindihan pano pagandahin, di ko naintidihan kung para san, in short di ko gets ang purpose ng site na yan dati! Kung katangahan yon, at kung nangangagat ng tanga yon nako wala na ako ngayon. HAHAHAHA! Ngayon, gets ko na purpose kaso ayokong gumawa. Mahirap magmanage ng madaming accounts, saka nakokornihan ako sa way ng pagbblog dun. >:) KORNI! MAIS NA MAIS! lels. Bakit? Here:

Okay, eto na naman ako, manlalait HAHAHAHA! Ayoko don, para sakin ang Tumblr ngayon e takbuhan ng mga taong gustong maki-'in', nakikiuso, tas wala namang ibang gagawin kundi magreblog? :)) =))
Sows. 8) Hmm, kaya naman para sakin e takbuhan sha ng mga taong gustong makiuso e dahil ngayong unti unti ng kinasasawaan ang Facebook, at ang Tumblr e pwedeng iconfigure sa FB ayun sumikat! Woot! Ngayon may makikipagchat sayo, Follow mo po Tumblr ko. Shiiiiiit! Naghang ako dahil lang nagpapafollow ka? Paslangin kana! HAHAHAHA! Asar e. Mga taong 'to, walang kakuntentuhan. Imperness bilib din naman ako sa galing nilang magupdate sa dami ata ng accounts nila e mahilo-hilo ako. Minsang may nag-aya saking magtumblr, naku ayun, magalang ko namang tinanggihan charot! :))

Okay, nangialam lang ako ulet, paki ko ba e trip niyo yon noh? Trip ko lang din to. >:)
Geh magtumblr lang kayo, iniisip ko lang kung anung susunod sa tumblr. :))

Excess no. 2: Hahaha. Landi ko may excess pang nalalaman, ayun, one week na lang pasukan na! Yesssh! =))
0 com

My first Casino experience :D

Nagswimming kami kanina, buong pamilya bilang celebration sa birthday ni Cedrick makulit. Napakakulit nya, kaya medyo di ko sha type na bata. Pero shempre di alam ng pinsan ko na nanay nya na ayaw ko sa anak nya noh. May pagkamaldita ko sa makulit na bata kase >:) Anyways, habang nagkkwentuhan ang mga matatanda sa cottage, nilalantakan ko lang yung inihaw na hotdogs sa gilid. Nakikinig. Natatawa minsan sa mga pinaguusapan nila. Napagusapan nila ang lola kong adik. Adik sa casino. :))

Way back two-three years ago, graduating ako ng HS, dun pako nakatira kay lola, dati pa adik na sha magcasino, kaso nga tumatanda na sha kaya di na sha pinapayagang umalis mag-isa, 79 na si lola ngayon edi 76-77 sha nung mga panahong yon. Mga June 2007, bakashon pa, ilang weeks na lang din bago magpasukan, nakatambay lang ako sa bahay at nanunuod ng T.V, feel na feel kong buong bahay ng lola dahil malamig ang panahon, may bagyo ng mga panahong yon, umuulan ng malakas sa labas. Minsan bumubugso ang hangin. Masarap sa loob ng bahay, manuod ng T.V at matulog ng mangati ang paa ng lola ko. Gustong gumala. Gustong umalis. Jusme 'tong matandang to sa isip isip ko. >:)

Nanunuod nga ako ng T.V, tumabi si lola sakin sa sofa 'Em, magbihis ka, samahan moko sa tagaytay' natawa naman ako at nasabi ko na lang 'La, sersyoso kayo?' at tumango sha sabay ngiti. Ako naman tong si mabait na apo e naligo na at nagbihis, heelow alangang pabayaan kong umalis yung matanda magisa 8) hihihi

Around 9am na non, nagiisip si lola kung magddrive daw sha ng owner, para di na kami magcommute. Sabi ko magbyahe na lang kame kasi madulas ang daan, mahihirapan lang magdrive si lola. Yess, nagddrive pa si lola kahit hanggang ngayon. Bagets na bagets kaya lola ko. :> Okay, ayun na nga, nagbyahe na kami dahil maluwag ang kalsada dahil may bagyo e bihira ang nagbyahe e mga around 10:00 - 10:30 am nasa Casino Filipino Tagaytay na kame. ang 2hrs na byahe e umikli.

Tagaytay. Grabee ang LAMEG! Ambaba ng fogs, yung 10am parang magseseven na ng gabi. Okay, nakarating na kame sa Casino, ilang beses na din naman akong nakapunta dun kaya lang hanggang lobby lang, dahil nga minor e di makapasok sa gaming area. Uyy eksayted ako. Hihi.
Edi ayun na, pumasok na kami sa lobby, umakyat sa bonggang hagdan at hinarang ng mga guards papunta ng gaming area para icheck ang aking bag. Shoulder bag, yukk girl na girl ako, sabi kasi ni lola para daw magmuka akong dalaga. :)) Okay chineck ang bag at biglang sinabi ni lady guard 'Miss pwede bang macheck yung cellphone niyo?' ayy oo, nasa bulsa kasi ng jeans ko ang fone ko at nilabas ko nga -- tinakpan ng packing tape yung camera? :O Ganun pala dun. Nagsusumigaw ang isip ko. IGNORANTE! :)) HAHAHAHAHA!

Gaming area -- woot! angganda! sushal na sushal. :)) Gusto kong tumakbo sa loob! pero shempre di ko ginawa, naisip ko sarap magpicture picture dito, kaso yung camera ng fone ko tinakpan. Hmp! Okay, anlamig sa loob lalo dahil sa lakas ng aircon tas yung singaw pa ng lamig galing sa labas. Brr. Tapos ako nakasleeveless bongga. Pero pinangatawanan ko na. Hihi. At nagpapalit na ng panlaro si lola ako naman e nagC.R. hmm. Ang banyo bongga! Woot! Namamango ang C.R, hindi amoy banyo, at ang salamin sinlaki ng dingding :)) sa gilid ng washing area ng banyo may J&J powder, Jergens lotion, baby cologne, alcohol at candies (maxx, mentos at fox) suuuushal ng banyo! Yiee gusto ko magpicture kase asa banyo naman wala naman sigurong CCTV cam dun. Pero di ko na ginawa, takot ako e :))

Lumabas nako ng C.R, tuloy sa gaming area at hinanap si lola -- ayun si lola! Asa table ng nagpopoker, hindi ko naman maintindihan. Nagikot ikot ako, dun ako napadpad sa may mga slot machine, wink madami tao dun. Maya maya nakita ko si lola pupunta na din dun. Hmm. Adik talaga si lola tsk tsk. Ayun, lumipas ang oras nawili naman ako magtingin tingin, hindi ako makalayo kay lola kasi binilinan ako nung guard na wag lalayo kay lola, nahalatang bagets ako. :))

Nagpunta ko dun sa parang bar sa loob-- charr! sushaal! Gugutom ako e, bibili sana ko buti sinundan ako ni lola, may lumapit na waiter - pinapili ako ni lola ng gusto ko, may pinakita si lolang i.d, may pinirmahan sha at boom! ayun na ang order, di naman credit card yung nilabas ni lola simpleng i.d lang pero payn kakain nako. at ayun, naglaro na si lola at ng magsawa e kami'y umuwi na. :)
Nakakatawa lang yung line ni lola habang nasa bus kami pauwi 'Em, kung di kita kasama baka naglulupasay nako, tatakot ako umuwi' nabagyo nga kasi, dang lakas ng ulan halos di magkakitaan sa kalsada. Jusko maglulupasay? sa tanda nyong yan la? hihi. Sa isip ko lang ;)

Masaya balikan ang pagkaignorante ko sa aking first time sa casino. Lumuwa ang mata ko sa mga poging naglalaro dun na bagets. Mga young businessman daw. Charr.

Excess: Happy birthday Ced (today) at Bon (tmr) Kahit makulit kayo, ILOVEYOUBOTH. Pakabait! :*
aaaat YUNG EPAL SA FORMSPRING HAHAHAHAHA! PATIWAKAL KA NA! :))
0 com

o.O

Kailangan ko ng mag-ingat, dumadami na ata nakakaalam ng blog ko.
Di na muna ko magpaparamdam sa mga tao tao na ugh o.O

Si tyanak, van, kyle at xiao pa lang ang literally'ng nakakaalam nento. Mukang may nakakaalam na ding iba >:|
Magtatago na kooo! Whahahahaha. Deleted na lahat ng connected dito, KUNG SINO KA MANG NAGTANONG SA FORMSPRING KO! BWAHAHAHAHA PAG NABASA MO TO. TENGENE MO! MAGPAKILALA KA! WAG KANG ANO, ANO KA E, PAKILALA KA! HAHAHAHAHAHAHA!
0 com

Deydrim. :D

Ako nga ang batang ambisyosa. Oo, bata pa ko. :D
Okay, dahil nga ambishosa ko e pangarap ko talagang makatapos na, maghanap ng trabaho, magpayaman at maglagalag kung san san sa mundo. Simple lang naman ang pangarap ko diba? Baliw sa mababaw. Kung ganyan lang sana ang buhay pagpinlano mo tas magawa mo agad. Wala sigurong mahirap sa Pilipinas. :D Kaso hindi ganyan e. Okay.

Ang aga gumana ng kagagahan ko, pagkagising kasi bago ko bumangon e ugali kong magdaydream muna. Nagiimagine ng kung ano ano, minsan pag yung deydrim ko e naguusap na tao feeling ko nadidinig ko talaga yung pinaguusapan nila. Abnormal much? Hihi, pero genyan talaga e. Bago matulog at pagkagising daydream muna. Ikaw, nagdedaydream ka din ba? :D

Sa pagdedaydream ko kanina, andaming paikot ikot sa utak ko. Hindi ko alam kung nasang lugar ako pero maganda yung lugar, hmm. May naalala tuloy ako kanina, yung pangarap ko nung 5yrs old pa lang ako, yung ko pangarap talaga dati e makapunta ng Australia at makita yung sinasabi nilang Aurora.(click mo) Diba ang ganda, eto pang isang view ng aurora. (click ulit)
Diba diba, ambishosa ko pero madali akong maamaze, gusto ko talaga yang makita kaso ngayon hindi na. Sa polusyon ng mundo e bihira na daw iyan makita, kung anu anung gas kasi ang bumubuo jan. :(

Pero hindi naman natapos don ang pangarap ko, madami akong gustong gawin, kahit di muna ko makarating ng ibang bansa basta malibot ko ang Pinas, solve na! Yung mga liblib na lugar ng Pinas na may tinatagong angking ganda, naks. Ayun gusto ko marating yon, maekpiryens ng bonggang bongga ang mother nature. Nature lover ako di mo naitatanong, dahil siguro sa hilig sa paghahalaman ng mga aking peyrents e namana ko yon. Ayun, ung daydream ko e humaba na ng dahil sa naalalang pangarap. Hihihi :D

0 com

June na! Woot! :)

Woot! June na! :DD 14 days to go, papasok na naman ako. Kahit pangit ang schedule ko at di ko gusto mga classmates ko e masaya pa din namang isipin na papasok na naman ako. :D

Looking forward pa din naman ako sa mga positive aspects ng buhay ko ngayong dadating na pasukan, gagana na naman ang utak ko, gagabihin na naman ako ng uwi, magkacram na naman, may makikilala din namang bago at higit sa lahat magiging productive nako! :)) Napakaunproductive nga kase ng summer ko hihi. Uyy, pers taym ko magsesecond year yesssh! Dapat kasi third year nako, okay saka ko na ichichikka. :P

Basta ansaya saya. Naeeksayt ako. :)
At natutuwa din ako, imperness naman noh? Updated blog ko since nung ginawa ko. Masaya ko dito. Masaya ko sa ginagawa ko. Masaya ko na may babasahin ako pagfeel kong magmoment. Oyess! Masaya talaga. :DD

Hello June! I'm looking forward to have the bestest days with youu okay? :D

May ganun bang term? Bestest? Mas best pa sa best. Bastaa yown! Haha! :D
0 com

Kababalaghan :S

Matatakutin ka ba? Naniniwala ka ba sa kanila? Sa mga taong may matang hindi natin nakikita? O binabalewala mo lang sila? O naiisip mong malakas lang talaga ang topak at saltik sa mga ulo nila?
Ako, oo, naniniwala ako na may mga bagay/di pangkaraniwang bagay sa paligid ko na may mga "third eye" lang daw ang nakakakita.

Kagaya ngayon, muntik nakong tumiklop pero hindi nangyari, kinabahan lang ako. :D
Medyo puro kababalaghan ang napagusapan at naganap.
Actually, matagal ng nawala ang takot ko sa mga ganyang bagay. Multo, mga bad spirits at kung anung anik anik na kababalaghan, nawala yon nung napatira ako sa bahay ng lola ko. Hindi naman sobrang lumang bahay ang bahay ng lola ko, pero madami daw nakatira don na hindi tao.
Nadinig ko din na minsan ng nasunog ang lugar na kinatitirikan ng bahay ng lola ko, pero dahil nga DAW may nakatira duon na nagaalaga sa bahay e himalang tinalunan ng sunog ang bahay ni lola. Oo, tinalunan, imaginine mo nasusunog na ang mga bahay sa paligid ng bahay ng lola e yung bahay ng lola ko hindi man lang nasunog. Pambihira diba. KALOKOHAN! Sigaw ng utak ko ng madinig ko ang kwentong yan, pero lahat sila yun ang sinabi. Okay, okay na lang. Wala kayong proof, picture, mga kwento niyo lang pero sige fine. Kalokohan talaga sabi ng utak ko. :))

Okay ayun na nga, nawala na ang takot ko sa ganyan dahil nga sa pagkakatira ko ng apat na taon sa bahay ng lola ko. Medyo malaki ang bahay ng lola ko sa pangkaraniwan, malawak ang loob. Pero kagaya ng mga bahay na may matatandang nakatira, ang bahay ni lola e madaming litratong nakasabit sa dingding, mga litratong singtanda na niya - black and white. :| Dun ako sa totoo lang natakot nung panahong nakatira ako sa bahay niya, kasi lahat ng picture nakatingin sakin :)) =)) Paranoid much? Haha.

Talon din tayo, hindi tungkol sa bahay ni lola ang entry na to, tungkol talaga to sa bahay namen.
Matagal na kaming nakatira sa bahay namin, nagsimula sa simpleng parang kubo nung una, hanggang sa tagal ng panahon nageevolve din yung bahay namin, medyo lumaki na at gawa na sa solidong pader ang bahay namen, pero di talaga tungkol sa bahay namen. Dun lang sa mga nangyayari ngayon sa bahay, eto ang ilan:

a.) madaling araw, pasado ala una-alas dos siguro,
hindi ngayong buwan pero ngayong taon, tulog na tulog ako sa aking kwarto, na hindi ko alam na napabalikwas ang nanay at tatay ko at napatakbo sa kwarto ko upang icheck ako. Bakit?

- base sa kwento ng nanay ko, naalimpungatan sha at nagising ng may marining shang ungol ng dumadaing na babae mula sa kwarto ko. infairness malakas siguro yon dahil may isa pang kwarto ang nakapagitan sa kwarto ko at kwarto ng parents ko. ginising daw ng nanay si tatay upang makasigurado, at ng nagising si tatay nadinig din niya ang daing. bumalikwas sila ng tayo at sumugod sa kwarto ko at duon nakita nila akong tila anghel na himbing na himbing sa pagtulog. :D
kinuwento sakin yan ng nanay ko habang kami ay nagaalmusal. walang biro, dalawa silang nakadinig. :|

b.) madaling araw uli, same time, around 1am din, kagabi lang nangyari, ilang linggo na na duon natutulog ang nanay at tatay ko sa kwarto ko, may kalakihan ang kwarto ko sa tatlong kwarto sa bahay namen, pinakamalaki, para tipid sa kuryente dun sila natutulog malamig kasi sa kwarto ko, alam mo na. lol. pero ayun nga, dinalaw ng insomia ang nanay ko at naglaro na lang sha ng cellphone nya, pampaantok ang dakilang snake. :D habang naglalaro sha, may nadinig sha ' leng! leng! ' Pangalan ng ate ko, boses lalaki daw ang tumatawag. Wala ang ate ko dito sa Pinas, kaya ako naghinala -- baka naman nanaginip lang kayo.

- iginiit ng nanay ko na gising na gising sha, okay, gising sya.
kachat ko si ate kanina, kinuwento ko kay ate:

Ate: Em, sabihin mo kay nanay patawas ako.
Ako: Seryoso ka te? Hahahaha.
Ate: Oo nga bilis, now na kamo. Boses lalaki ba daw? Baka si lolo yun.
Ako: Osige, sabihin ko.

At pinatawas nga ng nanay ko ang ate ko. Posible pala un, kahit pangalan lang pede na. :))
Inferness kinilabutan ako, kung anung anik anik yung ginawa ni aling lita (mangtatawas) at naghugis tao ngaa yung abo at kandila. Hmm.

Sabi ni aling lita, kaluluwa daw yung tumawag sa pangalan ni ate. Lalaki at maaaring malapit sa amin, kaya ang hinuha ng nanay ko e si lolo. Magpamisa at magdasal lang ang sabi ni aling lita, edi yun ang sinabi ko kay ate. Isinangguni din ng nanay kay aling lita yung nadinig nila ng tatay ko, sabi ni aling lita binibiro lang daw sila nung nakatira sa bahay namin. I was like :O :O :O
Nakatira sa bahay? :O HAHAHA! Oo, may nakatira daw sa bahay namin, mga maliliit na puti. :)
Mababait daw at inaalagaan ang bahay namin at pati na din kami, kaya daw yung bahay namin kahit pasukin ng masasamang loob e mahihirapan. May bantay daw kasi, madami pang kwentong mas nakakakilabot na ang venue e sa bahay.

Pero ako, wala akong kakatwang nararamdaman sa bahay namen, masaya nga ko magisa sa bahay e. Sabi ni aling lita mabait nga daw yung nasa bahay, hindi daw nananakit. Gusto mo bang bumisita sa bahay? Overnight ka minsan. ;)


0 com

Muni-muni :)

Umuulan sa labas. Mahalumigmig na ang paligid, pero ang utak ko di pa din matahimik.
Ilang araw akong nagmuni muni. Tapos kanina nagbasa ako ng mga blogs. Madami dami din akong nabasa, naiiyak pa nga ko kanina. Nakakarelate kase ko sa mga nababasa ko.
Hindi naman siguro kaartehan yung nadadala ako sa binabasa ko, kase ramdam ko, ramdam na ramdam ko yung sinasabi nung tao.

Nakakatuwa lang, kase dun sa mga nabasa ko parang medyo nagising ako.
Nagising ako sa katotohanan na hindi naman dapat minamadali ang araw o ang oras sa buhay mo. Dapat talaga ienjoy mo, kahit minsan badtrip ka sa buhay na kinalalagyan mo.
Ambilis kasi maginit ng ulo ko, laging inis, laging badtrip, laging may toyo sabi nga ng ate at kuya ko, mana daw ako sa tatay ko na mainitin ang ulo pero ngayon naisip ko at infairness naman na nasimulan ko na gawing masaya lagi ang araw ko. Laging may nagsasabi sakin na iappreciate ko lang daw yung kahit simpleng bagay sa buhay ko. Hindi ko maintindihan yon, I mean na hindi ko maintindihan -- panung appreciation ang gagawin ko?! tas mapapamura nako. Baaad no? Ganyan ako.

Madali lang naman pala gawin kung tutuusin. Iappreciate ang mga simple at maliliit na bagay sa buhay mo, sa paligid mo at mararamdaman mong masaya ka sa mga gingawa mo.
Sa nakalipas na ilang araw pa lang naman, nararamdaman kong masaya ko. Nabawasan nga daw yung pagkabugnutin ko at ramdam ko sa sarili ko parang ang laki agad ng pinagbago ko :D

Sample ng appreciationg ginagawa ko sa buhay ko ngayon:

1. Madalas, akong nagbabantay sa tindahan ng kuya ko. Dahil nga bakasyon, sa tindahan niya ako nagpapalipas ng oras, akong nagtitinda. Sari sari store lang naman sha, madalas bata ang bumibili, naiinis agad ako pag ang kulit kulit ng nabili kaya nagsusungit ako. Hindi ako ngumingiti sa nabili. Kaya ewan ko ba, parang ayaw nila bumili sakin. Pero ngayon nakakapagpasensha nako, at para sakin malaking bagay na yon :) -- Appreciation sa negosyo ng kuya ko. Kapag hindi ako nagpakita ng magandang asal sa harap nila baka mawala ang mga suki ng kapatid ko. Babagsak ang negosyo. Isang simpleng ngiti lang. :)

2. Paggising ko sa umaga nagtitiklop nako ng higaan ko. Dati hindi talaga, kaya lagi akong nasesermunan, laging sinasabi sakin ng nanay ko Kababae mong tao, iligpit mo muna yung higaan mo! Yan lang naman ang gagawin mo sa bahay paggising mo. Hindi ko sinusunod, dahil nga solo naman ako sa kwarto laging sinasabi ko Wala namang makakaalam nyan, ako lang naman hihiga dyan. Ngayon nagliligpit nako ng higaan ko, tapos ngayong naaalala ko yung dating ako naiisip ko, dang burara ko pala. :)) -- Appreciation sa sermon ng nanay ko sa umaga. Ngayon narealize ko na para sakin yon, ayaw nyang lumaki akong burara.

3. Simpleng text, may mga kaibigan akong masipag mag-gm. Ako din mahilig, dati. Ewan ko kinatamaran ko na lang bigla e. Pero ngayon simpleng text na Goodmorning Em :) napapangiti ako. Lalo na pag may pangalan ko, kahit hindi ko minsan gusto yung taong nagtext napapangiti nako. Sabihin nating nakakatats lang na may nakakaalala sayo e ang aga pa. :) -- Appreciation sa taong nakaalala sayo at nageffort pang magtype para lang malaman mo na mahalaga ka sa kanila.

4. Facebooks, Plurk, Twitter, Multiply o kahit Friendster at lahat ng social networking sites, Oo minsan din akong naadik sa lahat ng iyan at yung iba nga adik pa din ako hanggang ngayon. Pero pag dumadating sa point na nagsasawa ako at kinakainisan ko na yung site, naisip ko lang, wala namang ginagawang masama yung site. Hindi naman lumapit sakin yung site. Ako naman yung umupo sa harap ng computer at nagtype para mapunta sa site na yon tapos nainis ako sa kanya dahil nagsawa ako. -- Appreciation sa mga bagay/sites na wala namang ginagawang masama sayo. Minsan namang naadik ako sa kanya at tumulong pa nga na mareach ko ang mga taong malalayo sakin.

5. Yung hangin, nararamdaman ko araw araw, lalo na ngayon na mainit ang panahon nitong nakalipas na summer. Nauso pa ang rotating brownout dito sa Pilipinas nitong buong bakasyon. Dumating ang buwan na araw araw atang nawawalan ng mahigit isang oras na brownout dito samin. Napakaiinit. Ngayon ko naappreciate ang hangin, madaming puno sa paligid ng bahay namin, salamat sa tatay at nanay kong napakahihilig sa halaman. Kaya kahit walang kuryente, lalabas lang ako ng bahay, maglalabas lang ako ng folding bed sa terrace namin at boom! Presko na, feeling donya. -- Appreciation sa mga bagay na hindi mo man nakikita, e hindi naman nawawala sayo. Parang mga tao lang yan na malayo sayo, di man kayo magkita palagi e kung palagi ka naman nilang naaalala at marunong kang pahalagahan sila, hindi sila mawawala sayo :)

Yan ang ilan lang sa mga simpleng bagay sa buhay ko, baka nga yung iba e parehas din sayo na pinapalampas mong iappreciate. Nagmuni-muni ako. Nagisip-isip sa mga bagay bagay na nasa paligid ko. Inalala ang mga nakaraan na ngayon e nakakatawa na lang balikan. Ngayon ko lang nalaman, andami na palang nangyari sa buhay ko na sinayang ko sa walang kabuhulan. Hindi ko na kayang balikan. Hindi ko na kayang ulitin. Pero looking forward ako sa replay kung pwede, and this time kung mangyayari -- gagalingan ko dahil mas positive nako :) Natuto nako at alam ko madami pakong matututunan sa darating na araw. :)
0 com

Magmura ka! >:)

Nagmumura kaba? Kase kung di ka nagmumura tapos ayaw mong may nababasa o nadidinig kang mura e wag ka ng magpatuloy sa pagbabasa dahil sinisigurado ko sayo walang hindi magmamahal sa pagmumurang gagawin ko. Pootangina talaga kase, naiinis ako okay?! Baket? Kase yung putakels na lecheng pinapasukan kong eskwelahan e talagang pinagiinit ang ulo ko sa mababaw namang dahilan. Oo, mababaw lang dahilan ko pero hayup talaga nakakasama ng loob e. :(( Nakakaiyak. Alam mo yong ganung feeling? Nakakagrr. Tanginaaaaa. Ganon. :/

Anu ba yung mababaw na dahilan ng pinagkakagento ko?! Kase kase yung dalawang PINAKA-PINAKA close friend ko (si Mae at Jhe) e napahiwalay sakin ngayung dadating na sem. Actually, classmate ko sila ng isang sem. pero pinakaclose kaming tatlo. Tres Marias baga. Tapos napahiwalay si Mae samin ng isang sem. Ngayon hiwa-hiwalay na kameng tatlo. :( Parang nanadya e. Tengene talaga. :|

Ambabaw ba? Paki mo, trip ko to e. Nakakagago e. As in.
Hindi ko na nga classmate ngayong dadating na pasukan yung mga close friend ko tapos bibigyan pa ko ng classmate na kinaaayawan ko. Nampucha naman talaga. Nakakapoooootek e.
Ewan, siguro magiging loner ako ngayong dadating na pasukan. Mabuti na din siguro yon, mapipirmi ako ng bahay. :(

Wala ding kwenta schedule ko. Nakakatamad yung mga oras nga pasok. :/
Okay, pampalubag loob -- sabay sabay ang uwi naming tatlo every sabado. Okay sabay sabay kaming uuwi. SALAMAT.






0 com

Gagamon. :D

Gagamon. Wala natatawa lang ako, kase naman nauso nga ang sikat na sikat na mga Jejemon na yan. Pero hindi sila ang concern sa entry ko na 'to, kundi yung kaibigan kong may may blog den na sha daw ay Tetemon. Oo, tama. Tetemon nga. Sha daw e 'te kumusta? or ayos ka lang 'te? kaya Tetemon. Hahahaha! Abnormal much? Sakanya ako nainspired kaya nakapagupdate ngayon. :D
Sha ay Tetemon ako naman ay Gagamon. Bakit? Dahil ako ay isang kilo't kalahati din namang gaga. May pagkagaga. Magiging ipokrita naman ako kung sasabihin kong hindi kaya oo na, aminado naman e. :D

Pero hindi pa din tungkol sa Jejemon, Tetemon at Gagamon 'to. Mejo random to. Random na random. Na may konek din naman. Teks kasi. Bastaa. Ewan. :))
Nabanggit ko na lang din yang mga MonMon na yan e ikokonek ko na -- siguro naman e may nakateks ka na din ng gento.

"Hi! Kumusta ka na?... Anung ginagawa mo? .. Haha... Kumain kanaba?"

Kase naman itatanong ko lang, itatanong ko lang bat andaming ellipses?
Yung mga tuldok? :D
Natanong ko lang naman ha, ang tamaan di ko sinasadya. Para san ba yang madaming tuldok? Pampacute? Mas maeffort? Okay pakialamera ko.Smiley
Pero naisip ko kasi PAG, pag lang naman ha, pano pag may kateks kang abogado tas ganyan ang style ng teks feeling mo ba magaling sha? Diba minsan mapapaisip ka, magdududa sa kakayahan niya. I wonder what's with those dots. Panu gagawa ng documents si attorney, puro ellipses? Whahahaha. Okay natanong ko lang din naman. Natatawa kase ko. Nababaduyan den. Yabang ko pooootah.
Kala mo e danggaling ko e no. Whahaha Gagamon nga. Paki mo. >:)


OPINYON KO YAN! wala lang. Sinabi ko lang. :P
0 com

Wasteline :))

Ikaw anong waistline mo? Sexy ka ba? May 36-24-36 na vital stat.? o may mala-coke-in-can na pangangatawan? Hahahaha! Kase ako hindi naman payat, pero seksi ako. Whahahaha. Ang kapal. Jk lang. Wag na maglabas ng violent reaction na hiningaa jan suuss. :)))

Seriously, hindi talaga ako payat. Hindi din naman ganun kataba. Pero minsan may araw na pakiramdam ko antaba taba ko. Minsan naman feeling ko ampayat payat ko. Kainis.Smiley

Anyway, dahil bakashon obviously nanaba ako. Kaen-Tulog-Computer-Gala-Kaen-Tulog-Computer-Gala ba naman ang trabaho mo sa loob ng dalawang buwan e. Napaka-unproductive diba? Tsk. Hindi naman sobra pero nanaba ako. Okay.
Nakakainis lang kase yung mga tao na makakasalubong ko nagcocomment, ni hindi ko naman sila kausap, or kahit binati. Tsk. Mga ano talaga.Smiley

Babatiin nila ko para lang sabihing "Uyy Em, antaba mo ngayon ah" o kaya "Em, hindi mo ba gusto magdiet?" I was like -- Tengeneemoooo, hinihingi ko ba opinyon mo? Ugh. Pero shempre mabait ako ang sinasagot ko lang -- bakashon po e. hiyang. :) Pero gusto ko ng umirap. Whahahaha.

Pagkatapos ng mga ganyang batian eeksena naman 'tong mga taong di ko mantindihan kung nangiinsulto o pinupuri ako. "Ampayat mo ngayon Em ah, nagdadiet kaba?" para akong HA? o.O
Ginagago niyo bako? Kasi kung hindi e nakakagago e. Err.

Ikaw ano bang wasteline mo? Patapon ba? O waistline talaga? :DD Kung waistline talaga ay congrats ha. Kung may wasteline ka naman e try mong magdiet at magexercise. Madali lang magpapayat. Discipline as always lang ang katapat. Namamayat nako. At dahil magpapasukan na, mamamayat pa ko.SmileyHahahaha! >:)
0 com

Textmate :D

Mahilig kabang magteks? Siguro naman lahat tayo e dumaan sa punto ng buhay natin na naadik tayo magteks. Pero kagaya nga diba ng lahat ng bagay, kahit gaano kamahal at kaganda nagiging kasawa-sawa den.

Kaya ako napasulat tungkol dito e dahil kagabe e may nakipagtextmate sa akin :))

Nanunuod ako ng t.v kasama ang nanay ko. Nakahilata ako sa sofa. Yung cellphone ko nasa ibabaw ng sandalan ng sofa ng bigla itong magring.

Ako: Sino kaya to? mahinang sabi ko ng makita kong hindi nakaregister ang number.
Nanay: Sagutin mo kaya. hininaan ng nanay ko ang t.v, halatang curious din. dis oras na kasi ng gabi. around 11PM na.
Ako: Hello? pagkasagot ko ng cellphone. inulit ko pa ng mga dalawang beses. Hello?

-- nang bigla nyang pinatay. Maingay ang paligid nung caller, feeling ko parang nasa party or something.

Nanay: Sino daw?
Ako: Hindi naman sumagot, binaba na lang.

-- Tinext ko sha, Sino to? iniisip ko kasi na baka hindi nya lang ako nadinig. Signal defect. E baka importante. Gabing gabi na kase, wala agad reply kaya nagpatuloy na kami sa panunuod ng t.v. After mga 2mins siguro tumawag uli!

Ako: Hello?
Caller: Hello. boses lalake.
Ako: Sino po sila?
Caller: --

At bigla na namang binaba. Napapairap nako. Ang bastos ha. Sa isip isip ko lang naman. Nakatingin kaseng nanay ko. :P

Nanay: O sino daw? usisera talaga. hahahaha.
Ako: Ewan ko ho, di naman nagpakilala. Binaba nga lang bigla.

Nanuod na uli kami ng t.v. Pumasok ang nanay ko. Ako na lang ang nanunuod ng t.v, nang may nagteks.

Texter: Ikaw po ba si mayeth? number nung tumawag kanina.
Ako: No, baka wrong number ka. mabait nako, kasi naisip ko, kawawa naman wrong number.
Texter: Uhm, sino ka po?
Ako: Bakit?
Texter: Wala lang po, muka po kasing mabait ka.
Ako: Ay hindi ako mabait, pasensha na. Sige.
Texter: Ang ganda po ng boses mo.
Ako: Maganda boses ko, di kase ako maganda. San mo ba nakuhang number ko? sasapakin ko kung sinong nagbigay, sa isip isip ko.
Texter: Sa friend ko po. Di ko po pwedeng sabihin e.
Ako: Ay ganon? Maghanap ka ng ibang iteteks ha?
Texter: Wag ka po magalit. Kay alaiza po.
Ako: Alaiza? Wala akong kilalang alaiza. wala naman talaga. nagsisinungaling to. tsk tsk.

May naisip ako. Tineks kong pinsan kong adik sa teks. As in adik.

Ako: Cousin, kilala mo ba tong number na to? ***********
Cousin: Hindi e, bakit? Teks ko? :D
Ako: Tumawag e twice, tas nangungulit na. Sige, ikaw bahala.
Cousin: Anu ba sabi sayo? Tineks ko na.
Ako: Nakuha daw number ko sa alaiza e. Di ko kilala. Nagsisinungaling.

Nagteteks pa din ng nagteteks ang caller kanina. Di ka na po nagteks? -- Busy ka po? -- Mga ganyan. Nabubwisit nako. Whahahaha.

Cousin: Nagteks na. Tinanong ako kung kanino ko daw nakuha number nya, sabi ko kay alaiza. Haha. Ang reply sinong alaiza? Huli cousin. :DD
Ako: Haha. Di nako nagreply e, gusto mo ba? sige itextmate mo na.

----
Texter: Di ka na nagtext. :( Galit ka po ba?
ayy feeling? sa isip isip ko. hahaha. kaya nagreply ako.
Ako: Oo, galit ako. Ayoko sa sinungaling at ayoko sa makulit na nagteteks e hindi ko naman kilala. Pasensha na pero hindi ako nakikipagtextmate. Sige.
Texter: Bakit po hindi ka nakikipagtextmate? May magagalit ba?

Di nako nagreply. Wala talaga akong gana magteks, hindi naman sa wala akong load. Hindi naman sa pagmamayabang pero medyo madami akong load lagi. Salamat sa kuya ko. Sponsor ko ng load. lol. Pero hindi talaga ako mahilig magteks sa hindi ko kilala. Hahaha. Textmate?. Minsan nagawa ko na. Sa isang tao lang. Hindi din nagtagal at hindi ko na inulit. Lol.

Textmates. Clans. Bakit hindi ko kayo mahiligan. Hahahaha. Seriously, I find it cheap. Sorry sa mga mahilig sa clans at textmates pero ayoko talaga. I find it cheap really. I mean, wala ka bang kaibigan? Yung pwede mong itext ng di ka na kailangan magpakilala? Magsabi ng hilig mo? Tapos makikipagtextmate sayo bago sasabihin naiinlab na? Like duhh! Smiley

Hahahaha. Ang haba. Nawili ako mashado. :DD